Chapter Twenty-eight

1.8K 120 3
                                    

HINDI makapaniwala si Altaire sa sinabi ng doktor. "Sigurado po kayo?"

"Yes. She is not pregnant. I am sure of that," kampanteng sagot ng manggagamot.

"Pero, pinakitaan niya ako ng pregnancy test result," naguguluhang sabi ni Altaire. "Kung hindi siya buntis, niloko lang niya ako para pakasalan ko siya."

"Lalabas na muna ako," sabi ng doktor. "Babalik ako from time to time para i-check ang progress ng condition n'yo."

"Maraming salamat, Doktora," ani Mrs. Torres.

"Bakit ginawa ni Grace iyon, 'ma?" tanong ni Altaire sa ina pagkalabas ng doktora. "Alam niyang magpapari ako. Bakit kailangan niya akong lokohin para lang mapilitan akong pakasalan siya?"

"Mas makabubuting mag-usap kayo pagkalabas n'yo ng ospital. Huwag mo muna siyang kakausapin habang nandito pa kayo," payo ng kanyang ina.

Noon bumukas ang pinto at pumasok si Emong. "Mrs. Torres, dala ko na po itong mga gamit ni Altaire."

"Emong..." tawag ni Altaire sa kanya.

"Kumusta ka na, Altaire? Ayos ka na ba?"

"Dito muna kayo at sisilipin ko lang si Grace sa kabilang kuwarto," paalam sa kanila ni Mrs. Torres at lumabas na ito ng silid.

Lumapit si Emong sa kama ni Altaire. "Kumusta ang pakiramdam mo? Saan ka nasaksak? Sino ang sumaksak sa'yo?" sunod-sunod niyang tanong. Hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin siya para sa binatang seminarista.

"Eto, o..." Ipinakita ni Altaire ang bahagi niyang nasaksak. "Boyfriend ni Grace ang sumaksak sa amin. Nagselos no'ng makita niya kami ni Grace."

"Sorry, ha? Kung hindi ko sinabi sa'yo ang nalalaman ko, hindi ka sana sumugod doon. Hindi ka sana nasaksak," malungkot niyang pahayag.

"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari."

"Sobrang na-guilty ako..."

"Okay na ako, Emong. You don't have to feel any guilt. Everything happens for a reason. Kung hindi nangyari ito, hindi ko sana malalaman na hindi pala buntis si Grace."

Nanlaki ang mga mata ni Emong. "Hindi buntis si Grace? Bakit?"

"Iyon ang sabi ng doktor. Baka sinabi lang ni Grace na buntis siya para mapilitan akong pakasalan siya. Akala ko, okay na ang lahat no'ng naghiwalay kami. Hindi ko inisip na aabot sa ganito. Muntik nang hindi ako makabalik sa seminaryo." Medyo ngumiwi si Altaire na para bang nakaramdam ng sakit.

"Bakit?"

"Sumakit 'yong sugat ko. Ang hapdi."

"Tatawagin ko ba ang doktor?" nag-aalalang sabi niya.

Umiling si Altaire. "Hindi na. Okay lang ito. Salamat, Emong."

Isang kiming ngiti ang isinagot niya kay Altaire.

TAHIMIK na nakaupo sa pasamano ng bintana ng kaniyang silid si Aldrin. Tila wala itong pakialam sa paligid. Ang mga mata nito ay nakatuon sa malayo.

Nakapasok si Aling Naty sa silid ng anak nang hindi nito namamalayan.

"Baka mahulog ka riyan," pansin niya sa anak.

Nilingon siya ni Aldrin. "Kayo po pala, 'nay. May iuutos po ba kayo sa akin?"

"Wala naman. Napansin ko lang na bukas ang pinto ng silid mo kaya pumasok ako. Ano ba ang iniisip mo at parang ang lungkot-lungkot mo?"

"Iniisip ko po kasi si Emong," umpisa niya na halos pumiyok ang boses. "Mag-uumpisa na ang klase. Hindi ko na siya makikita nang madalas. Hindi ko alam kung kelan ko siya makikitang muli."

Emong AlembongWhere stories live. Discover now