IC-41(JIYAH's PARTY)

975 32 2
                                    

JIYAH's POV

Ang bilis ng panahon. Dati-rati ito ang lagi kong inaantay na sumapit, lalo na nung kami pa, kasi gusto ko siya yung escort ko.

Pero ngayon, parang ayoko ng dumating tong araw na ito, kasi ito yung simula ng araw na makakasama ko sa iisang bahay si Ej.

Siguro dati, Oo, magiging masaya ako, yung mga panahong siya pa yung nandito sa puso ko.

Pero sino bang mag-aakala na darating ang panahong mababago at mapapalitan ang nilalaman nito?

Na nakakatawang isipin na, yung pumalit sa pwesto niya dito sa puso ko ay hindi pala siya ang makakasama ko hanggang huli, kundi yung una kong minahal.

Tila pinaglalaruan ako ng tadhana.

***

Nandito lang ako sa loob ng kotse, ang daming press sa labas. Ramdam ko ding madami ng tao sa loob.

Sumenyas na ang organizer na bababa na ako.

Pinagbuksan ako ng body guard namin at dahan dahang lumabas.

I am wearing a red heart shape gown at gold heels. [A/n: nasa media po yung mga gowns na susuotin niya, 1st pic yung sinasabi niyang red.]

Dahan dahan akong naglakad sa red carpet habang walang tigil na flashes ng camera ang sumalubong sa akin.

Ng makaapasok ako sa loob ay wala ng press, at medyo tahimik na dito. Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng nakasarang malaking pintuan.

"Ladies and gentlemen, let us all welcome the princess of the royal couple Ms. Jiyah Kwon" rinig kong sabi ng MC sa loob at as if on cue bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang napakadaming tao sa ibaba. Sa sinalubong ako ng napakadaming palakpak.

Dahan dahan ako naglakad pababa sa hagdanan at pagdating ko sa gitna ng hagdan ay sinalubong ako ni Kuya.

"Happy Birthday my baby girl!" Bati nito sakin at inialok niya ang braso niya at kumapit naman ako agad dun.

Dalawa na kami naglalakad papuntang stage.

Sa stage, may malaking upuan na parang pang queen ang design at may nakalagay na JIYAH @16 sa likod nito.

Nang makarating kami doon ay inalalayan ako ni kuya na makaupo ng maayos.

Nang makaupo na ako ay tinignan ko na ang mga taong bisita ko, nakita ko sila chacha, ryan at buong barkada sa iisang lamesa kasama na doon si.......Travis

Nakita ko din sa isang lamesa na nandun si Dara uunie, Minchin unnie, oppa harold, sol at dar.

Sa iisang long table, naman ay nandun sila Appa at Omma kasama si Oppa at si Ej. :(

"Ladies and Gentlemen, our celebrant Ms.Jiyah Kwon" sabi muli ng MC at ibinigay sakin ang mic at tumayo ako at sabay sabay namang umupo ang mga bisita.

"Thank you very much to all of you for coming and witnessing the 16th chapter of my life. Let us all have great night." Sabi ko lang at naupo.

"Okay, may we call on Mr.Jiyong Kwon the brother of the celebrant" patuloy nung MC at kita ko naman tumayo si kuya at umakyat dito sa stage.

"Good evening everyone. Hi Baby girl, gusto ko lang sabihin na salamat. Thank you for being my sister na kahit na nagkamali ako ay napatawad mo ako, bumitaw ka man noon pero yung pagbitaw mo ang naging batayan ko para magising sa katotohanan at para mas lalo ko pang kayanin ang mga pagsubok sa buhay. Dahil sayo, natuto ako. Nakakahiya mang sabihin na Oo, mas matanda ako sayo pero mas madami akong natutunan sayo. Thank you, and In return, I will always be here for you, at hinding hindi ko hahayaang masaktan ka ng kahit na sino. Happy birthday baby girl." Bati sa akin ni Kuya sabay yakap sakin at kiniss ako sa noo.

"Kahit kelan talaga ang drama mo" bulong ko sa kanya at tumawa kami pareho.

Bumaba na siya sa stage at bumalik na siya sa pwesto niya.

Nagsimula ang ang program para din tong debut, ang pinagkaibahan lang hanggang 16th lang.

Isa isa ng tinawag ang 16 candles.

Syempre unang una, yung bestfriend ko.

"For the 1st candle, Ms. Cha Cha Lin" tawag ng MC at kita ko namang tumayo si Chacha sa lamesa nila at pumunta dito.

"Bestyyyyyy!!!" Panimula niya ng mahawakan niya ang mic, grabe ang ingay talaga nito, dapat di na siya binigyan ng mic e.

"Happy Birthday Best, kahit nagtatampo ako sayo kasi, hindi ko na alam mga happenings mo sa buhay like yung break up nyo ni Travis and what so ever-----

Napatigil naman siya ng sinamaan ko siya ng tingin. Baliw to, ibroadcast daw ba?

"Ayy sorry, ayun basta mahal pa din kita at ikaw lang ang nagiisang bestfriend kong matalino, maganda at ubod ng yaman! Sabi nga sa kanta ni Daniel Padilla, NASAYO NA ANG LAHAT! happy birthday ulit." sabi niya at niyakap ako at bumaba na ng stage.
.
.
.
.
.
.
.
Natapos ng tawagin yung iba at last na.

"Our last candle, may we call on Ms.Dara Park" sabi nung MC at nakita kong nagulat si unnie. Tumayo na siya at naglakad na papunta dito sa stage.

"Hi Ji. Happy birthday, I didn't expect this, hmmm anyway I just wanted to say thank you, thank you kasi never mo kong iniwan nung mga panahong down na down ako. Salamat sa pag aalaga at pagmamahal. Because of you, nagkaroon ako ng babaeng kapatid. Alam kong ikaw naman ang down ngayon, gusto ko lang malaman mo na nandito lang din ako for you, as your friend o ate pa. Basta kung kailangan mo ako handa akong makinig o tumulong. Happy Birthday." Bati niya at katulad ng iba ay yumakap sakin.

"Thank you Ms.Dara Park. And now, let us all have our dinner first and later on the 16th roses." Muling sabi nung MC at nakita kong tumayo si Ej at Kuya pero sinenyasan siya ni Appa kaya si Ej ang pumunta sa akin.

Inescortan ako ni Ej hanggang makarating kami sa table kung saan andun sila appa.

____________________________________

A/N: May Part 2 pa to guys! Kapit lang kayooooo! :)

Vote and Comment.

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon