IC-66(SORRY)

877 34 11
                                    

JIYAH's POV

Nang sinabi ko ang mga kasinungalingan 'hindi ko na siya mahal' nakita ko ang reaksyon ng mga mata niya na lalong nagpadurog ng puso ko.

Patawarin mo ko Travis, kailangan kong gawin to. Mahal na mahal kita!

Dito ako dumiretso sa roof top ng office nung nagwalk out ako kanina kay Travis.

Umiiyak.

Umiiyak.

Umiiyak.

At umiiyak.

Minsan talaga akala mo, Okay na lahat. Yung wala ng magiging problema,

Pero hindi pala.

Hindi pala talaga ganun kadali ang buhay.

Hindi naman dapat kumukumplikado ang isang bagay kung walang haharang,

Pero malas ko, dahil nakatadhana na atang may humarang sa mga bagay bagay na gusto ko.

kaya ngayon, ito....

Napaka kumplikado.

Nung nakita ko ang mga malulungkot at may halong takot niyang mga mata, at nung narinig kong magmakaawa siya sa harapan ko,

Gustong gusto kong sabihin.

Gustong gusto kong isigaw kung gaano ko siya kamahal.

Pero hindi pwede!

"Ji?" Biglang sulpot ni kuya

Agad ko namang pinahid ang mga luha ko, saka humarap sa kanya.

"Paano mo nalamang andito ako?" Tanong ko sakanya at naglakad siya palapit sakin at sumandal sa ding ding habang diretso ang tingin sa mga ulap.

"Alam kong may problema, kilala kita. Kuya mo ko, pero bakit ngayon ka pa naglilihim sakin?" tanong niya muli.

patawad din kuya, pero kailangan ko tong gawin.

"walang problema kuya, hindi ko na mahal si Travis, narealized kong si Ej pa din pala." Diretsong sagot ko sa kanya at akmang tatalikod na ako ng bigla niya akong hawakan.

"Nagsisinungaling ka, alam ko. Kung totoong di mo na mahal si Travis, bakit ka umiiyak kanina?"

"Simple lang, kasi naaawa ako kay Travis dahil niloko ko siya. In short nakokonsensya ako. Dapat pala di ko siya pinaglaruan kasi mabuti siyang tao." sabi ko at bitaw kay kuya.

"Hindi na ikaw yung kapatid ko, kasi yung totoong Jiyah, hindi nagsisinungaling at higit sa lahat hindi kayang manloko ng lalake." malumanay nyang sabi at sabay tumalikod sakin.

Babagsak na naman ang mga luha ko,

"Then I guess, you don't know me well." sabi ko at bumagsak ang mga luha ko. Agad ko namang pinunasan to, dahil ayokong magpakitang mahina ako.

"Nakakatuwa, magkapatid nga tayo. tandang tanda ko pa yung ganitong sinaryo, yung akala mo niloko ko si Dara at galit na galit ka sakin," ngumisi siya at sabay hingang malalim. "Yung mga sinasabi ko sayo ngayon, ganitong ganito din exactly ang mga sinabi mo sakin dati." Patuloy nya at naglakad na palabas ng roof top, pero bago niya ako lagpasan nagsalita muli siya.

"Sabi mo pa nga sakin dati, kakausapin mo nalang ako pag bumalik na ang dating Kuya mo, yung kuya mong hindi manloloko at yung kuya mong hindi kayang manakit ng babae, well, I think this is now my turn.....

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon