32 | Reminiscence

234 10 2
                                    

AURORA'S POV

"Aurora, gusto mo ng donut?" inosenteng tanong sa'kin ni Tazyn.

Napasimangot ako bago umiling.

"I think you ate a little too many donuts, my love..." Kabadong tumawa si Talia habang nakatingin sa tatlong kahon ng donuts na nakatambak sa harapan namin.

"You call this a little?" sarkastikong tanong ni Callie. "I call this diabetes!" Pagkatapos non, napahagalpak siya ng tawa.

Dahil sa kanila, medyo napagaan ang loob ko. Nagpalabas ako ng mahinang tawa.

Nandito na kami ngayon sa isang mall dito sa Greece. Nakatambay kami sa isang food court pagkatapos mamili ni Talia ng mga damit.

Hindi na nga ata kasya sa dorm namin yung mga pinamili niya eh...

"Sa tingin niyo, kamusta ang mga boys doon?"

Bigla akong napaisip. Medyo kinakabahan ako dahil sa kanila ko pinabantayan si Skye.

Knowing them, especially Hiro and Raven, baka matakot pa ang pusa. Pag may nangyari kay Skye, mababatukan ko talaga ang apat na lalaking 'yun!

"Sigurado akong pinapahirapan na naman sila ni Hiro, lalong lalo na si Cole." Tawang-tawa si Callie habang nagkwekwento. "I think that guy needs to chill sometime."

Amari scoffed before taking a sip of her smoothie. "That guy never takes a break. I'm sure that when we return to the academy, he's gonna go back to doing his duties."

Nakuha non ang interes ko. "Duties?"

Tumango si Talia, nakangiti. "Mhm! Because we're part of the Elysian Class, we have a lot of responsibilities!" masiglang aniya. "For example, Amari and Raven are in charge of reporting to the headmistress after every mission."

"Bakit hindi nalang sina Amari at Hiro?" takang tanong ko. Silang dalawa kasi ang madalas na namumuno.

Napatawa sina Callie na parang may nakakatawa akong sinabi. "Hiro hates reporting. It's a burden for him," paliwanag ng anak ni Demeter. "That's why he's in charge of convincing the council of elders to let us off the hook whenever we do something..." Bahagya siyang napatigil. "Bad."

"You mean illegal, my love," Talia corrected her.

"Basta pareho na 'yun! Besides, we're doing those things to save lives!"

Lalong lumawak ang ngiti ko nang magkwentuhan pa kami. Nalaman ko rin na sina Callie at Talia ang humaharap sa mga students tuwing may event at sila yung nagpapaganda ng imahe ng Elysian Class. Spokesperson kumbaga.

Sina Mavi at Tazyn naman ang representatives tuwing may weekly meetings ang bawat klase. Dapat si Hiro daw talaga 'yun, pero dahil baka maunahan siya ng kanyang mahabang pasensya tuwing naiinis siya, sina Tazyn nalang ang kanilang pinili.

Kami kaya ni Cole? May magiging papel ba kami sa klase namin katulad nila?

Sana... sana meron. 

Dahil ayoko namang isipin nila na wala akong magawa at wala akong ambag.

"Remember the time we went to Denmark? Raven was so angry because apparently, Talia went missing in the middle of a mission." Napahagikhik si Callie. "Grabe, biglang nagkabagyo, eh hindi naman kasali 'yun sa weather forecast!"

"Denmark's capital also experienced an earthquake that day," nakangising dagdag ni Amari

"Diba si Hiro ang may dahilan non?" inosenteng tanong ni Tazyn.

Embracing Chaos (#1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant