Giving up?

976 37 25
                                    

"Naglolokohan ba talaga tayo dito?" Nakapaywang na sermon ni Kaila saakin.

"Ano nanamang pumasok sa utak mo at bakit titira ka sa bahay ng lalaking yun?!" Alam kong concern lang siya kaya ganyan siya magreact.

"Hindi naman kita pinapalayas ah? Hindi ka din naman pabigat saakin. Bakit kapa aalis?" Tanong niyo. Hindi ako makaimik.

May mga bagay talaga na ayaw ko nalang sabihin kay Kaila. Lalong lalo na yung dahilan ko. Natatakot kasi ako na baka pag nalamang niya yung dahilan ko ay mapatay niya si Luhan. Speaking of Luhan, ayoko ng makagulo pa sakaniya.  Narealize ko na hindi ko dapat sayainh yung mga luha ko sakaniya. Hindi ko dapat i-stress ang sarili at ipahamak pa ang anak ko dahil sakaniya. Kung wala na siyang pakialam, sino ako para mangialam pa din sakaniya diba?

"Hindi mo ba talaga ako sasagutin?" Pagsasalita ni Kaila.

Nag iisip ako ng magandang rason ngunit sadyang wala akong mairason. Alam ko namang pag nagsinungaling ako ay mahuhuli niya ako agad kaya mas mabuti ng manahimik nalang.

Huminga siya ng malalim. "Fine. Kung ayaw mong sabihin, okay. Kung gusto mo talagang lumipat okay nalang din. Hay! Ewan ko ba saiyo! Andadami mong nagiging lalaki sa buhay!" Sukong sabi nito sabay walk out papasok sa kwarto niya.

Naiwan naman na akong mag isa dito sa kwarto ko. Napatitig lang ako sa pinto. Alam kong nasasaktan pa din ako pero wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko. Siguro napagod ma din akong umiyak. Naranasan niyo naba yun? Hayy. Nakakaewan.

Tumayo na ako at lumapit sa kabinet. Binuksan ko ito at sinumulan ng iempake ang mga damit ko.  Konti lang yung nadala kong gamit paalis ng bahay namin ni Luhan. Nagbabakasakali kasi ako na baka magkaayos pa kami kaya hindi ko kinuha lahat. Iniisip ko ngayon kung kukunin ko pa ba ito o hahayaan nalang dun. Hmm..

Pagkatapos kong mag empake ay bumaba ako para uminom ng tubig. Nakakapagod, sobra! Para sa iasang buntis ang mag empake ng kaunting damit. Habang lumalagok ako ng tubig ay biglang tumunog ang door bell. Dali dali kong binaba yung baso at nagmadaling lumpita sa pinto.

Hinah hinay ko itong binuksan. Halos malaglag naman yung basong hawak ko padin ng makita ko siya.

"A..anong ginagawa mo dito?" Nanginginig yung boses ko.

Tumitig muna ito saakin ng ilang saglit.

"Uhmm.. Hi." Ngumiti siya.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o totoo talaga g ngumingiti si Luhan saakin. Hindi ako makaimik. Napatitig lang ako sa labi niyang nakangiti. Gusto kong pahintuin nalang ang oras pero hindi pwede.

"Bakit ka nandito?" Pinilit kong maging normal ang pananalita ko kahit sobrang kabado na ako.

"Ipapapirma ko lang saiyo." Sabi niya. Sabay abot saakin ng isang envelope.

Tumingin ako sa envelope at kinuha ito.

"Para san ba ito at kaila....ngan mo pang iaabot saakin." Pahina ng pahina yung boses ko ng mabasa ko yung isang salita na nakasulat sa pinakaitaas ng papel.

"Annullment?" Hindi naman ako shunga para hindi malaman yung ibig sabihin nun. Pero gusto ko lang talaga itanong kung bakit.

"Sorry kung kailangan ako pa yung mag abot ng personal. Gusto ko kasing mas mapabilis yung pag pirma mo." Pagpirma? Namuo agad ang luha sa gilid ng mata ko.

Talaga bang balak mo akong patayin Luhan? Talaga bang gusto mo akong saktan ng sagad sagaran? Naikuyom ko nalang yung palad ko sa gilid.

Ngumiti ako ng mapait. "Ahh. Sure! Ito lang ba? Ano kaba pwedeng si attorney nalang." Ang galing mo! Bilib talaga ako sa pagpapanggap mo Charisse! Bulong ko sa utak ko.

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon