IC-57(PARIS)

995 33 3
                                    

A/n: guys! Pray for the country of love Paris. Hayys kelan kaya magkakaroon ng PEACE ang earth? Keep safe guys! Ah?

Anyways. Pasensya na dahil, hindi ako nakakapagupdate. Medyo lumalove life si author ngayon eh! Hahaha!

Pasensya na po! :))))

____________________________________

JIYONG's POV

"Ano Jiyah? Na-contact mo na ba yung iba na mag-PAPARIS na tayo?" Tanong ko kay Ji, habang nagiimpake kami.

"Yes kuya, and sa airport nalang daw tayo magkita lahat." Sagot niya sakin.

Tapos na kami mag-impake at inaantay nalang namin sila Dara. Para sabay sabay na kami.

Mga tig dalawang maleta kami ni Jiyah tapos tig isang malaking bag at tig isa ding back packs. Magastos kami sa damit. Kaya pag mag oout of the country kami, bitbit namin ang buhay namin. Para ke ano pa na naging Fashion Icon kaming dalawa diba?

*ding dong*

Ayan na ata sila.

"Jiyah, ikaw na magbukas at may nakalimutan ako sa taas." Utos ko sa kanya at umakyat na ako sa taas.

JIYAH's POV

"HO-----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng madismaya ako sa nakita ko. Sana pala chineck ko muna sa screen kung sino bago ko inopen. -_____-

"Hi! :) Kuya mo?" Tanong niya.

"We're not close. Hmm he's not here! Go home, you are not welcome here. Bye!" Akmang isasara ko na kaya lang ang lakad niya at napigilan niya ako. Tapos dirediretso siyang pumasok.

"Yah! Kiko! You are not welcome here!" Patuloy ko pa din.

"Hmmm. Where are you guys going?!" Tanong niya ng makita niya yung mga maleta namin.

"None of your business!!!" Biglang sulpot ni Kuya from somewhere.

"Oh, Hi there babe!" Sabi nito at lumapit agad kay Kuya.

"Babe mo muka mo!" Sagot naman ni Kuya at akmang kakapit si kiko sa braso ni kuya pero mabilis na nakaiwas si kuya. Ninja moves eh!

"Ohh. Owwkay! By the way where are you going?" Tanong nito muli.

"Wala kang pake. Pwede ba? Umalis ka na kasi, pag hindi pa ako nakapagtimpi baka makalbo kita!" No pise kong sabi.

"Easy darling! Hahaha! Dito na ako titira kasama nyong dalawa. Isn't it exciting?" Nangaasar niyang sabi, nakapagpanganga samin ni Kuya.

"No!" Sabay namin sabi ni Kuya.

"Uh-uh! I got your Father's permission, and besides engaged na naman tayo so, wala naman ng masama siguro." Sabi niya pa.

"Excuse me lang ha?, hindi ka ba nakakaramdam na ayaw namin sayo? Kanina ka pa namin pinagtatabuyan oh! Manhid lang teh?" Sabi ko sa kanya. Totoo naman eh, hindi ba siya nakakahalata? Saka kahit anong gawin namin kalmado pa din siya at hindi naiinis. Pinagpipilitan niya talaga yung gusto niya.

"Oh. Masiado kasi akong mabait, hahaha! So, wait lang ah? Pasok ko lang mga gamit ko." Sabi niya at naglakad sa may pintuan.

Sakto namang bukas niya eh, andun si Dara unnie. Hahaha yari ka ngayon!

It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon