Chapter Seventeen

1.7K 124 13
                                    

KASALUKUYANG NASA isang bar sina Grace at Altaire. Napagkasunduan nilang gumimik pagkatapos nilang manood ng sine at gumala sa mall kanina. Ayaw na sanang pumayag ni Altaire na mag-bar pa sila pero mapilit si Grace kaya wala na rin siyang nagawa. Naisip niya, minsan lang naman ito, baka hindi na nga maulit kapag naging pari na siya.

Mausok at maingay sa bar. Kaliwa't kanan ang mga naglalakad na customers na tila mga kandidatong bawat mesa ay pinupuntahan at nakikipagtsikahan sa mga kostumer. Sina Altaire at Grace ay nasa isang sulok lang ng bar at ineenjoy ang kumakanta sa stage. Sa malas ay mukhang lasing na ang babae.

"Hindi pa ba tayo uuwi? You're already drunk," paalala niya sa ex-girlfriend.

"Maaga pa. Ubusin muna natin ito. Konti na lang naman, eh." Beer lang naman ang iniinom nila at may apat na bote pa sa mesa.

"Wala ka bang pasok sa trabaho bukas? You should not stay this late sa labas."

"Wala akong pasok, naka-VL ako. Kaya don't worry. Let's party!" Hindi na maikakailang tinamaan na talaga si Grace. Halatang lasing na ito kung pagbabasehan ang kilos at pananalita. Namumungay na rin ang mga mata nito na para bang ano mang oras ay handa nang matulog.

Tumayo si Altaire.

"Where are you going?"

"I'll just go to the men's room."

"Okay, bumalik ka agad." Tinanaw pa niya ang papalayong lalaki.

Nang mawala na sa paningin niya si Altaire ay agad na itinapon ni Grace ang kanyang iniinom. Hindi naman talaga siya lasing. Pangalawang bote pa lang ang iniinom niya at alam niyang hindi siya malalasing sa dalawang bote lang dahil mataas ang alcohol tolerance niya.

Ilang sandali lang ay bumalik na si Altaire.
"Ubusin mo na ang beer mo. May tig-dalawang bote pa tayo. Hindi tayo uuwi hanggang hindi natin nauubos 'to," tonong lasing pa rin si Grace. Hindi talaga iisipin ni Altaire na hindi naman pala talaga ito lasing.

Tinungga ni Altaire ang beer. Ubos!

Lihim na napangiti si Grace. "Next bottle!" Inabot niya kay Altaire ang isa pang bote ng inumin. Tinanggap naman ito ng binata. "Ubusin mo na lang kaya itong apat na bote para makauwi na tayo," sabi ni Grace kay Altaire.

"Hindi naman natin kailangang ubusin ito kung hindi na natin kaya. Hindi ako puwedeng malasing. Magdra-drive pa ako pauwi. Ihahatid pa kita sa inyo. Kaya nga niyayaya na kitang umuwi kasi lasing ka na."

"Okay, sige tig-isang bote na lang tapos aalis na tayo." Isang malanding kindat ang ibinigay niya kay Altaire kasabay no'n ay binasa niya ang kanyang labi gamit ang kanyang dila.

Napalunok si Altaire sa ginawa ng dating kasintahan. Naaalala niya, ganoon ang ginagawa ni Grace kapag inaakit siya nito noong girlfriend pa niya ito. At nakakaramdam siya ng ibang init ng katawan sa tuwing ginagawa iyon ni Grace.

"O, bakit natitigilan ka diyan? Nakatitig ka pa sa akin. Siguro nagsisisi ka nang iniwan mo ako para pumasok sa seminaryo." Kung pakikinggan si Grace ay plakadong-plakado nito ang pagsasalitang tila lasing.

"Lasing ka na talaga. Halika ka na, ihahatid na kita." Umakma siyang tatayo pero sinaway siya ng babae.

"Huwag! Ubusin mo muna ang beer mo. Kahit isang bote na lang. Iinom pa rin ako, eh."

"Hindi na. Lasing ka na, Grace. Iuuwi na kita." Sinenyasan niya ang isang waiter na agad namang lumapit sa kanila.

"Bill out, sir?"

"Yes." Hindi na niya tinanong kung magkano ang bill. Naglabas ng pera si Altaire at iniabot sa waiter. "Keep the change."

"Thank you, sir!"

"Halika na," yaya niya kay Grace. Walang nagawa ang babae kundi sumunod dahil mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanang braso nito.

Sumakay sila sa kotse ni Altaire. Mabilis niyang pinatakbo ang kotse papunta sa condo unit ni Grace.

Hinatid niya si Grace hanggang sa loob ng unit nito.

"Thanks for a very wonderful time with you," malambing na sabi ni Grace habang ang dalawang kamay nito ay nakapulupot sa leeg ni Altaire.

Inalis ni Altaire ang mga kamay ni Grace sa kanyang leeg. "Matulog ka na. Naparami yata ang nainom mo. You need to rest."

"Ayoko pang matulog..."

"Then I need to go. It's already late. Kailangan ko nang umuwi," giit niya.

"Wait. Why don't you have a cup of coffee before you go home? So you would stay awake while on the road." Pinapungay pa ni Grace ang mga mata tapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Okay, sige..."

"Sit down and relax. Ipagtitimpla lang kita ng masarap na kape. Iyong masarap na masarap, hindi mo makakalimutan ang lasa." Tinapik pa nito ang pisngi ni Altaire bago nagtungo sa kitchen.

Kinuha ni Grace sa kanyang bulsa ang isang uri ng powder na gamot at inihalo iyon sa kape ng binata. Siniguro niyang walang bakas ng gamot ang kape bago niya ito iniabot kay Altaire.

"Here, inumin mo na habang mainit." Inilapag niya sa center table ang tasang may kape. Kinuha iyon ni Altaire at tinikman. Pagkatapos ay unti-unting hinigop hanggang sa maubos.

"Masarap, 'di ba?" Nagdiriwang ang kalooban ni Grace. Tagumpay ang plano!

"Thanks for the coffee, Grace. Uuwi na ako." Nakaramdam siya ng pamimigat ng mga mata. Inaantok na siya. Tumayo siya ngunit kasabay niyon ay nangalog ang kanyang tuhod. Kaya muli siyang umupo.

"Altaire, are you okay?" Kunwa'y nag-aalalang tanong ni Grace.

Hindi na nakasagot si Altaire dahil napasubsob na ang mukha nito sa sofa at tuluyan nang nakatulog.

Sinikap ni Grace na dalhin sa kuwarto si Altaire. Nang maihiga niya ang binata ay hinubaran niya ito nang suot. Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa nakalatag na kahubdan nito. At saka siya tumayo para i-lock ang pinto at patayin ang ilaw. Sa gitna ng dilim ay hinubad ni Grace ang lahat ng kanyang suot at saka tumabi kay Altaire.

NILALAMOK NA si Emong na nag-aabang sa pag-uwi ni Altaire. Tulog na ang lahat ng tao sa bahay ng mga Torres pero heto siya at mulat na mulat ang mga mata habang naghihintay sa pagdating ng lalaking kanyang pinapangarap. Kanina nga ay pumasok na siya sa kuwarto para matulog, pero bumangon siyang muli at nagpasyang hintayin si Altaire. Pero saan na ba nagpunta ang dalawang iyon at hindi pa rin umuuwi si Altaire?

Nakaramdam ng antok si Emong. Hindi na niya kayang pigilan ang antok niya, kaya bigo siyang bumalik sa silid para matulog.

TIRIK NA ang araw nang magising si Altaire. Agad niyang napansin na nasa ibang silid siya. At katabi niya sa kama si Grace.

Napabalikwas nang bangon si Altaire. Bakit hubo't hubad sila ni Grace na magkatabi sa kama?

May nangyari ba sa kanila?

Hindi.

Hindi puwedeng mangyari ang iniisip niya!

Emong AlembongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon