Chapter 50

987 40 18
                                    

Luhan POV

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Binalibag ko yung baso dito at bote ng red wine.

"Sir, lasing napo kayo." Awat saakin nung bouncer.

"Bitawan moko! Hindi mo ba ako nakikilala?! Huh?! Huh?!" Kinuwelyuhan ko yung bouncer napaatras naman ito.

"Wag po kayong maggulo dito sir." Walang ano ano'y sinuntok ko siya.

Kaya napahiga siya sa sahig at nagkagulo na. Pinalibutan na ako ng mga bouncer nila.

"Ano?! Papalag kayo?!" Kahit hilong hilo na ako dahil tinamaan na ako sa dami ng nainom eh nakuha ko paring makipagsuntukan.

"Mayabang! Bugbugin na natin!" Sigaw nung unang butler at nag-umpisa na silang bugbugin ako.

Wala akong maramdaman ni isang sakit. Ni hindi ko maramdaman ang mga suntok nila. Paano ko naman mararamdaman kung sobrang na manhid na ako sa sakit! Sa sakit ng pagkawala ng tao mahal ko. Pinagsisipa pa nila ako hanggang sa sumuka akomng dugo.

"Akala mo kung sinong magaling, wala naman pala." Yan yung huli sabi nila ng ihagis nila ko palabas ng bar.

Hirap na hirap akong tumayo at halos pagapang na ako papunta sa kotse ko. Kulang pa tong sakit na to kumpara sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko kayang ipaliwanag yung sakit at wala kahit sino man ang kayang magpaliwanag kung gaano kasakit! Sana nga ako nalang yung namatay eh! Kung pwedeng ako nalang yung namatay eh! Sana ako nalang talaga!

---
Kaila POV

"Hindi na niya makikita tong gift ko sakaniya." *sobs*

"At hindi na niya masusuot itong pinatahing kong damit para sakaniya." *sobs*

Kanina pa kami nagdadramahan nila Des, Taira, Hannah at Khate.

"Hindi ko manlang naimagine na mangyayari to." *sobs*

"Mag-group hug tayo girls." Sabi ni Hannah kaya nag-group hug nalang kami.

Ambilis ng mga pangyayari, parang kahapon lang kasama ko siya sa condo nagchichikahan at umiiyak dahil kay Luhan. Parang kahapon lang kasama ko siyang minamake-upan sa hotel at binibihisan tapos ... Tapos... Tapos ngayon wala na siya..:'(

"Love.." Biglang tawag ni Kai galing sa sala.

Nandito pala kami ngayon sa bahay nila Charisse dito sa Jeju. Nacreamate na yung katawan niya at ngayon ang huling gabi niya.

"Kumain ka muna.." Yaya ni Kai saakin.

"Oo nga kumain na muna kayo." Sumulpot naman si Baekhyun sa likod niya.

Sumama naman ako kay Kai. Pati yung ibang girls ay sumama na palabas.

"Maga na yang mata mo oh." Pinunasan niya ung luha sa pisngi ko. Pinilit ko naman ngumiti sakaniya.

Alam ko apektado din ang buong EXO, bakit naman hindi eh napamahal na din sila kay Charisse. Buti nga nandito si Kai sa tabi ko kung hindi siguro nabaliw na ako.
----
Youngmin POV

Hindi nila ako makausap ng matino. Wala din akong ganang magpractice. Ilang beses nga akong nasigawan ng choreographer namin dahil wala ako sa sarili. Ngayon nasa bahay ako nila Charisse sito sa Jeju. Nandito ang EXO maliban kay Luhan at mga business partner ng magulang ni Charisse. Halos mabaliw si Tita at ni hindi na mabitawan yung labi ni Charisse.

Lumapit ako sa labi nito. Unti unti ay tumulo ang luha ko. Napasinghot ako. Sabi ko hindi nako iiyak pero putcha! Paano ko hindi iiyak kung nakikita kong labi nalang ng taong mahal ko slash bestfriend komyung nasa harapan ko! Hinipo ko yung takip.

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon