IC-30(Marry Him)

1K 27 3
                                    

3rd Person's POV

Isang linggo na ang lumipas at maayos naman ang pagtira ni Jiyah kayla Travis. Si Travis naman ay sobrang saya dahil hindi na naaalis ang mata nito kay Jiyah dahil umaga't gabi ay kasama nito ang iniibig. Nasa pangangalaga naman ni Jiyah at Travis si Dara, lahat ng nababasa ng dalawa sa internet na makakabuti sa mga nagbubuntis ay ginagawa nila kay Dara, pumapasok na muli si Dara at hatid sundo siya ni Michael, mas napadali naman ang lahat dahil nag enroll din si Michael sa Kwon University. Masaya ang lahat maliban lang sa isang taong nagbago si 'Jiyong' minsan nalang siya pumasok sa school dahil naiirita siya sa tuwing makikitang masaya si Dara kasama ni Michael, ganun din ang kapatid niyang tinalikuran na siya para lang sa piling ni Travis, araw araw niyang sinusubsob ang sarili sa pagttrabaho sa kanilang companya, at laging late nauwi dahil walang gabi siyang hindi lasing. Halos live in na din sila ni Kiko dahil sa simula ng umalis si Jiyah sa condo nilang magkapatid ay doon na tumira si Kiko.

____________________________________

DARA's POV

"Kainin mo to, nabasa ko healthy daw to sa magiging baby natin." Sabi ni Michael sakin habang pinapasubo niya yung slices apple.

"Lakas maka-'BABY NATIN' ahhhhh" sabay pang aasar nung dalawa.

Nandito kami ngayon sa salas, saturday ngayon kaya walang pasok at since dito naman na nakatira si Jiyah ay sama sama kami, si Michael naman maaga lagi pumupunta dito para icheck ako at yung baby ko.

Kung di mo talaga alam ang storya at titignan mo kaming lahat, parang si Michael ang nakabuntis sakin at siya talaga ang nag aalaga sakin.

Si Jiyong?

Madalas kaming nagkakasalubong sa elevator. Kasama ko si Michael, kasama niya naman yung mukang isda.

Nakakapagod na.

Aminado akong nasasaktan pa din ako, mahal ko pa din siya pero pag naiisip ko yung batang dinadala ko ngayon na lalaking wala siya. Nagagalit na lang ako at mas lalong ayaw kong malaman niya yung tungkol sakin. Kung itapon niya nalang ako ng basta basta, kung itapon niya nalang lahat ng pinagsamahan namin ng ganun ganun lang at yung pagmamahal ko sinayang niya, ginawa niya akong tanga! Paano pa kaya kapag nalaman niyang may anak siya sakin? Baka hindi lang ako ang saktan niya baka pati ang anak ko, anak namin. Hayyss.

Okay enough! Sabi nila, bawal daw ma stress ang buntis. Ayaw ko naman pumanget baby ko dahil sa pagiisip ko kung ano ano.

"Hey, anong iniisip mo?" Pagbasag ni Michael sa iniisip ko.

"N-nothing." Sabi ko nalang at sinubo yung apple na inaalok niya.

"Yah noona? Ano kaya kung bigyan agad namin ng pinsan yan si Baby?" Pagbiro nitong si Travis sakin at agad agad naman siyang binatukan ni Jiyah.

"Yah! Ano yang pinagsasabi mo ha?" Sigaw ni Jiyah kay Travis.

"What? Wala namang masama kung bibigyan natin agad ng pinsan si Baby eh!" Patuloy pa din ni Travis.

"Mag isa ka!" Sabi nalang ni Jiyah at akmang tatayo na pero agad na niyakap ni Travis.

"Joke lang hon eh! Ito naman di mabiro!" Parang aso na inaamo ng amo hahaha

"Oyy kayong dalawa, tigilan nyo na yan para kayong mga ewan e. Hahaha! Saka ano ka ba Travis? Bata pa yan si Jiyah!" Pagsali naman nitong si Michael.

"Tama ka dyan kuya micks, kaya sayo ako e! Ito kasi napaka manyak eh!" Pag agree nitong ni Jiyah kay Michael

"Di ako manyak noh! Gusto ko lang maexpress lalo yung feelings ko for you." Pagprotesta ni Travis

"There is a right time baby bro!" Sabi ko nalang. Nakisali na ako sa kanila hahah

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now