Short Update: Denial Luhan

2.2K 73 12
                                    

Hii chingus! Huhuhu! May sakit daw ang Luhan ko! Kalungkot! Tapos kahapon umattend pa din siya sa Meillishuo Fansigning kahit may sakit siya! Kawawa naman siya ganun niya kamahal ang mga fans kahit may sakit sige padin! Kaiiyak! Wala pa naman ako dun para alagaan siya. XD hahaha! Anyways wag niyo ko pansinin. Sige basahin niyo na. Votes and Share ha? ~Kamsaaaa. 😘


[LUHAN POV]

"Aaaaaaaaaarrrrrrrrrrggggggggggghhhhhhhhhhh!" Tinumba ko yung table na nakaset.

Sinipa ko yung upuan at pinagbabato yung mga baso at pinggan.

"Sir Okay----"

"Fvck Off! Leave me alone!" Sabay hagis ko ng nadampot kong base.

Natakot ang mga staff kaya patakbo silang umalis. Gusto kong mapag-isa. Wala kahit sinoman sakanila ang nakakaintindi saakin. Wala kahit sinoman sakanila ang nakakaramdam ng sakit na nararamdaman ko ngayon! Wala! Wala kahit isa!

Gusto kong mag wala hanggang sa mawala tong nararamdaman ko. Gusto kong sirain ang lahat ng mahawakan ko.Bakit si KyungSoo? Bakit?! Akala ko bang mahal niya ako? Akala ko bang kaya niyang maghintay hanggang mahalin ko siya?! Bakit? Bakit si KyungSoo na yung mahal niya ngayong mahal ko na siya!


"Fvck! Fvck! Fvck!!!" Sinuntok ko ng tatlong beses ang pader.


Dumaloy ang dugo sa kanang kamay ko. Naihilamus ko nalang ang kaliwang kamay ko sa mukha ko habang pabagsak na umupo at sumandal sa pader.


Bakit nangyayare to ngayon? Bakit nagkaganito yung sitwasyon?. Bakit ba kasi napakapeke ng nararamdaman ko! Bakit ba kasi nagpakamanhid ako! Bakit ba kasi nagpakatanga ako! Bakit ba kasi hindi ko agad inamin sa sarili ko yung totoo!


Kasalanan mo din to Luhan! Isa kang dakilang tanga! Bakit hindi mo kasi inamin ng maaga na may nararamdaman kana sakaniya! Bakit kasi pinipilit mo nun na wala kang nararamdaman sakaniya kahit na alam mong may nararamdaman kana! Bakit nagalinlangan kapa sa feelings mo nung araw na ibinigay niya sayo yung cellphone mo! Yung araw na sinigawan mo siya at umiyak siya sa harapan mo. Alam mong may iba pero binalewala mo lang.



Bakit hindi mo kasi siya pinagbawalan nung nakikita mong masaya siya kasama si KyungSoo! Bakit hindi mo kasi pinahalagahn yung mga text niya! Bakit hindi ka manlang nagrereply kapag nag-aalala siya! Bakit tinake for granted mo siya!


Bakit hindi mo nalang kasi sinabi yung dapat mong sabihin nung nakipagbugbugan ka kay Jo YoungMin para sakaniya. Hindi mo inamin sa sarili mo nagseselos ka! Bakit kasi nagpadala ka sa galit nung gabing yun! Diba dapat ang sasabihin mo..

"Sa tingin ko mahal na kita." Pero ang sinabi mo Malandi Ka!.

Kasalanan ko to! Kasalanan ko talaga! Isa akong tangang Luhan na hindi kayang umamin sa nararamdaman niya! Nung gabing yakapin ko siya.. Nung gabing sabihin kong..

"Mahal na mahal kita...Seohyun please wag mong gawin saakin to."

Alam ko sa sarili ko na pangalan niya ang gusto kong sabihin pero naunahan ako ng takot.. Takot na baka sabihin niyang sawa na siya dahil sa lahat ng nagawa ko sakaniya. Nung araw na inalaagan niya ako dahil nagkalagnat ako. Masaya ko dahil kahit papaano hindi niya ako iniwan at inalagaan niya talaga ako. Nung gabing yun naramdaman ko na hindi ko kaya pag wala siya.. Dun ko lang naamin sa sarili ko na bukod sa uhaw ako sa atensyon niya gusto ko akin lang siya.

"Ang Tanga ko!" Bigla ng bumuhos ang Luha ko. Marunong akong umiyak tao lang din naman ako.

Siguro ganito yung naramdaman niya nung pinagtatabuyan ko siya. Sh!t! Siguro kung maaga ko lang na inamin sa sarili ko ang nararamdaman ko sakaniya.. Hindi siguro siya nawala.

Shit! Kung alam ko lang sana na mamahalin ko siya edi hindi ko na sana siya pinagtabuyan pa! Sh!t sh!t sh!t.



Mahal na mahal na Kita Charisse. Lord sana ibalik mo yung pagmamahal niya. Alam ko minsan lang ako manalangin tapos hiling pa.. Pero pag nangyare yun aaraw-arawin ko na manalangin. Please po.

----

[Xiumin POV]

Ako ang may pakana ng date nato. Narining ko kasi si KyungSoo na kinausap ang ibang membro na wag munang umuwe sa dorm at dun muna sa hotel para daw akalain niya na nagpapamiss kami. Gusto daw niya na masurprise siya dahil nagplano siya ng isang date. Sinabi ko kay na gunawa din siya ng dinner date pero hindi ko sinabing sabay sila ni KyungSoo. Malakas kasi ang pakiramdam ko na si Luhan ang pipiliin ni Charisse pero hindi ko naman alam na si KyungSoo pala.


SinundN ko si Luhan dun sa venue niya. Tumba na lahat ng gamit halos basag na yung mga itensils. Nakita ko siyang nakaupo habang nakasandal sa pader na duguan ang kamay at ang nakakagulat pa...umiiyak siya.


Charisse.. Alam mo ba ikaw lang ang nakagawa niyan sakaniya. Sh!t nakokonsensya tuloy ako! Plano ko kasi to.

Nakatayo lang ako hanggang sa may pumarandang sasakyan. Nagtago ako para makita kung sino.

"Sh!t! Anong ginagawa niya dito?" (O.O)
----

Si Xiumin ang may sala! Bugbugin! Hahahaha joke lang! Short lang talaga ne? Pasensya wala akong mapiga sa utak ko eh nag-aalala kasi ako kay Lulu. Bawi ako sa next Chaptie. Xx :) Love You All! Comment kayo ha?

_IamLUHANsRealWife😘

Engaged to Exo LUHANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon