Chapter 46

944 35 13
                                    

Charisse POV

Kasama ko ngayon si Youngmin. Kakagaling lang namin sa personal designer ni mama. Napagod kami kakasukat ng mga damit, si Youngmin kasi ang escort ko sa debut ko. Bakit hindi si Luhan? Simple lang kasi ayaw ko. Mahirap naman kasing piliitin yung taong ayaw sayo. I mean hindi naman sa ayaw kundi least priority ka sa listahan niya mga ganung bagay. Napagdesisyunan muna namin ni Youngmin na dumaan sa isang restaurant at kumain na muna.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong nito. Pinadaanan ko naman ng tingin yung menu.

"Ito!" Itunuro ko sakaniya.

"Nice! Talagang yung favorite ko pa. " sabi nito sabay kindat pa saakin.

Tinawag na niya yung waiter at umorder na ito. Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay yung order.

"Oi, invited kuya mo sa debut ko ha! Lahat sila ng group niyo." Sabi ko. Sumimangot naman to.

"Bakit kailangan nandun pa yung kuya ko? Di pa ba ako sapat sayo?" Pabirong sabi nito. Hinampas ko naman siya ng mahina lang.

"Baliw ka talaga!"

"Pero di nga, magkamukha lang naman kami ni Kwangmin bakit siya pa yung crush mo saming dalawa?"

"Wala lang. Siya kasi yung unang nakacatch ng atensyon ko nung unang beses kong mapanood yung music video niyo eh." Nagpout naman ito.

"Pssh, paano pag ako pala yun? Tapos akala mo si Kwangmin kasi kambal kami?" Piniched ko yung ilong niya.

"Tumigil kana nga jan! Hahaha." Napangiti naman ito at bigla ay pinisil niya ang cheeks ko.

"Cute cute mo talaga best!" Sabi pa niya.

"Bakit kasi si Luhan pa-----"

"Aray!!" Napasigaw ako sa sobrang sakit. Tumama yung bewang komsa gilid ng mesa dahil biglang paghila saakin ni Luhan.

"Ano? Bakit kasi ako yung? Ituloy mo Youngmin?!" Sigaw ni Luhan. Ano bang ginagawa ng isang to?

"Luhan!"

"Ano ba yan pre, nasasaktan na si Charisse." Sabi ni Youngmin.

"Wag mo kong ma-pre pre jan dahil hindi tayo magkaibigan." Sagot naman ni Luhan.

"Luhan! Ano ba sa tingin mo yang ginagawa mo ha? Sa tingin mo ba tama na makialam ka sa usapan ng ibang tao?!" Nainis na din ako. Umiiral nanaman pagkamainitin ng ulo niya. Chaka baka nakakalimutan niyang may sama parin ako ng loob sakaniya.

Hindi siya sumagot, tinitigan niya lang ako. Yung titig na tigtig, yung parang kinilatis yung bawat sasabihin ko mula sa mga mata ko.

"Sumama ka sakin!" Sabi nito at marahas akong hinila palabas restaurant.

"Bitawan mo ko Luhan!" Nagpumiglas ako pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak ni Luhan saakin.

Isinandal niya ako sa kotse niya ng marating namin iyon.

"Tingnan mo ko sa mata." Kalmado pero puno ng autoridad yung boses niya. Hindi ako tumingin sa mga mata niya.

"TUMINGIN KA!" Bigla akong kinilabutan ng sigawan na niya ako kung kayat napatingin ako.

"Sabihin mo saaking mahal mo ako." Sabi nito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko hindi ko alam kung dahil ba sa sobrang lapit ko sakaniya o dahil sa takot dahil sobrang nakakatakot yung aura niya.

"Babe, sige na sabihin mo. Sabihin mong mahal mo ko." Yung galit sa mata niya biglang nawala at napalitan ng mga nangingilid na luha. Sh*t ka Luhan! Wag momakong bolahin!

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon