IC-38(I Agree)

941 26 5
                                    

JIYAH's POV

HAYOP SIYA! HAYOP! PAANO NIYA NAGAWA SAKIN TO! HAYOP SIYA! WALA SIYANG KASING SAMA! TAMA SI KUYA! LOLOKOHIN NIYA LANG AKO!

Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko matanggap yung ginawa ni Travis sakin. Tangina! Ang sakit! Ang sakit sakit!

Nilabanan ko sarili kong kapatid para sa kanya, nasasagot sagot ko mga magulang ko para lang ipaglaban yung akala kong meron kami! Pero tama sila! Manloloko talaga siya. Sana nung una palang nakinig na ako kay Kuya para hindi ako nasasaktan ng ganito.

"Ji?" Tawag sakin ni Kuya ng makita niya akong iyak ng iyak. Nandito ako sa dati naming condo. Hindi niya pa naman pinapalitan ang passcode kaya nakapasok ako.

Niyakap ko siya. "Ku-ya ang sa-kit!" Patuloy na bumabagsak ang mga luha sa mga mata ko.

"Baby why? What happened?" Tanong niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

Iyak ako ng iyak! Hindi ko talaga matanggap! Ang sakit!

"Come on, you can tell me. I'm still your oppa diba?" Tanong niya muli at hinawakan ang baba ko at iniangat niya para magtama ang mga mata namin.

Pinupunasan niya mga luha ko. Habang ako ay patuloy sa paghikbi.

"Alam mo namang ayaw na ayaw kong makikita yung baby girl ko na umiiyak diba?" Tumango ako bilang pagsagot.

Katahimikan ang bumabalot sa unit, nakayakap lang ako kay Kuya at ganun din siya.

"Oppa, mianhe. *sob* sorry, sorry sorry! Dapat *sob* una palang *sob* nakinig na ako sayo, para di na ako nasasaktan ng ganito..... Oppa, tama ka.... manloloko siya. Niloko niya ako." Sabi ko at halatang nagulat siya. Nakita ko pa ang kamay na tumiklop at nanggigigil.

"Anong nangyare?!" Madiin niyang tanong.

"Op-pa, na-hu-li ko siya, na may ba-ba-e. Kki-tang kita ng da-lawang ma-ta ko!" Umiiyak na paliwanag ko sa kanya.

"Hussh! Tama na. Atleast ngayon alam mo na kung sino talaga siya. Dumarating talaga ang araw na kahit sobra mo pa siyang mahal, kung alam mong ganun talaga siya ay mapapakawalan mo nalang ng wala sa oras." Makahulugang niyang sabi.

"Paano mo nagawang labanan yung feelings mo para kay Dara Unnie nung mga panahong nalaman mo na kung sino talaga sila?" Tanong ko sa kanya at nakita kong tumulo ang luha sa isa niyang mata.

Ngumiti siya sakin.

"Dalawa lang yan, takot na iwanan o takot malamang niloko ka. Mas nanaig yung takot ko na malamang pwede niya akong lokohin kaya kahit masakit at labag sa kalooban ko, ako na yung nang iwan atleast hindi ko na naranasan na maloko ako at hindi din ako naiwan." Sagot niya sakin at pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi niya.

"Mahal mo pa din siya noh?" Tanong ko sa kanya

"Mahal na mahal Ji. Mahal na mahal. Pero wala akong magawa. Mahirap kalaban ang tadhana e." Hindi niya na pigilan at umiyak na din siya.

"Alam mo kuya, nakakainis ka. Ako itong nagddrama eh moment ko kaya to. Nakakaloka ka! Hahaha!"pang aasar ko sa kanya. Ayaw ko kasing nakikita siyang umiiyak, okay na na ako yung umiyak wag lang siya. Ang panget niya eh haha joke.

"Sorry. Edi sayo na. Hindi ko naman inaangkin tong moment mo. Haha!"

Nagtawanan na lang kami.

"Much better." Simpleng sabi niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Okay tong nagtatawanan tayo kesa nagiiyakan." Dagdag niya pa.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now