Chapter 54 (Cold guy Luhan)

961 35 13
                                    

Xiumin POV

"Yohoooo~!! Sa wakas makakabalik na din tayo ng SoKor!" Sigaw ko.

"Makikita ko na uli ang baby boo ko!!!" Sigaw naman ni Chen.

"Sus! Puro ka lovelife~" bulong naman ni Tao.

"Bitter!!" Nagbelat pa si Chen dito.

Umakbay naman ako kay Luhan. "Ano? Excited kana bang umuwe hyung?" Tinggal niya yung kamay ko.

"Mas gugustuhin ko pang dito nalang ako malayo sa babaeng yun." Sabi niya sabay walk out.

"San ka pupunta?" Sigaw ko.

"Papahangin muna." Sagot naman niya.

"Bilisan mo Flight na natin!" Tumango lang siya.

Baliw talaga yung lalaking yun. Hayy! Sa pagkaraan ng madaming taon bumalik na uli yung dating samahan namin. Kahit sabihin na nating medyo may lamat na atleast naging okay na uli. Yan ang totoong "WE ARE ONE!"

---
Luhan POV

Naiimagine ko palang ang posibleng buhay ko pagbalik sa SoKor ay parang ayaw ko ng matuloy na bumalik. Mas gugustuhin ko pang magstay nalang dito at ma-istres sa kakagawa ng promotion kaysa mabuset sa araw araw na panggugulo ni Seohyun sa buhay ko. Lumapit ako sa malapit na vendo machine at kumuha ng kape.

Inamoy ko muna ito bago ko tinikman.

"Mmm.. Sarap." Sabi ko. Lumapit ako sa glass window at tumingin sa mga eroplano na nakahelera.

4 years ago, naalala ko pa nung mga panahong iabot saakin yung litrato ng isang babae kasabay nun yung isang invitation card. Naalala ko halos magwala ako nun kay mommy dahil ayokong ma-engaged sa isang babaeng hindi ko naman mahal at hindi ko kilala. Balak ko pang tumakas at kamuntik na din akong tumalon sa eroplano. Nung gabing makita ko siya wala akong naramdaman kundi galit kasi nakatataktak sa isip ko na siya yung magiging dahilan ng impyerno ko.

Pero sa paglipas ng panahon, hindi ko naman inaakala na yung inaakala kong magiging impyernong buhay ko pag nakasama siya eh magiging langit pala. At ngayon yung babaeng inaakala ko na magbibigay ng malalangit na buhay saakin ay ang nagbibigay ng malaimpyernong buhay ngayon saakin. Sabi nga nila wag kang magsalita ng tapos kasi hindi mo alam yung pwedeng mangyari.

"Oops!" Nagulat akomng may maatrasan ako.

"Sorry!" Sabay naming sabi at sabay pa kaming nagbow.

"Sorry miss ha?" Sabi ko. Hindi parin niya iniangat yung ulo niya sa halip ay yumuko ito. Akala komkung anong gagawin niya itatali lang pala yung sintas ng sapatos niya.

"Okay lang. Sige byeeeee~"

O___O

Halos malaglag yung mata ko. Totoo ba yung nakita kob si.. si...

"LUHAN HYUNG!" Lumapit si Xiumin ng hingal na hingal saakin.

"Anong tinutunganga mo jan aalis na tayo." Sabi nito. Hindi ko halos maintindihan yunh sinabi niya..

"Hyung.." Wala sa sarili kong tawag sakaniya.

"Ano? Bakit para kang nakakita ng multo?"

"Si Charisse!" Turo ko dun sa dakong pinuntahan niya.

"Asan?! Asan?!" Lumingon lingon pa ito. "Eiiisssh! Wag ka ngang magjoke!" Sabi niya.

"Hindi ako nagbibiro! Nakita ko siya! Buhay siya Xiumin!" Yinugyog yugyog ko si Umin.

"Alam mo, gutom lang yan!" Hinila ako ni Xiumin kasi tinatawag na yung flight namin.

Gusto ko man tumakbo para hanapin siya pero hindi ko magawa. Sobrang dami din kasi ng tao kaya impossibleng mahanap ko siya. Pagdating ko dun sa pwesto nila Lay agad kong binalita yung nakita ko pero hindi sila naniniwala. Sabi nila akala ko lang daw yun kasi lagi kong iniisip si Charisse kaya naghahallucinate daw ako. Umiling nalang ako, para kasing totoo eh.

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon