The past

1.1K 30 13
                                    

Niyaya ako ni Luhan na pumunta sa mataong lugar. Nandun daw kasi yung shopping area. Gusto daw niyang bumili ng remembrance at pasalubong nadin sa ibang EXO.

"Wifey." Tawag nito saakin.

"Andyan na." Sigaw ko at nagmadali na akong lumabas ng kwarto. Nakangiti ito ng malapad. Agad niyang pinulupot ang kaniyang mga kamay sa bewang ko.

"Ano?" Natatawang tanong ko sakaniya. Yung mga ngiti kasi ay kakaiiba.

Alam niyo yun? Basta. Pero ang sarap niyang titigan ng nakangiting ganyan. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Wala. Ramdam ko lang na mag asawa na talaga tayo." Napangiti naman ako dun.

Ang corny niya. Hindi pa ba kami mag asawa sa lagay namin kahapon? Pati kagabi? Urmm. Anyways, wag nating pag usapan yung kagabi.

Naglakad na kami patungo sa shopping area. Nakainterlocked yung kamay ko sa kamay niya. Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin at mapangiti. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo yung taong mahal mo at alam mo hindi ka niya iiwan. :)

"Gusto ko to." Tinaas niya yung isang damit.

"Bilhin mo na." Sabi ko naman. Binitawan niya saglit yung kamay ko at nagtungo sa counter. Ako naman nilibot ko yung shop.

"Hi." Napalingon ako. May isang lalaking ngiting ngiti saakin.

Matangkad siya parang mas matangkad kay Luhan. Maganda yung mga ngiti at ang amo ng mukha niya.

"Hello." Sabi ko naman.

"I'm Lee Ban, by the way." Inilahad niya yung kamay niya. Nahiya naman ako kaya inabot ko naman iyon.

"Charisse, Charisse Geum..." Sabi ko. Napakagat naman ako sa labi ko ng nakalimutan ko na 'Lu' na pala apelido ko. Babawiin ko sana yung sinabi ko ng magsalita siya.

"Nice name. It suits my surname." Kumindat ito saakin. Nanlaki yung mga mata ko.

Nilalandi ba ako nito? Unti unti ay dumistansya ako. Mahirap na baka kasi makita ni Luhan tapos magselos pa siya.

Ngumiti nalang ako sakaniya at tumalikod na. Hinanap ko si Luhan sa counter pero wala siya. Saan naman nagpunta yun? Iniwan niya ako dito? Napasimangot ako, biglang tumunog yung cellphone ko at lumabas yung text niya sa screen ko.

From: My Hubby
Wifey, may pinuntahan lang ako sandali sorry kung naiwan kita jan. Bumalik ka nalang ng hotel ng maaga. I'll be back. :*

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi nalang sana niya ako iniwan dito kung may pupuntahan siya. Tss. Edi sana nagstay nalang ako sa penthouse at nanuod ng T.V.

Nakasimagot akong lumabas at lumapit sa isang nagtitinda ng shake. Bumili ako ng isa at umupo sa bench malapit dun.

"Hey." Nagulat nanaman ng yung lalaki kanina ay tumabi saakin.

Naaalangan akong ngumiti sakaniya. Parang kasing ang landi ng dating niya.

"Alone?" Tanong nito. Tumango nalang ako at pinanuod yung mga batang naglalaro sa beach.

Paano kaya kung anak namin ni Luhan yan? Siguro masaya kaming dalawang pinapanuod silang naglalaro. Hayy. Napipicture ko sa utak ko kung gaano kasaya ang pamilya ko. Parang baliw ne?

"You're gorgeous." Napatingin ako sakaniya nakatingin pala siya saakin.

"Thanks." Nahihiyang sabi ko. Inabot niya saakin yung shake niya.

"Here." Umayaw ako dahil meron naman ako pero nag insist siya.

"Take it, lusaw na yung saiyo o." Ngumiti nalang ako at inabot ito.

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon