Chapter 55

834 38 10
                                    

Luhan's POV

" Its been two years pero bakit ganun? Bakit hanggang ngayon ikaw parin yung tinitibok ng puso ko?" Sabi ko. Nakaupo ako ngayon sa puntod niya, nagdala ako ng bulaklak.

"Mahal na mahal parin kita Charisse. Hindi ko yata kayang magmahal ng iba kung hindi lang din ikaw." Dagdag ko pa.

Kahit alam kong para akong tanga dito na kausap ang isang puntod ay wala akong pakialam basta maiparating ko lang na mahal na mahal ko siya at hindi pa din nagbabago yung feelings ko para sakaniya.

Bakit kaya may ganun no? Yung hindi mo ba maturuan magmahal yung puso kasi mahal parin nito yung taong wala na sayo. Bakit kaya hindi pwedeng turuan yung puso na magmahal din ng iba. Hayyy~

Tumayo na ako. Pinagpag ko yung alikabok sa damit at pantalon ko. Ngumiti ako at nagpaalam na sa babaeng mahal ko.

-----
Nakarating na ako sa SMEnt, agad bumungad saakin si Manager. May dala dala itong isag file.

"Luhan, mabuti naman at andito kana." Bati nito.

"Bakit ho?" Tanong ko naman.

"May bago ka kasing project, actually kayong 11 pero ikaw yung male lead." Balita nito.

"Ano po ba yan manager?" Iniabot niya saakin yung file, nakapaloob dito yung script at yung mga scene na gagawin.

"Isang lalaking namatayan ng isang minamahal dahil sa isang insidente?" Mahina lang yung boses ko habang sinasabi iyon. Samanta, tumango naman si Manager.

"Sa tingin ko naman magagampanan mo ng maayos tong role." Sabi niya.

Talagang magagampanan ko ng maayos. Pinagdaanan ko na to eh. Alam ko kung gaano kasakit, kaso hanggang ngayon masakit padin.

"E sino yung gaganap na babae?" Tanong ko.

"Hindi ko kilala eh, pero ayun dun sa producer model daw siya sa America." Tinanguan ko nalanh si manager.

Nagtungo na ako sa praktis room, nadatnan ko silang nagpapahinga.

"Saan ka galing Luhan?" Tanong ni Lay.

"Sa puntod niya." Sagot ko.

"Napapadalas ata pagdalaw dalaw mo ah, mula nung nakabalik ka galing China." Sabi naman ni Sehun.

"Oo. Kailangan kong bawiin yung mga oras na hindi ko siya na dalaw." Sagot ko naman. Tumango lang siya.

"Iba ka din talaga Luge!! Loyal kung loyal!" Pang aasar ni Baekhyun.

"Ganun talaga Baekhyun, parang ikaw lang kay Khate." Sabi ko naman. Napangiti lang ang loko.

"Nasaan pala si Suho?" Bigla kong natanong.

"Di mo ba alam?" Sabi ni Chanyeol.

"Alam ang alin?"

"Lumalablyo na kaya yun!" Sigaw niya.

"Si Suho?" Tumango tango si Chanyeol.

"Sino naman?" Nacurious tuloy ako bigla.

"Edi si Chrisha yung moon pie niya." Sabay ni Chen.

Napatango tango nalang ako. Ayos ah, parang nung nakaraang taon lang kunwari ayaw niya pang ligawan yung babae tapos ngayon sila na? Taray niya ah!

"Hi guys~" napalingon kaming lahat sa pintuan ng bumukas ito at iniluwa si Taira.

"BABY BOO!!!" bigla naman sumigaw si Chen na mukhang sabik na sabik. Agad nga niyong nilapitan si Taira at niyakap.

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon