His History

811 30 5
                                    


"A..anong sabi mo?" Nanginginig ang boses ko.

Nanginginig din ang buond katawan ko. Napasalampak ako dito sa sahig dahil sa suntok niya ngunit hindi ko maramdaman yun sakit. Hinihintay ko yung susunod niyang sasabihin, nag uumpisa ng mamuo ang luha sa gilid ng mata ko.

"Anong sabi mo?!" Sigaw ko. Halos lumabas na yung ugat ko sa leeg. Naikuyom ko nalang yung mga palad ko.

Kinalma muna niya yung sarili niya.

"Posibleng ako ang ama ng batang dinadala niya." Sambit nito.

"Ha! Haha! Hahaha!" Para akong baliw na tumawa. "Naglolokohan ba tayo dito?" Tumulo ang isang luha sa kanang mata ko.

"Wag mo akong pagtripan pare." Sabi ko habang unti unting tumayo.

"Gusto mo bang patayin kita?!" Sigaw ko uli. Nagulat siya dahil mabilis ko siyang nakwelyuhan. Hindi naman siya pumapalag.

"Sabihin mong nagbibiro ka lang! Sabihin mo!!!!" Sigaw ko.

Umuusok na ang ulo ko sa sobrang init at galit. Hindi! Hindi totoo yung sinabi niya diba? Hindi yun totoo. Hirap na hirap na siyang huminga. Humawak ito sa kamay kong nakaskmal sa kwelyo niya.

"I..importante ba yan ngayon? Mamatay yung babay." Hirap na hirap na sabi nito.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Sh*t! Oo ngan yung anak!

"Magtutuos tayo!" Sigaw bago ako tumakbo palabas papunta ng ICU kung saan itinakbo si Charisse.

Nagmadali ako, sa sobrang bilis ko ay halos madapa dapa pa ako. Hindi na ako gumamit mg elevator ng hagdan ako pataas. Sa ikalawng floor kasi yung ICU. Hingal na hingal ako pagdating ko sa labas. Agad akong sumilip ngunit wala akong makita.

Ano na kayang nagyayari sa asawa? Yung anak namin? Arrrg! Nasuntok ko yung pader ng dalawang beses. Ayan ka nanaman Luhan! Pinainit mo nanaman yung initi ng ulo mo! Nababaliw kana talaga! Inunan mo pa yunh pakikipagbasag ulo sa lalaking yun kaysa alamin yung kalagayan ng asa mo! Arrrgggggg.

Napasandal ako sa pader. Diyos ko, mamatay po ako pag nawala yung baby namin, pero mamatay din ako pag nawala si Charisse kaya please po buhayin mo silang dalawa. Humagulgol ako. Nakayuko lang ako habang nakasandal ang ulo sa mga tuhod ko.

Ano pa ba kailangan kong pagdaanan para tumino ako? Nawalan na siya minsan. Pinagdasal kong sana ibalik siya at kasabay nun ang pangako na hindi ko na siya sasaktan pero ano? Ano tong ginagawa ko?! Sinasaktan ko nanaman siya. Ako nanaman yung naging dahilan ng paghihirap at pagtataya ng buhay niya.

Ano ba kailangan kong gawin? Hirap na hirap na ako sa sitwasyon ko! Hindi ko namN ginusto na mapunta sa ganitong sitwasyon. Ang hinihiling ko ay sana magkaroon ako ng masaya at malaking pamilya. Pero kung ganitong klaseng malaking pamilya? Ayoko. Hindi kasi tama. Mahal na mahal ko yung asawa ko at yung magiging baby namin pero mahal ko din yung anak ko kay Kianna.

Ayoko na! Gulong gulo na ako!!!

"Mr. Lu?" Lumabas si Doc. Agad akong napatayo.

"Doc, yung asawa ko?" Tanong ko agad. Napatingin ito sa kamay ko.

"Mr. Lu, may sugat po kayo--"

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon