IC-69(Gotcha)

816 27 2
                                    

JIYAH'S POV

*YAAAAWWN* hayyyyy. Haba ng tulog ko! Di ko na namalayan. 7pm na pala ng gabi.

"Hmmm... buti naman at hindi dito natulog si Ej." Sabi ko sa sarili ko ng makitang wala si Ej sa tabi ko.

Nagugutom na ako. aegoooo~ di nga pala ako kumaen at dumiretso tulog lang.

Pinindot ko yung dial button sa phone na nakadirect sa mga maids. Ayoko ng bumaba at dito nalang ako sa terrace ko kakaen.

"paakyatan ako ng dinner dito sa room ko, sa terrace ako kakaen. Thank you!" Sabi ko sa phone.

After 20 minutes dumating na din ang food ko.

"Manang palagay nalang dun sa terrace. Lalabas na ako in a minute" utos ko habang nag aayos, kakatapos ko lang din kasi magshower.

"Si kuya ba umuwi na?" Tanong ko

"kanina pong umaga Miss, nakita ko na siya, ewan ko lang po ngayon. Hindi ko na po siya nakita e. Hindi ko rin naman po siya napansing umalis." Sagot sakin ni manang.

"Ahh ganun po ba? Sige po salamat!" Saan naman kaya nagsuot si Kuya? Ganun ba siya kabusy sa sinasabing business ni Omma? Hmm.

Nagrobe na ako at lumabas sa terrace at nagsimula ng kumaen.

Sarap naman nitong dinner, ohhh talagang gutom lang ako.

-BZZZTBZZZZT- (tunog ng phone ko, may nagtext.)

FROM: TRAVIS PARK

namiss kita! Ang ganda mo pa din kahit ang takaw mo!

Ha? Nakikita niya ako? Agad akong tumayo at hinanap siya.
Naaninag ko yung kotse niya at siya.

typing...

To: Travis Park

Anong ginagawa mo dito?

*sent*


from: Travis Park

gabi-gabi akong andito, lagi kitang hinihintay bumalik! At ngayon napaka saya ko at nakita na kitang muli.

gusto kong sabihing namiss ko siya,

Gusto kong sabihing mahal na mahal ko siya....

Gusto ko siyang yakapin....

Gusto ko siyang halikan katulad ng dati....

Pero hindi na pwede....

To: TRAVIS PARK

Umalis ka na! Hindi ba nag-usap na tayo? Hindi na kita mahal! Sorry.

"babe? Bakit dyan ka nagddinner?" biglang sulpot ni Ej.

Grabe nagulat ako, at sa sobrang gulat ko muntik muntikan ko ng matapon yung CP ko.

Hindi niya dapat makita tong isa kong cellphone.

Nandito lahat ng memories namin ni Travis.

Pictures

Videos

Text messages

Lahat. Lahat.

"Malamig dito ah? Hindi ka ba nilalamig?" Tanong niya sakin at bigla akong binack hug.

"Ah-- eh! Hindi sakto lang!" At sinubukan kong kumawala sa yakap niya pero malakas siya.

Nagulat ako ng bigla niya akong iharap, at hinalikan.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now