The Struggles

736 25 16
                                    

"Ano?! Tang*na talaga ng Luhan na yan!! Di ka manlang pinag explain?!" Nag aalburuto na sa galit si Kaila dito sa tabi ko.

Sakaniya ako pumunta pagkatapos kong hakutin ang ilang mga gamit ko sa bahay namin ni Luhan. Hindi parin humuhupa ang pag agos ng luha sa mga mata ko.

"Tumayo ka jan! Wag kang umiyak! Halika pupuntahan natin si Luhan!" Nakapameywang ito sa harap ko. Kulanh nalang ay umusok ang dalawang tainga niya.

Naghahanol naman ako ng hininga na sumagot sakaniya.
"Besh, hindi ka niya papakinggan. Wala na tayong magagawa."

"King*ina! Walang kwentang Luhan yan! Siya na nga tong nakabuntis siya pa tong parang biktima! Walangya talaga!" Marahas niyang hinila yung upuan sa harap ko at umupo dito.

"Wag kang mag-alala besh, ipapakulong natin yung lalaking nang rape sayo at the same time ipapakita natin kay Luhan kung anong mali niya." Hinipo niya yung braso ko. Napatango tango nalang ako.

Alam niyo yung mahirap? Yung isipin kung paano magsisimula na walang amang masisilayan yung anak mo. Ayoko sanang maexperience ng baby ko yung naexperience ko na walang tatay. Alam ko kung gaano iyon kasakit kasi wala kang pagsasabihan ng nararamdaman mo. Walang magtatanggol saiyo. Wala kang bibigyan ng card tuwing fathers day. Kahit na may nanay ka na nagmamahal at nag aaruga saiyo, minsan mafefeel mo parin yung pakiramdam na kulang ka kasi wala kang ama.

Napapikit nalang ako. Yumakap saakin si Kaila.

*ding dong*

Kumawala si Kaila ng biglang tumunog yung doorbell.

"Wait lang, baka si Kai yan."

Dali dali itong binuksan ang pinto ng condo niya. Hinihintay ko siyang magsalita.

"WALANGYA KA! ANONG GINAGAWA MO DITO?! HAYUP KA!" napatayo ako agad ng bigla ay marinig ko yung sigaw niya.

"LUMAYAS KA DITO! HINDI KA KAILANGAN NI CHARISSE! HAYOP KA!!!"

Nadatnan ko siya g pinaghahampas si Lee Ban. Hindi naman pumapalag si Lee Ban at tinatanggap lang ang mga hampas at suntok ni Kaila.

"LAYAS!!!!" Sigaw muli ni Kaila. Yumuko lang si Lee Ban.

"Please, can I see her?" Sabi nito.

Ewan ko ba kung matutuwa ako na siya yung nandito para hanapin ako. Kasi mas matutuwa ako kung si Luhan yan at nagmamakaawang bumalik ako. </3

Napalunok ako. "besh, hayaan mo siya." Sabi ko nalang. Napalingon saakin si Kaila.

"Ha? Hindi besh siya yung rapist mo eh!" Sabi ni Kaila.

"Yun nga besh eh, siya yung rapist ko pero siya pa yung mas nag aalala at gustong makita ako." Natigilan si Kaila at naging soft na ang facial expression niya. Huminga ito ng malalim.

"Just don't dare to her again or I'll kill you."

Tumango lang si Lee Ban. Nagwalk out naman na si Kaila. Pinatuloy ko naman si Lee Ban at pumunta kami sa sala.

"I heard about what happen.." Malungkot na sabi nito. Humawak pa ito sa kamay ko at tumititig sa mga mata ko. Halatang halatang sobrang worried siya saakin.

"Thank you sa pag aalala pero hindi ka naman obligadong mag alala para sakin." Sagot ko. Pumikit siya at huminga ng malalim.

"Charisse, I'm so sorry. Alam ko ako ang dahilan ng lahat ng nangyayaring to. Hindi ko naman intensyon na guluhin kayo ni Luhan--"

"Sshhh~ Lee Ban ayos lang. May kasalanan ka at may kasalanan din ako kaya walang dapat sisihin dito kung hindi ako." Putol ko sa sasabihin niya sana.

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon