IC-80(THE FAKE CONFERENCE)

1.1K 36 6
                                    

DARA'S POV

Maaga akong pumasok, dahil may mahalaga daw sasabihin si Jiyong sakin.

Ako din, meron.

Wala namang point kung itago ko pa ito sa kanya.

Kami ang biktima dito.

naglalakad ako papuntang Student council Presidents office.

Nang makasalubong ko si

"Jiyah?!" Tawag ko sa kanya.

"Hi unnie!" Bati nito sakin.

"Good Morning. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

"Pinatawag ako ni Kuya eh. Ikaw din ba?" Tanong niya din sakin at nag nod lang ako.

Sabay kaming pumasok ng kwarto at nagulat kami ng makita namin si

"TRAVIS?!" gulat na sabi ko. Kung alam ko lang na pati siya ipapatawag nitong mokong na to, edi sana sabay na kami.

"Seriously? Anong meron?!" Tanong sabay ni Jiyah at Travis at nagkatitigan sila.

"Have a seat ladies." utos naman ni Jiyong.

"Meron lang akong i-didiscuss." Dagdag niya pa.

Naupo na kami ni Jiyah, nasa kabisera si Jiyong, nasa kanan niya ako katapat ko si Jiyah at katabi ko naman si Travis.

"Okay, I want to start this by giving you this." Sabi ni Jiyong at sabay may iniabot saamin na mga papel.

"Ano to?" Tanong agad ni Travis.

"Yaan ang list ng businesses, properties ng mga Kim's at Mizuhara! At naglalaman din yan ng listahan ng mga taong konektado sa dalawang pamilyang yan. Napagalaman ko, na sinabotahe ang accounting ng KGC noon at sinabing paluge na ito, kaya kinakailangan kang ikasal para ma-imerge ang shares ng mga Kims na nagsasabing tanging sila lang ang makakatulong para maiangat ang KGC, but the truth is, hindi kaya ng Kim's ang shares natin dahil wala pa sila sa 50%." Paliwanag ni Jiyong

"What?! So, ang gusto lang talaga nila eh makasal ako kay Ej? Wow! Congrats! Nagtagumpay sila sa plano nila!" gulat na galit na sabi ni Jiyah

"Mamaya natin pagusapan yang kasal mo. may pupuntuhin ako ditong mas mahalaga. at ayun, base sa report, napag alaman ko ding, kung sino ang konektado sa dalawang pamilyang yun, una si Appa, pangalawa ang tatay nyong si Mr.Jay Park!" Patuloy ni Jiyong

"So? Anong ibig mong sabihin? May kinalaman dito tatay namin? Pinagbibintangan mo siya kasi magalit ang mga magulang natin?!" Parang inis na sabi ni Travis

"Hindi pa ako nagbibintang, sinasabi ko lang, may possibility na siya yung nasa likod ng lahat." Paliwang pang muli ni Jiyong

"What do you mean lahat?" Tanong ni Travis at Jiyah

"Napagusapan namin ni Dara na, may possibility na iisa lang ang taong nasa likod nitong lahat, kasi iisa lang ang gusto nila eh, ang makasal kami at masira ang KGC." Patuloy ni Jiyong

"So, sinasabi mong tatay namin yun?!!!" Nagtaas na ng boses si Travis

"Travis, s-si Dad." na-uutal utal kong sabi

"Anong si Dad?!" Sabi ulit ni Travis

"Siya, siya yung may pakana ng lahat!" At ayun nasabi ko din.

"WHAT??!!!" gulat na gulat at sabay sabay nilang sabi.

"Paano naman nasabi yan ha? Dara?!" sigaw na sabi ni Travis

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon