IC-48(meet my 1st love)

1K 39 2
                                    

DARA's POV

Lumabas na ako ng room ni Travis, ayokong marinig yung kwentuhan nila about dun sa 1st love ni Jiyong. Hindi ako nagseselos, ayoko lang talaga. Para kasing nakakabastos na ako ang girlfriend at makikita ko sa mga muka at lalo na sa mata niya na gustong gusto niyang makilala si THE-GIRL-FROM-HIS-PAST or should i call her THE-GIRL-IN-THE-PARK. Haysss! Ewan! Sana di nalang naalala ni Travis ang nakaraan niya para hindi na din malaman ni Jiyong kung sino yun.

Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito!

Basta hindi ako nagseselos!!!

Hindi to, selos!!!

"There you are." Biglang sulpot ni Jiyong sa tabi ko. Andito ako sa garden nung ospital.

"Ayy selos!" Gulat na sabi ko sa kanya bigla bigla kasing sumusulpot e.

"Anong selos? Nagseselos ka ba?" Tanong niya at nakangiti pa si mokong!

"Nagseselos saan? Hello? Baliw ka na ba?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Hmm. Alam mo ba, kilala ko na yung babaeng kinukwento ko sayo noon. Yung 1st love ko?" Ano to nangaasar lang ang Peg?

"Anong gusto mong gawin ko?" Mataray na tanong ko sa kanya. Eh totoo naman eh bakit niya sinasabi sa akin to?

"Alam mo, nakita ko na din siya. At napakaganda niya, napakabait pa, medyo selosa pero okay lang gusto ko ng ganun kasi nalalaman ko talagang gusto niya ako." Patuloy niya pa. Aba loko to ah? Inaasar ba talaga ako nito.

"Eh ano ngang gusto mong gawin ko? Gusto mo dun ka nalang! Magsama kayo! Maganda at mabait pala yun eh! Talagang puring puri ka eh noh? Nakakahiya naman sayo! Girlfriend mo kaya ako! Hindi ako si Jiyah lang na pwede mong pagsabihan ng mga gusto sa babae! Nakakasakit ka --------- naputol ang sasabihin ko kasi hinalikan niya ako bigla.

Matagal na halik.

Mahigpit na yakap



"MAHAL KO SIYA, MAHAL DIN KITA!" sabi niya sa akin ng magkahiwalay ang mga labi namin.

"Ha? Dalawa kami mahal mo?" Takang tanong ko. Loko pala to eh. Gusto 2-in-1 eh!

"Here." Sabi niya at sabay abot ng isang......

"Salamin?" Takang tanong ko sa kanya.

"Look at the mirror, because I want you to meet my 1st and last love." Bulong niya sa akin. Nasa likod ko na kasi siya eh so bali pareho kaming nakatingin sa iisang direction, kanina magkatapat kami pero sabi niya tignan ko daw yung salamin umikot siya sa likod ko at binack hug ako.

"A-a-a-ko? Y-y-un?" Utal utal kong tanong at humarap sa kanya.

Nakangiting nagnod lang siya.

At niyakap ako. Niyakap ko din siya.

Ako pala yun? Paano? -___________-

-------------------------------------------------------------

JIYONG'S POV

kinuwento sa akin ni Travis lahat. Na yung gusto kong babae dati ay kapatid niya. Si babbit..... nung time daw na nahuli ko silang magkasama ay kababalik niya lang galing sa bilihan ng ice cream at ibibigay niya kay Dara yun para kumalma at pwede niya ng iwan at puntahan ako. Tinanong ko naman siya kung bakit hindi niya pinaliwanag agad, sagot niya.

FLASHBACK; (scene kung saan pinaliliwanag ni Travis yung tungkol sa 1st love ni Jiyong)

"Eh gago ka eh! Nagulat nga ako sayo, nung nakita mo kaming dalawa ni Dara, umiiyak ka at nung lalapitan kita bigla kang nanakbo. Tapos nung pumunta ako sayo, ayun, nakita natin pareho na nagaaway na ang mga daddy natin tapos inaway mo na din ako. May pa

*insert Jiyong's voice*

"You're a liar!"

"Manang mana ka sa Daddy mo!"

"Hindi na kita bestfriend!"

"Magkalimutan na tayo!" Paliwanag ni Travis sakin with matching ginagaya gaya pa akong magsalita. Hahahaha.

A/n: yan po yung panaginip ni Travis sa CHP.1 if you still remember? :))))

"Kaya nung umalis kami dito sa Korea, masama loob ko dahil hindi ko alam yung kinagalit mo, ikaw lang ang nakasundo ko noon kasi naman mahirap makipaglaro sa kapatid ko noon dahil mahiyain. Kaya laking pasasalamat ko dahil dumating ka sa buhay ko. Dahil may nakalaro ako at may mga nasabihan ako ng problema ko. Kaya hindi ko matanggap na nasira ang YONGBISFRIENDSHIP hahahaha." Patuloy niya pa.

"Ngayon alam ko na. Naging malinaw na lahat sa akin." Sagot ko naman kay Travis.

"Pero alam mo, may isa pang kulang." Seryosong sabi ni Travis at napatingin naman ako sa kanya.

"Ano?" Tanong ko.

"Si Appa, at tito Jay." Singit naman ni Jiyah at nakita ko namang nag nod si Travis.

____________________________________

A/n: ay ang daming langgam! Ang saya pag bati bati sila. Pero tama si Travis at Jiyah.

Si MR.KWON AT MR.PARK nalang ang kulang. Hmmm

Ayy teka, may isa pang kulang! Hoy TRAVIS! YUNG SA INYO PA NI JIYAH! hindi pa kaya tapos ang problema nyo! Ikakasal pa kaya yan. Juskoooo!!!!

TRAVIS: Akala ko ba tayo nalang? Bakit ngayon pinagtatabuyan mo na ako?

A/N: ABA!!! ABA!!! KELAN KO SINABI YAN HA? DUN KA MUNA KAY JIYAH! SAKA NALANG TAYO. SA NEXT NEXT STORY. :)

anyways! Speaking of next story! Abangan nyo po ang bago kong story entitled: "CAMERA LIES" bida po ulit doon si DARA AT GD at syempre si TOP my loves <3 Sana po supportahan nyo din po gaya ng pagsupporta nyo dito sa it's complicated!

Ippublish ko po ang 1st five chapter nun, after ng story nitong IT'S COMPLICATED.

Sinong excited?"



Ako din po. :)))


VOTE AND COMMENT

AUTHORJ.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon