IC-31(Desperate Fish!)

977 28 3
                                    

JIYAH's POV

Pagkalabas na pagkalabas ko ng office ni Appa sa mansyon ay agad ako tumakbo kung saan naroroon ang kotse ko pero bago pa man din ako makasakay ay napigilan ako ni Jiyong.

"Jiyah, we need to talk." Parang nagmamakaawang sabi niya. Grabe ganun na ba kami katagal hindi nagkita at parang hindi na talaga siya ang kuya ko? Ang payat nya na, yung dating malusog niyang cheeks ay lubog na at kitang kita mong napakalaki na ng eyebags niya.

"Wala tayong dapat pag-usapan!" Pagmamatigas ko. Hindi naman ako ganito kasama pero heller! Kung may galit siya kay Dara ay dapat labas na kami ni Travis doon at wala siyang karapatan para panghimasukan pa ang buhay pag ibig ko! To the point na kailangan talaga gumawa siya ng arrange marriage na yan para mapaghiwalay lang kami ni Travis? NO WAYYYYY! hindi na ako bata para utuin!

"Madami tayong paguusapan Ji." Patuloy niya at patuloy pa din ako sa pagmamatigas ko.

"Pwede ba? Ha? Tantanan mo ako, bago ko tuluyang makalimutang kadugo kita!" Sabi ko sa kanya at sabay pasok sa kotse kong hummer at pinaharurot ito.

***

Habang nagmamaneho ako pauwi ay di ko mapigilan ang magisip! Hanggang ngayon, gulong gulo pa din ako!

Ano bang nangyayare?

Bakit ganun nalang si Kuya?

Bakit nagbago siya?

Bakit ganun ganun nalang kung iwanan niya si Dara unnie?

Bakit pati kami ni Travis kailangan madamay?

Bakit kailangan ko pang magpakasal sa iba?

Naiiyak na ako sa dami ng tanong sa utak ko. Ayokong tanungin si Kuya kasi natatakot akong baka mas lalo ko pa siyang kamuhian at baka nga makalimutan kong kadugo ko siya.

Hindi na napigilan ng mga luha ko at bumagsak na ito ng kusa mula sa mga mata ko.

Bakit?

------------------------------------------------------

DARA's POV

Nandito ako ngayon sa elevator at pababa ako sa parking lot, pupunta ako sa supermarket at maggrocery ako. Tulog si Travis at Michael sa unit kaya nakatakas ako. Ayoko naman kasi ng hindi nagkikikilos pakiramdam ko lumpo ako eh!

Naglalakad na ako patungong kotse ko ng may tumawag saking hindi pamilyar na boses.

"HOY DARA!!!" sigaw nito na nakakuha ng attensyon ko kaya ako napalingon agad.

"Hmm? Do I know you?" Tanong ko dito. Kilala ko siya pero ayokong ipaalam na kilala ko talaga siya at baka mamaya masabihan pa akong stalker niya eh.

"Tss. Hindi mo talaga ako kilala? Unbelievable! Well, let me introduce myself! My name is Kiko Mizuhara ang girlfriend ni Jiyong ngayon!" Mataray niyang sabi at tila nagpantig ang tenga ko ng marinig ang huling linyang binitawan niya, kumabog ng malakas ang puso ko, at parang nawasak ng marinig ko yun.

"And so?" Bored kong sabi, ayokong magpakitang mahina sa kanya.

"So? Wtf! Wag na tayong maggaguhan dito! Alam kong mahal mo pa si Jiyong! And I'll get straight to the point I will pay for your new condo, lumipat lang kayo ng ibang building! Ayokong nagkakasalubong pa kayo ni Jiyong ko!" Mataray niya ulit na sabj habang nagsisindi ng sigarilyo.

"Excuse me, bago kami nagkakilala ni Jiyong, bago kami naging magkasintahan, at bago ka dumating sa buhay niya ay nabili na namin ang unit dito, kaya kung ayaw mong nagkakasalubong kami ng boyfriend mo bakit kaya hindi kayo ang lumipat sa ibang building? Tutal madaming pag aaring condo ang mga Kwon! wag ako ang pinepeste mo nananahimik ako! Kung naiinsecure ka sakin hindi ko na problemang maganda talaga ako at kung ikukumpara sayo? Huh! Baka kahit dulo ng daliri ko hindi ka lumamang!" Akmang aalis na ako ng bigla niyang hablutin ang buhok ko at pinagsasabunot yun.

"Walang hiya ka!!!!" Sabi nito at nakahawak pa din ang isang kamay sa buhok ko at ang isa naman niyang kamay ay sa sigarilyo niya.

"Ahhh! Bitawan mo ako!" Sigaw ko at pinipilit kong magpumiglas pero malakas siya.

"Ito ang tatandaan mo! Akin lang si Jiyong!!! Hindi ko na hahayaan pang mapunta pa ulit siya sayo!" Sabi nito at pinaso ang kamay ko ng sigarilyo nya at mas lalo akong sinabunutan.

"Ahhhhh! Tama na! Bitawan mo ko!" Sabi ko at naiiyak na sa sakit.

Patuloy pa din siya sa pagsabunot sakin habang ako ay napapangiwi sa sakit na nararamdaman sinipa ko siya natamaan ko siya kaya medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko at nakaalis ako.

Tumakbo ako, pero nahabol niya ako at hinablot ulit ang buhok ko at binalibag ako sa sahig.

Pinag-sisisipa niya ako

Tadyak.

Suntok.

Sabunot.

"T-ama n-na K-kiko!" Pagmakaawa ko.

Pero para siyang binge na walang naririnig at patuloy sa ginagawa niya sakin.

Iyak na ako ng iyak sa sakit.

Tatayo na sana ako pero natigilan ako ng may makita akong dugo sa pagitan ko.

Pati siya napatigil.....



"DARA!!!!" sigaw ng isang pamilyar na boses at kumaripas ng takbo papalapit sakin pero bago siya tuluyang makalapit sakin ay nawalan na ako ng malay.

------------------------------------------------------

A/n: Aww yung baby! Potapeteng peterpan!

Ano kaya ang mangyayare?

Sino yung sumigaw?

Malalaman na kaya ni Jiyong?

ABANGAN!

Abangan ang susunod na kabanata.

Vote and Comment.

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now