IC-73

896 30 10
                                    

JIYAH'S POV

"Ang color theme ng wedding is Blue and Purple, mix-up ng favorite color namin dalawa ni Jiyah! Right babs?" sabi ni Ej dun sa organizer, nandito kami sa mansion, inaayos na yung motif and theme then mamayang gabi, idedeliver yung gown ko. All set na, sa Sunday na ang wedding.

4 days from now.

"Ahhh, oo! oo!" Sagot ko nalang sa kanya, hindi naman kasi ako nakikinig eh, nagtetext lang ako katext ko si Travis. Pinalitan ko pangalan niya sa phonebook ko para di halata.

*1 text message*

From: CHA LEE

Hindi ka ba pwedeng tumakas? Kita tayo!

*seen*

Pinalitan ko ng "Cha Lee" yung pangalan ni Travis, para pag nakita ni Ej kung sino yung katext ko, ehhh! Ayos lang sa kanya kasi kilala naman niya si Chacha.

"Hey? Nakikinig ka ba?" Bigla niyang sabi sakin, kinalabit ako, bale nakaupo kasi kami dito sa garden, nagmemeryenda habang nagdedecide ng para sa kasal.

"Ahh, I'm sorry! Ano ulit yun?" Sabi ko sa kanya tapos pasimpleng tinago ko yung phone ko.

"Aish! Text ka kasi ng text! Hindi ka nakikinig! Paulit ulit nalang ha! Pag ako napikon! Sinasabi ko sayo, tatamaan ka sakin!!!" Gigil at pabulong niyang sinabi sakin.

Umayos ako ng upo, at nagkunwaring nagfocus na sa kanila.

Medyo inayos niya din yung pagkakaupo niya at mas nilapit niya pa ang sarili niya sakin at hinawakan ako sa kamay.

Napapangiwi ako sa sakit dahil sa higpit ng kapit niya.

"Aahhww, ito na makikinig na! Sorry, nagtext kasi si Cha." sabi ko sa kanya at medyo niluwagan niya na ang pagkakahawak sakin, pero hindi niya pa din ako binibitawan.

...

Matapos ang isa pang oras ay natapos na kami sa pag dedecide.

Nagkasundo na kami sa motif, sa flowers, sa foods and etc.

'Jusko! Aligagang aligaga akala mo naman gustong gusto ko to!' Sabi ko sa sarili ko habang paakyat ako ng kwarto ko.

Agad akong nahiga sa kama ko at mahigpit na niyakap ang aking unan.

Ewan ko, nakaupo lang naman ako pero feeling ko, pagod na pagod ako!

ipinikit ko ang mga mata ko at balak ko sanang matulog pero nabigla ako ng may yumakap sakin.

"Babs!"

"Ah-eh- nakakagulat ka naman." Agad akong kumawala sa yakap niya at tumayo sa pagkakahiga ko.

"Sorry, I didn't mean to shocked you, naglalambing lang. Lika na dito, cuddle tayo." sabi niya at pina-pat niya pa yung space sa tabi niya, hudyat na pinapahiga niya ako dun.

"Ah-eh! Mamaya nalang! kasi, ahmmmm.... kasi, nagugutom ako! Tama, tama nagugutom ako! Bababa muna ako, kakaen lang ako, ikaw? Baka gusto mong kumaen?" Palusot ko sa kanya, ohhh please sana po diyos ko! Lumusot siya!!!!

"Ah, okay! Go and eat., I'll take a nap nalang. Busog pa ako eh. Enjoy eating babs!" sabi niya at nakahinga ako ng maluwag.

Thank you Lord!

JIYONG'S POV

"Ayoko nito! Mainit!" Maktol ko sa designer. heller! Fashion Icon ako tapos ano? Papasuotin nyo ng mga baduy gaya ng mga to? Tss!

"Jiyong! Nakakabenteng palit ka na ah?!!!" Saway sakin ni Papa. Oo nakaka20 na nga ako! Eh kasalanan ko ba kung ayaw ko nun?

Nandito kami sa salas sa mansyon, habang sila Jiyah sa Garden. Nagkakasukatan na kasi ng Damit dito. Sunday na daw kasi yung pekeng kasal!

"Eh ang panget eh!" Sabi ko at nagwalk out.

Rinig ko pang tinawag ako ni Dad, pero ayoko. Nakakapagod dun, hindi naman matutuloy! Hahaha!

May dalawang linggo na ding nakakalipas simula nung nagpropose ako kay Dara.

At walang palya, lagi kaming nagkikita't nag-uusap.

Si Kiko? Ayun, binaon kona sa lupa, hahaha! Joke! Pumupunta siya dito sa mansyon pero hindi kosiya pinapansin

Wala akong panahon para kausapin o pansinin siya.

Enough topic na nga sa kanya at baka mamaya, mahawaan niya ng kapangitan tong araw ko eh!



Kasalukuyan akong nag aayos at aalis ako, ppunta ako kayla Dara, diba sabi ko naman sainyo, walang palya talaga ang pagkikita at paguusap namin. Hindi pa kasi ako mahawakan sa leeg ng Ama ko kasi, hindi pa tuluyang nakakasal si Jiyah.

----

Nandito na ako sa apartment nila Dara at nagtataka ako kung bakit nakabukas ang pinto, pero hinayaan ko lang at pumasok na ako.

"ANONG HINDI PWEDE?! BAKIT?!" Rinig kong sigaw ng isang babae, sa tingin ko galing sa sala yun. Sinong kaaway niya.

Nasa hall way palang kasi ako ng apartment kaya di ko pa sila kita, so naglakad ako patungong sala, pero habang naglalakad ako eh naririnig ko lahat ng pinagtatalunan nila.

"Juvy! Mahal ko si Jiyah! Siya lang at wala ng iba!" Rinig ko namang sagot ni Travis? Teka anong nangyayare? Bakit narinig ko pangalan ng kapatid ko?

nakikita ko na sila dahil nasa sala na din ako, pero sila busy sila sa pag aaway nila kaya di nila naramdaman ang presensya ko.

Sasabat na sana ako kaya lang napatigil ako dahil sa sigaw ni Juvy.

"BUNTIS AKO TRAVIS!!! AT IKAW ANG AMA! HINDI MO NAIINTINDIHAN YUN? MAGKAKAANAK NA TAYO!" sigaw ni Juvy.

Panandalian akong natulala sa narinig ko. At agad namang nagpantig ang tenga ko,

"HAYOP KA! TARANTADO KA!!!!" pagsugod ko kay Travis.

"T-teka yong! Magpapaliwanag ako!" Sabi niya habang nakahawak sa panga niya dahil nasuntok ko.

"Anong ipapaliwanag mo ha? Na niloloko mo kapatid ko? Tangina naman Travis! Alam mo kung gaano ka kamahal ng kapatid ko! Alam mo kung gaano siya nagtiis! Pero ano? Biglang ganito? Gumalaw ka ng ibang babae? Eh talaga nga namang hayop ka!!!!" Susuntukin ko ulit sana siya kaya lang biglang dumating si Dara.

"Anong nangyayare dito?" Sabi niya.

"Itong magaling mong kapatid nakabuntis! At niloloko niya lang pala yung kapatid ko!" Sagot ko kay Dara.

"What?!!!!! Is this true OWY!!!" Gulat at tanong ni Dara.

"Dara! I can explain. Okay?...... We were drunk, nung may mangyare samin, ni-hindi ko nga alam kung paano at bakit nangyare eh, basta I woke up, shocked because she's with me a-and naked. At one more thing, hindi ko niloloko ang kapatid mo! (I was referring to Jiyong) God knows how much I love Jiyah! Kaya ngayon! Hindi ko alam ang gagawin ko!" Paliwanag ni Travis at umiiyak naman yung Juvy.

"What is happening here?" Biglang sulpot at tanong ni











JIYAHHHH????!!!!"

____________________________________

A/n: ARAY! PAANO NA KAYA? PARANG KABABATI LANG NILA, PROBLEMA AGAD! AWTSUUUBELSUBELS!


VOTE.COMMENT.


THANKYOU!

-AUTHORJ-

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon