EXO Luhan's Wife ( Engaged to EXO Luhan Book two)

1.2K 32 9
                                    

Charisse POV

Natapos ang gabing yun na ang lahat naging maayos ang lahat. Parang isang panaginip ang pangyayaring iyon. Makalipas ang isang linggo ay heto ako ngayon.. Nakaharap sa isang malaking salamin nakatitig sa sarili habang mangha mangha sa puting magandang gown na suot ko. Umikot pa ako..

"I guess.. Ready na ako." Napangiti pa ako.

Lumabas na ako sa kwarto at pumunta na sa simbahan.

Kris POV

Kinakabahan ako.. Kanina pa kaming nandito ng EXO pero wala pa yung bride. Nagpapanic na sila Luhan at KyungSoo. Hindi naman ako mapakali sa kinatatayuan ko.
Hanggang sa maya maya ay bumukas na yung pintuan ng simabahan. Nagliwanag ang buong paligid at may tumayong isang babaemg napakaganda..

Nakangiti pa siya habang mabagal na naglalakad palapit saamin.
Binati niya ako ng ngiti.

"Ingatan mo si Desiree, Kris ha!" Nagpunas pa ng iyak si Taira. Tumango naman ako.

Sumunod naman ay si Charisse na siyang maid of honor namin. Sinikmuraan pa ako nito.

"Hindi lang yan matitikman pag sinaktan mo yang kaibigan ko." Sinamahan pa niya ng masamang tingin tumawa naman ako at kumindat sakaniya.

"Hoy Kris! Wag mo ngang kindatan yang asawa ko! Baka gusto mong di na matuloy tong kasal mo?"angil ni Luhan. Nagtawanan naman kaming lahat.

Sa wakas... Sa tinagal tagal ng panahon..
Dumating na din yung pinaka hihintay ko..
Ito na yun ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa nag iisang babaeng nagpapatibol nito. Naiiyak ako pag naalala ko lahat ng pinag daanan namin. Nasa gitna na siya ng altar at natanaw kong nakangiti ito saakin.

Pinunasan ko naman yung luha ko. At ini-spread ko yung kamay ko. Natawa naman siya sa ginawa ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit ng makarating siya sa kinatatayuan ko. Ngiting ngit ito. Nagmano naman ako sa mama at papa niya bago nila binigay yung kamay niya.

"I'm so happy right now, do you that?" Hinawakan niya yung kamay ko.

"Yeah. Cause I feel the same." Gusto ko ng tanggalin yung belo na nakatakip sa mukha niya at halikan nalang siya kaya lang hindi pwede. Kailangan makasal muna kami.

"Let's do this." Sabi ko tumango naman ito.

Lumapit na kami sa altar.

"Nandito tayo ngayong araw na ito upang saksihan ang pag iisang dibdib nila Kris Wu at Desiree Rey. Kaya kung sino man ang gustong tumutol ay magsalita na ngayon o mananahimik ka nalanh sa habang panahon." Sabi ni Father.

Tumingin ako sa mga tao. Wala namang tumutol kaya nakahinga ako.

"Buti nalang walang tutol." Bulong ko kay Desiree.

"Baliw ka! Gusto mo tumutol ako?" Biro niya kinurot ko naman yung tagiliran niya. Napa'aray naman siya ng malalas kaya nagulat ang mga tao pati si Father.

"He-he. Tuloy lang po kayo Father." Sabi din niya.

Natawa ako tapos tiningnan niya ko ng masama. Haha. Perfect couple no?

"Uhm.. Uhm.. Ituloy na natin."

"Kris, tinatanggap mo ba si Desiree bilang iyong kabiyak? Aalagaan at mamahalin sa hirap man o ginhawa?"

"I DO!!!" Sigaw ko. Hinampas naman ako ni Desiree sa kapilyuhan ko.

"Maari mo ng isuot ang singsing."

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon