07 | Official Members

446 46 28
                                    

AURORA'S POV

"Ang ganda mo talaga..." Narinig ko ang malambot na boses ni Tazyn na katabi ni Talia. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat.

"You're very pretty too, don't you know that?" malumanay na tanong ko sa kanya. Totoo naman kasi. "Ang inosente ng kagandahan mo, Tazyn."

Nahihiya siyang napaiwas ng tingin at nanahimik habang narinig ko naman ng hagikhik ni Talia sa tabi ko. Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo silang lahat maliban sa'min ni Cole.

"Saan kayo pupunta?" tanong ng katabi ko.

Tinignan siya ni Talia at kinindatan. "I'm gonna get my allowance, love. Oh my grace, I'm so excited!" hirit nito na ikinasimangot ni Callie.

"Dalian niyo na, kanina pa tayong tinitignan," reklamo nito. Dahil dito ay wala silang nagawa kundi dumiretso na sa harapan.

These four demigods walked with an unmatched presence. Unlike anyone in this room, their powerful auras combined can make anyone shiver until they kneel. They're basically the unofficial leaders of this academy. 

Hindi katulad namin ay didiretso nalang sila sa statue ng deity nila imbes na pumunta pa sa harapan ng odigo. Katulad nalang ni Amari na pumunta sa harapan ng statue ng isang babae bago pumikit. The statue in front of her was a goddess holding a spear in one hand while a shield was in the other. Sa baba ay nakadisplay ang pangalan nung diyosa.

'Athena (Αθήνα)'

Si Callie naman ay nakatayo sa harapan ng isang magandang babae. Her beauty was pure and gentle, the opposite to Callie who looked fierce. Ang diyosa ay nakachiton at may hawak na... gulay?

Katulad nang kay Athena, nakalagay din ang pangalan niya sa baba.

'Demeter (Δήμητρα)'

Pang-huli naman ay sina Talia at Tazyn na humarap sa statue ng isang diyos na may angking kagwapuhan. Totoo nga siguro ang sinabi nilang gwapo 'tong diyos na 'to. Isa siyang lalaki na may dalang lyre. Kulot ang buhok niya at may wreath din na nakapatong dito.

'Apollo (Απόλλων)'

Iminulat na nila ang mga mata nila mula sa pagkapikit at nagulat ako nang sabay sabay itong umilaw. May lumitaw din sa mga kamay nila at mukhang ito yung grace.

"Oh my greeks, totoo kaya na 30 million ang nilagay ni Apollo sa bank account ko?!" sigaw ni Talia. Namangha ako sa kanya dahil may dala siyang bow and arrow na mukhang magsisilbing weapon niya.

"Eh? 30 million din binigay sa'kin ni Apollo eh!" hiyaw naman ni Tazyn. Unlike Talia who held a bow and arrow, she received a flute, which was quite interesting.

Napasimangot si Callie nang marinig ang sinabi ng kambal. "Tama na kayong lahat. 20 million nga binigay sa'kin ni Demeter. Well, hindi naman ako nagrereklamo." Lalo siyang gumanda. Mas kapansin-pansin na ang kulot ng tsokolateng buhok niya. May nakapatong pang flower crown sa ulo niya na lalong nagpaganda sa kanya.

"You're all noisy." Amari started opening her book as soon as she sat back down. Nagtataka akong tumingin sa kanya nang hindi ko makita ang grace niya.

Embracing Chaos (#1)Where stories live. Discover now