IC-50

980 33 5
                                    

JIYAH's POV

nagising akong wala na sa tabi ko si Ej. 'Ang aga naman ata niyang magising?' Hmmm.

Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago lumabas ng kwarto.

Pagbaba ko nadatnan ko si Ej na nagpreprepare ng breakfast.

"Good Morning Wife." Bati nito sakin.

"Morning." Sabi ko at dumiretso sa ref at kumuha ng tubig at uminom ng isang baso.

"Come on sit, tamang tama lang paggising mo. Katatapos ko lang magluto." Sabi niya habang tinatanggal yung apron sa katawan niya at ako naman umupo na sa dining.

Hmm. Not bad. Bacon and egg! Yummy~

"I didn't know you knew how to cook?" Sabi ko habang ngumunguya nguya pa.

"When I was in the U.S natuto akong magluto kasi dun, walang buhay seniorito. Lahat ikaw gagawa." Paliwanag niya sakin habang humihigop higop pa ng kape.

"I see. Anyways, I'm going to the hospital again. I'm not asking for permission, I am just saying." Sabi ko sa kanya at tumayo na. What? Sa tingin niya ba okay na kami? Hindi noh! I am not yet moved on sa ginawa niya kagabi. Muntik muntikan na yun ah? Tss.

"I am coming with you." Tipid nitong sabi na kinalaglag ng panga at plato ko.

"Why?!!! May concerned ka na din ba kay Travis ngayon? Sa pagkakaalam ko kasi wala eh!" Sabi ko at bigla naman siyang tayo at lapit sa akin.

"Baka nakakalimutan mo? Kaya kong burahin sa mundo ang sino mang aagaw sayo mula sakin?" Sabi niya at nakikipagtitigan ako.

"For your info, kung meron mang nang agaw dito, ikaw yun hindi siya." Sabi ko at nilagpasan siya at tuluyan na akong umakyat sa taas.

***

Nandito na ako sa hospital at wala pa si Kuya at Dara. Tinext ko naman na si Kuya na wag na akong sunduin kasi nakaalis na ako. Nagmamatapang lang ako pero deep inside hindi ako matapang. Ayoko lang ipahalata kay kuya na ganito na pala yung nangyayare. Baka kasi ano pang mangyare, ayoko pa man din ng gulo.

"Hey, your spacing out! Ano iniisip mo?" Biglang tanong sakin ni Travis

"Nothing, I'm just happy kasi finally you and kuya are okay na." Maangan ko sa kanya, di ko naman pwede sabihing iniisip ko yung problema ko kay Ej, namuntik nya na akong magahasa kagabi.

"Ahh. Oo ngae. Isa nalang ang di naaayos." Biglang sabi niya na kinataka ko naman.

"Ha? Ano?" Sabi ko at nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"You and I." Patuloy niya at nakatitig pa din sa mga kamay naming magkahawak.

"....." hindi ako nakaimik sa sinabi niya

"Ji. Tayo nalang ulit. Ako nalang....ulit......please?" Sabi niya at kita ko sa mga mata niya ang sinseridad ng mga sinasabi niya.

Gustuhin ko man Travis, pero hindi pwede...

"Sorry." Yan lang ang tanging nasabi ko at kumalas sa hawak niya at lumabas ng kwarto.

Hindi ko napigilang umiyak. Ang sakit lang kasi, gusto ko pero hindi pwede. Kasi buhay nila ang nakataya pag pumayag ako.

Nakakagago maglaro ang tadhana.

Simpleng bagay pero nagiging kumplikado.

Bakit kasi hindi nalang pwedeng masaya lagi?!

Mahal kita Travis, patawarin mo ako.

***

Pag uwi ko ay nadatnan kong nasa Bar ng condo si Ej at nagiinom. Bigla akong nakaramdam ng kaba kasi ganitong ganito din yung eksena kagabi.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon