10 | Greek History

419 41 40
                                    

AURORA'S POV

"Grabe, Greek History agad ang first subject? Luh, 'di pa man nagsisimula, pagod na ako!" Rinig na rinig ang sigaw ni Callie sa buong academy. Ang lakas talaga ng bunganga ng babaeng 'to.

"Ugh, ayoko na, suko na ako!" Pang-ilang reklamo na ni Callie 'to. Hindi ko na mabilang sa sobrang dami.

Sa bagay, mahirap din kasi ang Greek History pag baguhan ka pa lang. Luckily for me, Mira made me read a whole stack of books, solely dedicated to this certain topic. Kaso nga lang, halos magtagal ako ng isang oras sa limang pahina pa lang.

"How was Elysium Academy so far, Cole and Aurora? Hindi ba kayo naiingayan kay Talia at Callie?" pang-aasar ni Mavi.

Agad na natawa si Cole dahil dito. "Maganda dito, mabait pa ang mga demigod. They treated us warmly." Madami pa silang tinanong at halos si Cole lang ang sumasagot dahil biglang sumama ang pakiramdam ko. Parang nahihilo kasi ako.

Naramdaman kong may humila sa laylayan ng vest ko. "Aurora..." bulong ni Tazyn. "Ayos ka lang ba?"

Kanina pa siyang nagtatanong sa'kin pagkatapos niyang gamutin ang mga sugat namin ni Hiro sa leeg. Lahat nga sila'y nagtataka kung bakit kami nagtapatan ng mga sandata eh.

Sa bagay, hindi ko din alam kung bakit ko nagawa yon.

Mukha talagang nag-aalala si Tazyn para sa'kin dahil nakanguso siya ngayon. Nginitian ko siya bilang sagot. "Of course. I'm fine."

Akala ko may kapangyarihan makakita ng nararamdaman si Tazyn dahil habang papunta kami sa classroom namin ay panay tanong siya kung kamusta ako. "Pero hindi ka mukhang okay eh..."

I chuckled before patting her head. "Wag ka nang mag-alala. Sasabihin ko sayo pag masama ang pakiramdam ko," I assured her. Nginitian niya nalang ako bilang pagsang-ayon.

Sa buong paglalakad namin papunta sa classroom ay nakahawak siya sa kamay ko. Napapatawa ako sa aking isipan dahil pakiramdam ko may kapatid ako.

Nakakalungkot din kasi minsan sa bahay namin ni Mira. Malaki ang tirahan namin pero kaming dalawa kasama ang mga katulong lang ang nakatira dito. Madalas pa namang umaalis si Mira... kaya naiiwan akong mag-isa. Masaya sa pakiramdam na may mga kasama na ako dito.

"You're late by a minute, Elysians." Bumungad sa'min ang pamilyar na mukha ni Miss Elliana pagkapasok. Teka- si Miss Elliana?

Siya ang magtuturo sa'min ng Greek History?

"We apologize, Miss Elliana." Si Amari ang humingi ng paumanhin para sa amin. "We will make sure this won't happen again."

In these moments, I could truly see why Amari was born as Athena's daughter. She's courageous, wise and responsible... just like her mother.

Napahinga nang malalim si Miss Elliana. "I will let this slide as I know that your other members have only arrived today but the next time this happens, you will have to run 10 laps around the field, do you understand?"

I shivered at the thought of running 10 laps around the field. Isang lap pa nga lang halos hindi ko na kayanin, sampu pa kaya?

Sa huli, sumang-ayon nalang din kami at umupo sa kanya-kanyang upuan. Katabi ko si Callie sa kaliwa habang si Tazyn ang nasa kanan ko.

Fortunately, after holding Tazyn's hand, I felt better. Hindi na sumasakit ang ulo ko.

"Kilala niyo na naman ako kaya magsisimula na tayo. What do you know about Gaea?"

Agad na nagtaas ng kamay sina Amari at Raven. Parang nagpapagalingan silang dalawa. "Aside from these two, of course. Sino pa ang may alam sa ina ng mga diyos?"

Walang nakataas nang kamay maliban sa dalawa. Kinakabahan ako. Alam ko naman ang sagot pero ayokong itaas ang kamay ko dahil baka mali pala ito. "Let's ask our new members. Cole? What can you say?"

Narinig ko ang pag-"yes" nina Callie sa gilid ko. Pati ako ay nakahinga nang malalim, pero mukhang hindi ako makakatakas sa susunod na mga tanong.

Tumayo si Cole para sumagot. "Ano po kasi eh..." Napakamot siya sa kaniyang batok at pekeng tumawa. "Mukhang tulog ata ako nung naglecture yung prof namin tungkol dyan, sorry po."

"Atleast honest," bulong ni Talia sa likod ko. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil ayokong tawanan ang kaibigan ko.

I heard Miss Elliana's sigh. Hindi siya mukhang galit, mukha ngang sanay na siya sa mga estudyanteng katulad ni Cole. "You remind me of a certain someone..." saad nito. "Isn't that right, Talia? Why don't you stand up and tell me who Gaea is?"

Sina Mavi naman ang tumawa pero agad silang pinatahimik nina Hiro at Amari. "Akala mo siguro ma'am hindi ako nag-aaral. Well, you're partially right, but I do know that Gaea is the personification of the earth. She's also the mother of the titans."

Napatango-tango si Miss Elliana sa harapan bago ngumisi. "Keep it up," tanging nasabi niya.

She continued with the lecture, starting with the creation of the titans who were born from Gaea and Uranus, the earth and the sky, and how the current Olympians defeated them and sat on the throne of Olympus.

Miss Elliana introduced Zeus, Poseidon and my father, Hades, to us and what their domains were.

Nagpatuloy ito hanggang sa dumating ang isa sa mga kinakatakutan ko. "Get a sheet of paper. May surprise quiz tayo."

Agad kong narinig ang samu't saring reklamo at nangunguna na ang mga boses ni Callie, Cole at Talia rito. "Miss Elliana naman! Unang araw, pop quiz agad?!"

Sinamaan sila ng tingin ng guro namin. "Quiz o bagsak? Pili ka."

Sa huli, wala kaming nagawa kundi sumunod sa kanya. Hindi na ako makapag-intay na matapos na ang klaseng 'to para makaalis na. Bahala na kung pumalya ako dito, basta matapos na.

"Pst, Aurora, pakopya." Callie nudged me and began to whisper. I raised a brow and gazed at her blankly before looking back at my paper. "Dali na huhu."

Hindi ko pa rin siya pinaringgan hanggang sa pinagpalit naman ang mga papel namin para macheck na. Kamalas-malasan pang napunta kay Amari ang papel ko. Bakit naman sa matalino pa? Nakakahiya kung puro mali yon!

Sa'kin naman napunta ang papel ni Cole at halos matawa ako dahil habang nagchecheck kami ay puro ekis na ang papel niya. Wala siyang natamang sagot!

"Return the papers to their owners."

Halos malagutan ako ng hininga nang lumapit sa'kin si Amari. I felt her pat my shoulder before releasing a smirk. Ba't parang ang sama ng pakiramdam ko?!

Nakahinga ako nang malalim dahil dalawa lang ang mali ko. Napasimangot ako nang mapagtanto kong nagkabaliktad ang mga sagot ko sa identification. 'Di bale, nakapasa naman ako.

Kinuha na ni Miss Elliana ang mga gamit niya bago kami ngitian. "That's all for today's class. Please research more about the Olympians as that will become our next topic. Class dismissed."

We all cheered as our first class ended. Sabay-sabay kaming lumabas at halos matawa kami dahil sa nakabusangot na mukha nina Callie. Mukhang bumagsak ata sila.

"What's our next class?" tanong ni Mavi na nasa unahan. Sina Raven at Hiro naman ay nasa hulihan kasama naming dalawa ni Amari. Tahimik lang kaming apat habang dumadaldal ang iba.

Naagaw nang atensyon ko ang sinigaw ni Callie. "ANO?! PE ANG SUNOD?!"

PE... Napatigil ako sa paglalakad.

Mukhang lagot na ako nito.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now