Shorty Short update

619 26 6
                                    


Tiningnan ni Doc yung records ko. Muli niya pa akong chineck up.

"Okay na mrs. Lu. Stable na po yung lagay niyo at ang baby basta wag lang po kayo g magpapagod at magpapastress." Sabi ni Doc.

"Salamat po Doc." Ngumiti ako. "So pwede na po akong umuwe?" Tanong ko.

"Oo naman po misis. Sandali lang po at ipapaayos ko na po yung release papers niyo sa baba." Nag bow si Doc at ganun din ako.

Lumabas na ito. Pagkalabas nito ay agad na pumasok si Desiree na may dalang bulaklak.

"Hi, Good morning." Bati nito sabay lagay ng mga bulaklak sa tabi. Nagbeso beso kami.

"Lalabas kana pala later, congrats." Masayang sabi nito. Ngumiti naman ako.

"Oo nga. Susunduin ba ako ni Luhan?" Masiglang tanong ko. Napalunok naman ito at kumurap kurap lang saakin.

Ewan ko ba pero bakit pag si Luhan ang tinanong ko e lagi wala silang masabi. May dapat ba akong malaman? Nung isang araw nandito si Taira at Kaila. Tinanong ko sila kung kamusta ang EXO at si Luhan pero iniba nila ang usapan. Kahapon nung dumalaw si Kris kasama si Desiree wala silang masabi kay Luhan. Ano bang nangyayari? Pang isang linggo ko na dito sa Hospital ah, pero wala pa ding anino ni Luhan.

Hindi ko naman maikakaila na kasalanan ko kung bakit wala siya dito. Kasi diba pinagtabuyan ko siya. Bakit ganun? Nagsisi ako na ginawa ko yun. Nadala lang naman ako ng galit at selos e. Sino ba naman ang hindi diba? Ewan ko ba. Minsan talaga tinanong ko yung sarili ko san ba ako nagkulang at kung mahal pa ba niya ako.

Napayuko nalang ako.

"Okay lang kung hindi niya ako susunduin." Halos pabulong ko ng sabi.

Bakit ganun bakit parang ang bigat nanaman ng dibdib ko? Gustong maiyak ng mga mata ko. Ewan, bakit ba ganito? Nababaliw na ako.

"Are you sure you wanna stay at your house? You know you can--"

"Des, nagalit lang ako kay Luhan pero hindi naman kami hiwalay." Putol ko sa sabi niya. Huminga siya ng malalim.

"Okay." Ngumiti siya ng pilit at hinawakan yung kamay ko.

Maya maya pa ay biglang pumasok si Lee Ban.

"Ivan, anong ginagawa mo dito? Diba may photoshoot ka?" Tanong ni Desiree dito.

"I cancelled it. Congrats, lalabas kana." Agad itong lumapit saakin. Ngumiti nalang ako.

"What? Nahihibang kana ba Ivan? YES magazine yun!" Sabi ni Desiree. Nagshrugged lang si Lee Ban.

"Ivan?" Tanong ko.

"Uhh, yeah. Yun kasi yung English name niya." Explain ni Des.

Ahh.. Kaya pala.

"Uhmm, Cha, labas muna kami ni Lee Ban. Pupuntahan lang namin si Doc." Tumango tango lang ako at pinanood silang lumabas sa pinto.
---

Xiumin POV

"Luhan hyung! Hindi kapa ba babangon jan? Ngayon ang labas ni Charisse sa Hospital!" Hinila ko pa yung kumot niya.

Halos hindi siya gumalaw. Tuloy parin siya sa pagtulog niya. Hinila ko yung unan niya at pinaghahampas siya.

"AISH!!!" Angal niya.

"Luhan! Ano? Wala kaba talagang balak na sunduin ang asawa mo? Kahit iuwe mo manlang siya!" Medyo naiinis ko ng sabi.

Ngumisi lang ito pero nakapikit parin ang mata.

"Kailangan niya paba ako dun Xiumin?" Napakunot ako ng noo.

"Ano ba hyung! Asawa ka niya kaya malamang sa malamang kailangan ka niya!" Napataas na yung boses ko.

Nagmulat siya ng mata niya at tumitig sa kisame.

"Alam mo Xiumin, hindi na niya ako kailangan." Tumingin ito saakin. "Mas kailangan niya si Lee Ban, yung tunay na tatay ng anak niya!" Bigla itong bumangon at padabog na lumabas sa kwarto nila. Naiwan ako dun na hindi makapaniwala sa inakto ni Luhan.

Ito nanaman ba tayo? Ito nanaman ba ang Luhan na makitid ang utak?! Ugh! Ewan ko! Naiinis na ako! Lagi nalang ang role ko dito pagbatiin sila pero ano? Lagi parin silang nag aaway! Sawa na ko! Bahal na sila!

"Kung ayaw mo siyang puntahan edi wag! Bahala ka Luhan! Sana lang di ka magsisi." Sabi ko ng madatnan ko siya sa kusina na umiinom ng tubig.

"Wala akong pagsisihan Xiumin." Madiin na sabi nito. Napailing nalang ako.

Bakit kapag may magandang nangyayari may kasunod na kamalasan?! Tsk.
---
Charisse POV

Hinatid ako ni Desiree at Kris hanggang sa loob ng bahay. Si Kris ang may buhay ng gamit ko. Madidilim na ng marating namin ang aming bahay.

"Salamat, Des at Kris ha." Sabi ko.

"Wala yun." Sabi ni Kris sabay akbay kay Desiree.

"Alalahanin mo yung bilin ng doctor ha?" Tumango ako kay Desiree.

"Sige na, baka gabihin pa kayo." Tumango naman sila at nagpaalam na.

Isinindi ko na yung ilaw sa sala at kusina. Wala manlang katao tao? Akala ko pa naman ay sasalubungin ako ni Luhan. Nalungkot ako bigla. Huminga nalang ako ng malalim. Siguro ay iniisip niya na mas gusto ko pang di muna siya makita dahil dun sa pagtataboy ko sakaniya. :(

Pumasok ako sa kwarto at isinindi ang ilaw. Nagulat ako ng may isang Luhan nakabulagta sa sahig. Amoy alak ang buong kwarto pagtingin ko sa gilid ay mga beer at suju. Agad akong lumapit sakaniya.

"Luhan, anong ginagawa mo jan?" Tanong ko.

May suka pa yung damit niya .Pinilit ko siyang buhatin kaya lang di ko kaya. Ambigat ng tiyan ko at ang bigat din niya. Iniayos ko nalang siya ng higa at nilinis yung kalat niya. Bakit ba siya uminom? Tsk! Nasobrahan pa niya yung paginom niya. Ano ba yan. Pinunasan ko yung mukha niya pati katawan niya at pinalitan siya ng T-shirt.

"Bakit kaba naglasing?" Tanong ko.

"Di mo manlang ako dinalaw." Malungkot kong bulong.

"..bakit kailangan no pa ba ako dun? *hiks*" sabi nito.

"Ano bang pinagsasabi mo?"tanong ko kaya lang tulog uli. Huminga nalang ako ng malalim.

Patayo na sana ako ng bigla ay hinila niya ako at napalanding ako sa dibdjb niya.

"Totoo ba? *hiks* Nagpabuntis *hiks* ka ba talaga *hiks* sakaniya?" Napakunkt yung noo ko.

Anong sinasabi niya? Umayos ako ng posisyon at umupo.

"Anong sinasabi mo hubby?"

*insert mapang asar na tawa.*

"Wag mo *hiks* kong paikutin *hiks* alam ko na *hiks* siya yung ama ng *hiks* anak mo!"

"Ano?" Nanginginig yung boses ko.

Hinintay ko siyang magsalita muli kaya lang di na siya nagsalita.

---
Shorty short lame update! Sorry guys first day of school ko po kasi ang busy ko po huhu inaayos ko pa din yung subjects ko. Ang hirap kasi pag college may time na ang gulo ng sched huhu. Pasensya na. Edit ko nalang to niya. Sa susunod na update malalaman ang dahilan ng di pagdalaw ni Luhan. Kkk~ sorry na talaga 😞 alabyuuu

S/O: The Male God's Playmate (check out on my profile)

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon