35 | Their Return

192 9 0
                                    

AURORA'S POV

"Finally, home at last!" sigaw ni Talia na nakakuha sa atensyon ng ilang estudyante.

Sinalubong kami ni Headmistress Adhira. "Welcome back, Elysians," she greeted us with a small smile. Palihim siyang tumingin kina Raven at Amari na agad na nakuha ang kanyang mensahe.

"Another report," nakasimangot na bulong ni Raven. Agad siyang inirapan ni Amari.

"We will go to your office after we report to the council of elders, headmistress," sambit ng anak ni Athena. "There is something you must know."

"No, Hiro will take care of that," kontra ng headmistress. There was an authoritative tone in her voice saying that we must obey whatever she orders. "Report to my office. Now. The rest of you know what to do."

Teka, paano naman ako? Hindi ko alam ang gagawin ko!

Hindi na ako nakapagsalita nang maunang maglakad si Headmistress Adhira. Parehong napabuntong-hininga sina Raven at Amari bago sumunod sa kanya. Kawawa naman sila, wala silang pahinga.

"Talia, tara na! Kakausapin pa natin ang ibang students!" aya ni Callie.

"Oh, that's right!" magiliw na saad ni Talia. "Might as well visit Kai and Aelia then." Bahagya akong napasimangot nang maalala ang nangyari sa misyon namin.

Mabuti nalang at nagamot agad ang ibang estudyante sa Asphodel Class sa tulong ni Tazyn kaya nagpapahinga nalang sila ngayon sa clinic. Nauna silang bumalik sa academy sa pamumuno ni Irisha.

Ano ba kasi ang naisip ni Zeus? Nababaliw na kaya siya para ipadala pa sina Hermes at Iris?

Tulad nang dati, isang dumadagundong na kulog na naman ang narinig ko. Lagi nalang high blood si Zeus!

"We'll be back soon, don't miss us too much. Bye, mga mahal ko!" paalam ni Talia. Binigay niya muna kay Cole si Skye dahil hawak niya yung pusa mula kanina.

Nginitian kami ni Callie bilang paalam bago sila sabay na umalis ni Talia.

"We have to go too," singit ni Mavi bigla. "I just realized it was Wednesday today, meaning we need to attend our weekly meeting," nakasimangot na dagdag niya.

"Eh?!" sigaw ni Tazyn, nakasimangot na rin. "Pero gusto kong magpahinga..." reklamo nito.

"Gods. When will we be able to rest?" bulong ni Mavi sa sarili. "Well, we have to go. We'll see you soon."

Sighing, Mavi took Tazyn's hand before gently pulling her with him. They walked away, leaving me, Cole and Hiro.

Akala ko ba kailangan niyang magreport sa elders?

"Wala ka bang pupuntahan, bro?" tanong ni Cole, yakap-yakap ang pusa. Napapangiti ako dahil ang cute ni Skye.

Hiro only stared at him for a few seconds before looking down on the ground, hands in his pockets. "I need to go to the central building to report to the council," sagot niya gamit ang telepathy.

Tinatamad ba siya at hindi siya makapagsalita kaya kailangan niya pang gumamit ng telepathy?

"Eh, bakit parang ang chill mo naman d'yan?" dagdag na tanong ulit ni Cole. Napatampal ako sa noo.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now