Chapter Five

3.2K 210 26
                                    

BUMILIS bigla ang pagtibok ng puso ni Emong. Tumalikod siya sa bintana at tila baliw na kilig na kilig sa paanyaya ni Altaire.

"Aayyyy! Pinapupunta niya ako sa kanila. Alam na this! Crush talaga ako ng Altaire na 'to." kinikilig na sabi ni Emong. Imagine, nung unang araw pa lang niya rito, ilang beses na niya akong nginitian. Hindi pa kami magkakilala nu'n. Tapos ngayon, sinenyasan niya ako para pumunta sa kanila. Hmm... anong akala niya sa akin easy to get? Dalagang probinsiyana ito, oy! Paghirapan niya kung gusto niya ako."

Muling dumungaw sa bintana si Emong pero hindi na niya nakita roon si Altaire.

"Ha? Nasaan na siya? Umalis na agad? Nakakainis naman!" nagmamaktol na sabi ni Emong. Hindi niya inaasahan na biglang aalis ang guwapong binata. "Sayang naman. Pagkakataon na sana para magkausap kami." Nalungkot si Emong sa panghihinayang. Pero bigla ring nagliwanang ang kanyang mukha. "Tama! Pupuntahan ko siya sa bahay nila. Pinapupunta naman niya ako, 'di ba?"

Mabilis na lumabas sa silid niya si Emong at patakbong tinungo ang pintuan ng bahay nila. Nadaanan pa niya si Aling Rosita sa salas.

"O, saan ka pupunta?" tanong ng ina ni Emong.

"Dito lang ako sa labas, 'nay! Babalik din po ako kaagad." Tuluy-tuloy na lumabas ng pinto si Emong.

Napailing na lang si Aling Rosita. "Batang ito, bumalik ka agad at maghahapunan na tayo!"

Hindi na sumagot si Emong. Mabilis nitong narating ang gate ng bahay ng mga Torres at agad siyang nag-doorbell. Hindi naman nagtagal at may nagbukas ng gate.

Nanlaki ang mga mata ni Emong. Nasa harapan niya ngayon si Altaire na guwapong-guwapo sa suot nitong puting sando at pambahay na shorts. Litaw na litaw ang mahahabang hita ng binata.

Napalunok si Emong. Grabe! Parang diyos sa Mt. Olympus ang lalaking ito. Napakaguwapo! At ang katawan, siyet na malagkit! Nakaka-wet!!!

"Pasok ka," ang cute ng pagkakangiti ni Altaire.

Nagtatanong ang mga mata ni Emong. Hindi pa rin siya makapaniwalang inaanyayahan siya ni Altaire na pumasok sa loob ng bahay. "Sigurado ka?"

Natawa ang binatang seminarista. "Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro lang?"

"Ha? A-e, h-hindi naman." Diyos ko! Kelan pa ba ako naging utal? Bakit ganito ang nararamdaman ko gayong kaharap ko lang naman ang guwapong-guwapo lalaking ito?

"Halika na, tikman mo 'yung nilutong biko ni Aling Nida kanina." Si Aling Nida ang caretaker ng bahay ng mga Torres. Dinadalaw nito ang bahay tuwing umaga, tapos ay umuuwi na rin kaagad pagkatapos maglinis ng bakuran at ng buong kabahayan.

Pumasok na si Emong at sinundan sa paglalakad si Altaire.

"Maraming nilutong biko si Aling Nida kaya pinauwi ko na sa kanya 'yung iba. Pero may natira pa riyan." Nagkuwento na si Altaire habang papasok sila sa bahay.

Namangha si Emong pagpasok sa loob ng bahay. Hindi niya inaasahan na ang tila lumang bahay sa harapan ng bahay nila ay napakaganda pala sa loob. Lutang na lutang ang estado ng pamumuhay ng may-ari nito. Mula sa mga gamit na makikita sa loob hanggang sa interior design ng bahay ay hindi maikakailang may sinasabi sa buhay ang pamilya ni Altaire.

"Magtatagal ka ba rito?" biglang naitanong ni Emong.

"Isang buwan lang. Babalik din ako agad sa Maynila pagkatapos ng isang buwan," sagot ni Altaire habang kinukuha sa ref ang biko. Naglagay siya ng dalawang hiwa nito sa platito.

Emong AlembongWhere stories live. Discover now