IC-60

983 30 0
                                    

DARA's POV

At ayun, nakarating na din kami sa destinasyon namin. Ang Montmartre.

Dinadayo talaga ang Montmartre ng mga katulad naming tourista. Montmartre has a larger hill. Sa lawak nito. Iba iba ang andito, merong churches, meron ding clubs, at mga bilihan na akala mo divisoria pero parang Vigan style, dahil sa ambiance nito.

"Babe?" tawag sakin ni Jiyong at inilahad niya yung kamay niya.

Binigay ko naman yung kamay ko sa kanya. Ngayon sinimulan na namin ang paglalakad ng magkahawak ang kamay.

"WOOOOOW! ang ganda naman dito! tanaw na tanaw natin yung buong PARIS!" rinig kong sabi ni Jiyah. nakaakbay si Travis sa kanya habang tinitignan ang view. 

"Oy guys! picture naman tayo!" sabi naman ni Minchin at ni-ready ang cellphone niyang nakalagay na sa monopad. kinuha ni Dar yun at siya ang humawak na-kay minchin naman ang remote ng monopad. 

lahat kami ay pumwesto na. kanya kanyang posing at smile. 

may mga nakangiting labas ang ngipin, meron naman hinid, may mga nakaakbay, may mga naka peace sign, may mga naka 420 sign. iba iba.

"1.2.3!!! selfie!" sigaw ni Minchin at nagtake na. 

"ang ganda" sabi ni minchin habang tinitignan yung cellphone niya.

"Yah! noona! pa-picture nga kami ng hon ko!" parang batang sabi ni Travis sakin. 

" grabe siya oh! gawin daw ba akong photographer?" sabi ko habang kinukuha ang cellphone niya. 

nakatalikod si Jiyah kay Travis at si Travis naman naka- back hug kay Jiyah. parehong lapad ang ngiti ng dalawa. 

"Oy! noona! yung kita yung magandang view ah?" sabi pa ni Travis. 

"Okay. 1.2.333!" sabi ko at clinick na ang capture. 

"patingin ako!" sabi niya at kinuha niya yung phone. tapos after 5 seconds binalik niya sakin. 

"Isa pa! gusto ko mas sweet dyan!" demand niya pa.

nagpose pa sila. naka piggy ride si Jiyah kay Travis at parehong nakatingin sa isa't isa. psh! akala mo pictorial nila eh! HAHAHA!

"Ang ganda! i-ddp ko to!" sabi ni Travis ng makita nya yung picture nila

"OHH! guys, kita-kits nalang by 1pm dito ha? kanya kanya muna. gusto ko masolo yung mahal ko eh!" sabi ni Jiyong sa lahat at hinatak na ako. 

magkahawak-kamay kaming naglakad. binabaybay ang bawat tanawin at lugar na madatnan namin. 

"Sa wakas na-solo din kita!" sabi niya sakin at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko at inakbayan ako. 

"Grabe siya oh! Possesive!" Pang aasar ko.

"Eh gusto kita masolo eh. May magagawa ka ba?" Sabi niya at nagpapacute pa ang loko.

"wala naman akong balak tumanggi e. Haha!" Sabi ko at pareho kaming namula.

Sa paglalakad namin ay napahinto kami sa isang store na ang gaganda ng tinda.

"Wow! Ang ganda!" Sabi ko ng makita ko ang isang bracelet na infinity sign.

"Gusto mo?" Sabi niya sakin

"Hindi. Nagandahan lang talaga ako." Sabi ko at hinatak na siya para ikutin pa yung store.

Ang gaganda ng lamp shade na maliit na may heart, yung mga dream catcher, yung mga bracelets, necklace at kung ano ano pa.

"Here wear this." Sabi niya at binato sakin ang isang kulay pink na damit.

May nakalagay na Baby Boy love Baby Girl. Ang cute.

pumunta ako sa fitting room at sinuot ko yun.

Paglabas ko, nagulat ako at namula sa nakita ko. Pareho kami ni Ji.

Siya naman nakasuot ng kulay blue na damit na may nakalagay na Baby Girl love Baby boy <3

"How was it?" Tanong niya sakin.

"I like it, no, I love you!" Sagot ko sa kanya at hinawakan niya yung kamay ko at lumabas na kami ng store.

TRAVIS POV

paikot ikot kami ni Jiyah. At bawat food stand, hinihintuan namin. Grabe feeling ko mawawala yung abs ko sa babaeng to eh. Pero ayos lang masaya naman ako kasi siya ang kasama ko! :))))

"Hon! Ayun ohh! Masarap yun! Taraaaa!" Yaya niya sakin ng may makita na naman siyang food stand.

"Ha? Hindi ka pa busog? Pang sampung stop over na natin to sa mga food stands ah?" Sabi ko at ngumuso naman siya.

"Ang layo ng nilakad natin. Nagutom ulit ako!" Sabi niya at ngumuso ulit.

"Hayy! Ikaw talaga! Osige, lika na dun!" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Yeheeey! Thank you honeeey!" sabi niya sakin na may malawak na ngiti.

Umupo na kami at umorder. French fries and burger ang food dito.

Mga naka limang plato kami bago kami tuluyang tumayo.

"Grabe busog na busog ako hon!" Sabi niya at nakahawak pa sa tyan niya.

"Aba dapat lang limang order kaya yun." Sabi ko sa kanya at inakbayan ko siya.

Sa paglalakad namin bigla kaming huminto sa isang store kung saan madaming kakaiba pero magagandang gamit.

Pumukaw ng attensyon ko yung isang necklace na paris ang pendant. Gold siya. Sinenyasan ko yung sales lady at tinuro ko yung kwintas. Ayoko makita ni Jiyah na binibili ko to, gusto ko ibigay sa kanya to ng maganda yung moment. Buti nlang at busy siya sa pagtingin tingin.

"Hon, halika dito. Cute nito ohh! Diba?" Sabi niya sakin sabay pakita nung damit na may simpleng nakalagay na YOU AND I FOREVER.

"walang forever!" Sabi ko at sumimangot naman siya.

"Edi wala!" Sabi niya at binalik yung damit. Tumingin tingin nalang siya ng iba. Sinenyas ko ulit dun sa sales lady na isama sa charge nung kwintas yung couple shirt na tinuro ni Jiyah, bibilhin ko din yun.

"Miss, I'll get this one and this, and this and this one." Sabi ni Jiyah at binili niya yung earrings na Paris yung design, sunglasses na 3 pero ibat ibang design, tapos couple watch pa. Isinuot niya sakin yung isa at yung isa sinuot niya.

"Thank you hon!" Sabi ko at kiniss ko siya. Pero sa pisngi lang :)

"Tara na? Wala ka bang bibilhin?" Sabi niya ng makuha niya yung pinamili niya.

"A-ah wala :) tara na." Sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya at hinawakan yung kamay ko.

________________________________________________________________________

A/N: at dahil binusog tayo ng Daragon! Ayan mag uupdate ako. Mapatawad nyo sana ako sa kabagalan kong magUD.

Nagkasakit kasi ako :( huhuhuhu.

Mianheeeeeee!

pero ngayon babawi talaga ako. :)

Hope you enjoy this chapter.

VOTE AND COMMENT.

-AUTHORJ-

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now