IC-76(It's JIYONG time)

1K 35 3
                                    

5 months later....

DARA'S POV

"Hanggang kelan mo itatago?" Tanong ko kay Jiyong.

"May hinihintay pa ako! Alam ko! Alam kong may dahilan kung bakit nangyayare ang lahat ng ito! kaya kahit ayoko, pinipilit kong itago, para sa amin ng kapatid ko. Patawarin niya sana ako kapag nalaman niya, at sana kung sakaling sabihin ko na sa kanya, sana hindi pa huli ang lahat!" Sagot niya sakin at sabay inom niya ng alak niya.

Andito kami sa apartment ko, naging maluwag ang buhay namin simula ng ikasal si Jiyah kay Ej, malaya naming nagagawa ang mga gusto namin.

Walang hadlang.

Walang pesteng isda

Wala lahat lahat.



Noon.


Pero ngayon,

dumating na yung araw na, pinaghandaan ko.

Alam ko, alam naming mangyayare at mangyayare ito.


Dumating na ang araw, kung saan si Jiyong naman ang ikakasal.



Akala ko, joke lang yung pagpapakasal nila, dahil malinaw sa usapan ni Jiyah at ng Appa niya, na magpapakasal lamang ito kay Ej kung, hahayaan nila si Jiyong makasal sa akin.

Akala ko marunong tumupad sa pangako ang Ama nila.

Akala ko joke lang lahat ni Kiko ang magiging kasal nila.

Pero hindi.

Hindi pala.

Hindi pala sila marunong magbiro.

"So, kelan ang kasal nyo?" Tanong ko kay Jiyong at uminom ng alak din.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito.

"Next week." Tipid niyang sagot.

At may kung anong mainit na likido ang bumagsak sa aking mga mata.

"Shhh. Don't cry. Don't you trust me?" Sabi niya sakin habang pinapahid niya ang mga luha ko.

Pilit akong ngumiti bilang sagot.

"Don't worry, hindi sila mananalo sa labang ito. Tiwala lang babe! Tiwala lang. Sayo ako nagpropose, Sayo ako magpapakasal! Sayo lang!" Sabi niyang muli at niyakap ako.

"I love you Jiyong!" Sabi ko sa kanya at yumakap ng mas mahigpit.

"I love you too." Sagot niya sakin.


TRAVIS' POV

"Saan ka galing?" Tanong ng bruha.

"Dyan dyan lang, bakit?" Sagot ko sa kanya.

"Anong dyan, dyan lang?! May ganun bang lugar ha?!!!" Sigaw niya sakin.

Malaki na tyan niya, limang buwan na. magkasama na kami sa iisang bubong, dito na siya nakatira sa apartment namin ni Dara.

Limang buwang pagtitiis

limang buwang sira ang araw ko

Limang buwan na ding sira ang eardrums ko sa kakasigaw ng babaeng to!

Limang buwan....

Limang buwan na ding, kasal ang babaeng mahal na mahal ko.

Limang buwan na ding durog ang puso ko.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now