Chapter 69

824 30 7
                                    

Jin POV

Three weeks mula nung nanggaling siya dun kila Luhan para bisitahin siya pero at hanggang ngayon ay hindi pa siya bumabalik uli doon para bisitahin ito. Unti unti namang bubumubuti ang lagay ko ay sa awa ng Diyos ay nakakapagpakad na ako dahil sa tuloy tuloy na therapy.

"Anong iniisip mo?" Tanong ko sakaniya. Inabutan ko kasi siyang nakatingala sa langit dito sa garden namin.

"Wala naman.." Sagot nito.

"Sigurado ka?"

"*sigh* Hmmm.. Iniisip ko lang kung ano kayang nangyari sa buhay ko kung hanggang ngayon e normal na fangirl parin ako." Sabi nito na napatingin sa mga kamay niyang nakapatong sa lap niya. Nilaro niya pa iyon.

"Siguro kung tulad ka parin nuon ay baka tahimik ang buhay mo." Tumingin ako sakaniya napatingin din siya saakin. "What I mean is hindi mo sana napagdaanan yung mga paghihirap na napagdaanan mo ngayon." Napaisip naman ito.

"Pero hindi ko naman pinagsisihan na na-engaged ako kay Luhan, kasi yun yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko kahit na madaming sakit at hirap akong napagdaanan." Bulonh niya pero hindi ko narinig.

Kitang kita ko sa mga kilos niya nitong mga nakaraang araw namas lalo siya g nahihirapan siguro dahil na din saakin. Kasi lagi nalang siya nandito sa tabi ko para alagaan ako, siguro ay nahihirapan na siya kasi alam ko si Luhan naman talaga yung mahal niya pero pinipilit niya parin akong mahalin kasi alam niyang masasaktan ako. Hindi ko naman kayang maging ganyan siya habang buhay sa piling ko. Syempre gusto ko namang sumaya siya.

"Charisse.."

"Hmm?" Ngumiti ito.

"Kung gusto mo na ng umalis pwede kanang umalis.."

"Anong ibig mong sabihin Jin?"

"Pwede mo na akong iwan. Alam ko habang pinipilit ko yung sarili ko sayo ay mas lalo ka lang nahihirapan."

"Jin.. Hindi.." Hinawakan ko yung kamay niyang nasa lap niya.

"Wag mo ng itanggi kasi kahit hindi mo sabihin nakikita ko at alam ko hindi ka saakin sasaya." Pinilit kong ngumiti kahit na ambigat sa puso.

"Pero Jin.."

"Kung inaalala mo yung kalagayan ko, okay na ako. Maraming salamat kasi nandiyan nung panahong kailangan kita." Tumitigtig ako sakaniya.

"Tandaan mo mahal na mahal kita." Naiiyak na siya.

"Charisse, pinapalaya na kita." Sabay na tumulo yung luha naming dalawa. Napayakap nalang siya saakin.

"Jin, I'm sorry.. Minahal naman kita e pero iba lang talaga yung pagmamahal ko para sayo.. Sorry." Tumango lang ako. Bumitaw na ako kasi baka pag hindi pa ako bumitaw ay hindi ko na siya tuluyang mabitawan pa.

"Thank You." Pinunasan ko yung luha niya tapos ngumiti.

Tumayo na siya at pumasok na sa loob ng bahay siguro ay aayusin na niya yung mga gamit niya. Siguro hanggang dito nalang talaga yung lovestory naming dalawa kung talagang naging lovestory nga.. Sabi nga nila.. Hindi natuturuan ang puso sa kung sinoman ang dapat mahalin kaya kung di ka mahal ng mahal mo pakawalan mo nalang kaysa naman kayong dalawa ang nasasaktan. Siguro mawawala din yung sakit na to. Pinunasan ko na yung luha ko at napatingin nalang sa langit.
-----
LUHAN POV

"Nasaan si Tao?" Tanong ko.

"Pumuntang China, pinauwe ng papa niya." Sagot saakin ni Chanyeol. Tinanguan ko nalang siya.

Ibinaba ko naman yung backpack ko sa upuan tapos umupo sa tabi nito.

"Luhan hyung.." Tumingin ako kay Xiumin.

"Op?"

"Nagtext si Kaila saakin."

"Oh anong sabi?"

"Pwede ka daw bang makipagkita kay Charisse?" Natigilan ako dun.

Nag iwas ako ng tingin.

"Madami kasi akong gagawin eh." Sabi ko nalang.

"Hyung.. Pagbigyan mo naman siya. Alam ko nahihirapan ka din at gusto mo na din siyang makita ilang linggo ka na ngang wala sa sarili eh." Sumapaw si Chen.

"Oo nga Luhan." Dagdag din ni Sehun. Napabuntong hininga nalang ako.
---

"Luhan!" Nakangiti g salubong niya pagbaba ko ng sasakyan. Naglakad naman ako palapit sakaniya,

"Kamusta?" Tanong nito.

"Okay lang ako. Yun lang ba yung gusto mong malaman kaya pinapunta mo ako?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Luhan.. Bakit ang cold mo nanamn?" Nagbiro ito.

Bakit ako cold?! Nagpapatawa ba siya? Matapos niyang piliin si Jin over me? Anong gusto niya? Magpakatanga parin ako na salubungin siya with a warm smile?

"I have to tell you something.." Masigla niyang sabi.

"Nevermind, I don't wanna know it anyway." Tumingin ako sa kabilang direksyon.

"I'm sorry kung pinili ko si Jin ---"

"I'm sorry? Oh no! Wag kang magsorry diba ako naman nagsabi sayo nun na kay Jin kana lang? Kaya why bother to say sorry?" Hindi ko alam pero para bang may galit akong kinikimkim.

"Hindi Luhan makinig ka.."

"NO! Tama na Charisse! Si Jin na ang pinili mo! Ano gusto mo nanaman bang ipamukha saakin na siya na yung mahal mo?! Alam mo tama na! Nagparaya na ako! Please lang! Wag mo na akong gaguhin dito!" Napayuko nalang siya at ako naman ay nag walk out na.
-----
Charisse POV

"I.. I.. Want to say Let's start again but I guess your already moved on." Bulong ko nalang habang nakatayo parin sa kinatatayuan ko. Napaluha nalang ako.

Iniwan na niya ako mabilis niyang pinaandar yung kotse niya paalis ng hindi manlang ako pinapakinggan. Ganun na ba yun?

Nahuli naba ako Luhan? :(

<////3
------
2 months later..
Xiumin's POV

Nasa crisis ang grupo namin ngayon. Umalis si Luhan ng wala manlang pasabi saamin. Nagulat nalang kami pagkagising namin ng umaga ay wala na siya tapos pumutok yung balitang pinawalang bisa na niya yung contract niya.

"Suho hyung! May alam kaba dito? Bakit biglaan?" Lumapit ako kay Suho na halatang sobrang apektado. Umiling lang ito. Nilibot ko naman yung paningin ko sa mga ka member ko.

Si Sehun ay umiiyak, si Lay at Tao ay nakatulala, si Baekhyun, Chen at Chanyeol naman wala sa sarili. Lahat kami ay sobrang apektado.

Kumalat na din ito sa internet at lahat ng fans namin ay sobrang nahihirapan. Naihilamos ko nalang yung mukha ko. Kawawa naman ang mga pinakamamahal naming EXO-L sila ang pinaka nahihirapan. Alam kong sobrang sakit para sakanila nito, lalo na pa at hindi pa sila masyadong nakakamove on sa pag alis ni Kris.

Tapos ngayon si Luhan naman! Paano na ang EXO? Paano na kami magpapatuloy? Akala ko pa naman We are one' pero parang ang nangyayari 'We are leaving one by one' bakit? Paano kami magpapatuloy kung hindi na buo yu g grupong minahal ng maraming tao. <//3
-----
To be continue...

Shoutout to --> Falling In Love With A Fangirl :)) see the comment for the link :)
Three Seconds Seducer deleted :)

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon