09 | First Meeting

402 31 46
                                    

AURORA'S POV

Bawat sulok ng Elysium Academy ay nakakamangha. Hindi ko naman kasi akalaing may gym, cafeteria, shopping center, game center at iba pa. Ang daming pwedeng magawa dito.

Sa huli, nilibre talaga ako ni Callie. Syempre, 'di ko sinayang ang pagkakataon. Nagpabili ako ng libro.

Ayan tuloy, nakasimangot lang siya sa buong lakad namin.

Parang rinig ko ang halakhak ni Talia sa buong mall. "You look so funny, love!" saad nito habang nakaturo kay Callie.

"Gusto mo, ilibre nalang din kita?" natatawang tanong ko sa kanya. "Since we're friends, think of it as..." Napatigil muna ako. "-A starting friendship gift!"

Mas lalo siyang napasimangot dahil sa'kin pero hindi nakatakas sa paningin ko ang lihim niyang pag-ngiti. "So ano, ayaw mo ba?"

Agad siyang napangisi sa sinabi ko bago umayos ng tayo. "Syempre gusto ko! Ano pa hinihintay natin? Tara na!"

Rinig na rinig sa buong lugar ang mga tawa namin habang tumatakbo. Sinasaway na nga kami ni Amari pero parang wala kaming narinig. Dumiretso kami sa isang flower shop kung saan sinalubong kami ng mga nymphs ni... Persephone.

Si Persephone ang tunay na asawa ng ama ko...

"Buy me flowers, Aurora! Sinunog kasi ni Raven yung mga bulaklak ko bago sila umalis kaya kailangan ko ng bago ngayon. Babatukan ko talaga ang lalaking yon pagkauwi niya!"

"Don't you think you have too many flowers? It's crowding our dorm, Callie," pagsulpot na naman ni Amari. Nakakagulat talaga siya.

"I am a daughter of nature, duh! Mahilig ang nanay ko sa mga halaman kaya hayaan mo na ako. Agree ka diba, Tazyn?"

Agad na tumango-tango ang kasama namin bago ngumiti nang malawak. "Mhm! Syempre naman!"

Ang cute niya talaga...

Pati si Cole ay sumang-ayon na rin kaya wala nang nagawa si Amari kundi payagan si Callie na bumili ng bulaklak. "Ganda nito, oh!" Nakita ko ang tinuro niya at nakitang mga dandelion ito.

Dandelions... they looked beautiful in my eyes. For some reason, I felt attracted to them ever since I was little. Others would prefer roses, sunflowers and tulips... while I preferred simple dandelions.

"One bouquet of this please! Yung magandang kasama ko nalang po bahala magbayad."

Agad na napatawa ang mga nymphs sa sinabi ni Raia. "Dear, all of you radiate exquisite beauty," sambit nila habang tumatawa. "Which one of you will pay?"

Tinuro ako ni Callie. "Siya po." Dahil sa sinabi niya ay agad silang napatingin sa'kin. They scanned me from head to toe before giving me a smile. "Ganda po, noh?"

"If the beauty of darkness was a person, that would be you. Who is your deity, child?"

"It's-" Nung mga sandaling yon ay kinabahan akong sabihin ang pangalan ni Hades dahil mga nymph ni Persephone ang kausap ko. They are loyal to their mistress and if they knew they were talking to a child born out of infidelity against their mistress, they would probably be wary of me. "Hades is my deity."

But then again, the gods were known to have children from different goddesses, and even other gods anyway.

They were stunned for a second, and I thought I was doomed. Ang ikinagulat ko ay yung mga sandaling ngumiti lamang sila nang malumanay. Walang pait o galit laban sa'kin. "There is no need to be afraid, child. One's beauty cannot be determined by its origin."

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now