Chapter Nineteen

1.8K 122 9
                                    

"HINDI TALAGA. Hindi siya papatulan ni Altaire," kampanteng sabi ni Aldrin.

"Iyan ang gusto ko sa'yo, eh. Ang lakas ng fighting spirit mo. Kaya nga bini-build up kita kay bespren Emong. Mas gusto kita para sa kanya kaysa kay Altaire. Naniniwala rin kasi ako na hindi papatol sa kanya 'yon. Sa babae nga hindi makikipagrelasyon si Altaire kasi nga magpapari. Sa bading pa kaya?" pag-aanalisa pa ni Maya. "Ewan ko ba naman kasi kay bespren, alam na nga niyang seminarista iyon pero tuloy pa rin siya sa gusto niya."

"Basta ako, chill lang. Kung ayaw niya sa akin, puwede naman kaming maging magkaibigan na lang."

"Hindi mo ipaglalaban ang pag-ibig mo sa kanya? Akala ko ba mahal mo siya?"

"Maya, minsan ang pagsuko ay katumbas din ng pagwawagi. Kasi kung susuko ka, maaari kang sumubok ng ibang bagay at gumawa ng ibang dapat gawin. Accepting defeat and moving on to start a new beginning..." seryosong pahayag ni Aldrin.

"Ano raw? Nosebleed, Aldrin! Nosebleed!" Umarte pa si Maya ng parang nagdurugo ang ilong. "Saan mo ba pinagkukuha 'yan? Epekto ba 'yan ng pagmamahal mo sa bespren ko?"

Napailing lang ang binatilyo. "Wala naman akong magagawa kung ayaw sa akin ni Emong. Kaya makuntento na lang ako na maging kaibigan ko siya."

"Ang bilis mo namang sumuko. Akala ko ba kampante kang 'di siya papansinin ni Altaire?"

"Oo, pero kahit hindi maging sila ni Altaire kung ayaw rin sa akin ni Emong, hindi rin magiging kami." Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri tapos ay huminga nang malalim. "Tama na nga ang usapang ito, baka maiyak na ako."

NAOBSERBAHAN ni Emong ang pagiging tahimik ni Altaire mula noong araw na nag-usap sila sa kuwarto niya. Hindi naman iyong tipong tahimik na halos hindi na nagsasalita. Para lang may nabago sa ugali ng binata. Kung dati ay lagi itong masaya at nakikipagbiruan, ngayon naman ay madalas itong seryoso at nagkukulong lang sa kuwarto. Hindi na nga rin sila nagkakausap nang madalas. Hindi tulad ng dati na close sila at madalas na nagtatawanan.

Pati ang nanay Rosita niya ay napansin din ang pagbabago sa ugali ni Altaire. Akala nga ng nanay niya ay magkagalit sila ng binata. Inisip nito na baka sumobra na siya sa pakikipagharutan dito at baka raw na-offend na niya ang binatang amo. Paanong mangyayari iyon eh, halos hindi na nga siya nakakapasok sa kuwarto nito dahil lagi na lang naka-lock. Hindi rin ito nagbubukas ng pinto sa tuwing tinatawag niya para kumain. Hindi rin ito kumakain sa oras. Lumalabas lang ito para kumain kapag nakaramdam na ng gutom.

HINDI PA rin mawala sa isip ni Altaire ang nangyari sa kanila ni Grace. Sobrang guilt ang kanyang nararamdaman. Karapat-dapat pa ba siyang bumalik sa seminaryo kung ganitong nadumihan na niya ang kanyang pagkatao? Nandito siya sa labas ng seminaryo para subukang lumayo sa lahat ng tukso. At hindi siya nakapasa. Naging mahina siya. Hindi na siya karapat-dapat sa bokasyon ng pagpapari. At nagdadalawang-isip na siya ngayon kung babalik pa ba siya sa seminaryo o hindi.

Mahal na mahal niya si Grace... noon. Iniyakan pa nga niya ang pakikipag-break dito. Pero ngayon, kung meron man siyang ipinagpapasalamat, iyon ay ang hindi na pagpaparamdam ni Grace pagkatapos ng nangyari sa kanila. Hindi na ulit ito tumawag o nag-text man lang sa kanya. Mahigit isang buwan na mula noong lumabas sila. Wala na siyang balita sa ex-girlfriend. Hindi rin naman siya nag-effort na tawagan ito para kumustahin man lang. Pero mabuti na rin ang ganoon. Para sa kanya, awkward na ang makasama niya palagi si Grace.

MASAYA SI Emong nang makatanggap ng text message mula kay Maya. Isang linggo na ang nakararaan mula nang ibili siya ng nanay niya ng isang mumurahing celfone mula sa suweldo nito sa unang buwan ng pagtatrabaho sa pamilya Torres. Naalala pa niya nang unang beses niyang i-text si Maya, tuwang-tuwa ang bespren niya dahil sa wakas ay may cellphone na siya. Sabi nito, makakapag-usap na sila nang madalas, sa text man o sa facebook.

Binasa niya ang mensahe ng matalik na kaibigan. "Bespren, luluwas kami ni Aldrin sa Sabado! Pupuntahan ka ba namin o magkikita na lang tayo sa mall?"

Hindi maitago ang tuwa ni Emong. Agad siyang sumagot sa mensahe ni Maya. "Sa mall na lang, para puwede tayong gumala. Excited na ako, bespren. Sana Sabado na."

Maya: Sige, sige text na lang kita ulit kung saan tayo magkikita at anong oras.

Emong: Teka, bespren! Mabuti pinayagan kang lumuwas.

Maya: Sinabi kong kasama ko si Aldrin. At saka 'yung tatay ni Aldrin kasama rin namin.

Emong: Ha? Bakit kasama n'yo si Mang Celso?

Maya: Ay! Hindi ko pa pala nasabi sa'yo. Diyan na kasi siya madedestino. Kaya pinakiusapan ni Aldrin na ihahatid niya ang tatay niya sa titirhan nito.

Emong: Ah, ganoon ba? Sige, bespren basta i-text mo lang ako. See you soon! Excited na talaga ako, sobra!"

Maya: Excited ka ba dahil magkikita tayo o dahil makikita mo na ulit si Aldrin?

Emong: Tse! Don't say bad words. Alam mo namang allergic ako sa kanya.

Maya: Naku, ha? Sinasabi mo 'yan ngayon. Baka kapag nakita mo si Aldrin, kainin mo lahat ng sinabi mo.

Na-curious siya.

Emong: Bakit? Anong meron?

Maya: Malalaman mo sa Sabado, bespren.

"Ano kaya 'yon?" bulong niya sa sarili. "Baka nagpa-plastic surgery si Aldrin para maging kamukha ni Altaire." Siya rin ang natawa sa kalokohang naisip niya. Kahit maging kahawig pa ni Aldrin si Altaire, kay Altaire pa rin siya. Nothing beats the original, ika nga. Bakit siya magse-settle sa piniratang Altaire kung meron namang authentic at real na real?

Pinuntahan niya sa kusina ang ina.

"Nay, may pupuntahan po ako sa Sabado, ha?" paalam niya kay Aling Rosita.

"Saan ang punta mo?" sagot-tanong ng matandang babae na abala sa niluluto niyang ulam. Hindi man lang nga nito nilingon ang anak. Tuloy lang ito sa paghahalo ng putaheng nasa kaldero.

"Luluwas po kasi sina Maya at Aldrin. Magkikita po kami sa mall. Sige na, 'nay. Pumayag ka na po. Isipin mo naman bumiyahe pa sila nang malayo para lang puntahan ako."

Pinatay ni Aling Rosita ang kalan at hinarap ang anak. "Sige, papayagan kita basta siguruhin mong mag-iingat kayo at uuwi ka rin kaagad.

"Aling Rosita, luto na po ba ang ulam? Kakain na po sana ako..."

Pakiramdam ni Emong ay pumitlag ang kanyang puso nang marinig ang boses ni Altaire. Agad siyang lumingon sa kanyang likuran para makita ang binatang lagi na lang nagpapabilis sa tibok ng kanyang puso.

Halos nanibago siya sa itsura ni Altaire. Magulo ang buhok na para bang kagigising lang. May manipis na rin itong balbas at bigote dahil sa ilang araw na hindi pag-aahit. Pero isa lang ang nakumpirma ni Emong, ang guwapo-guwapo pa rin ni Altaire at kinikilig pa rin siya makita lang ang lalaking ito.

Emong AlembongWhere stories live. Discover now