Chapter Thirty-three

1.7K 108 28
                                    

NANG sumunod na mga araw ay tila ba nag-iba na si Aldrin ng pakikitungo kay Emong. Kung dati ay magkatabi sila ng upuan sa classroom, ngayon ay sa tabi ni Trina na ito umuupo. Si Trina ang muse ng klase nila. Maganda ito at tisay na tisay ang itsura. Hindi mo nga iisiping anak-mahirap ang dalagang ito dahil napakapino ng maputi nitong balat. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ni Emong si Aldrin at nakikita niyang nakikipagbiruan ito kay Trina. Ang dali nilang nagkasundo. Parang bigla ay close na agad sina Trina at Aldrin.

Sa isang pagkakataon na sinulyapan niya si Aldrin ay nahuli siya nito at nagtama ang kanilang mga paningin. Pero agad ding nagbaba ng tingin si Aldrin at ibinaling ang pansin kay Trina. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalo pang nagkakalapit ang dalawa. Maging sa pagkain ay magkasabay na ito. Silang dalawa lang. Parang solo nila ang mundo. Noon lang din niya nakitang sobrang saya ni Aldrin. Kahit noong magkakasama silang tatlo nina Maya sa probinsiya ay hindi niya nakitang ganoon kasaya ang kaklase. Siguro nga ay nagbago na talaga si Aldrin. Iba na ito. Ibang-iba. At nagbago ito dahil sa kanya. Siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ito nagbago at umiwas sa kanya. Itinaboy niya ito... papalayo sa kanya.

"Aldrin! Pakopya naman ng notes natin sa English. Hindi ko kasi natapos, eh." Bakit ba sa pandinig niya ay parang ang landi-landi ng boses ng Trina na 'to? At sa totoo lang, mukha talaga itong malandi lalo na kapag nakapulupot na ang dalawang braso nito sa isang braso ni Aldrin. Feeling close ang loka-loka. Akala mo naman, jowa siya ni Aldrin.

"Eto, o," Nakita niyang iniabot ni Aldrin kay Trina ang notebook nito.

"Salamat, Aldrin. Ang bait-bait mo talaga!" kinikilig na sabi ni Trina na ikinataas ng kilay ni Emong. Nagpupuyos ang kalooban niya. Kapag hindi siya nakapagpigil, hihilahin niya ang mahabang buhok ng babaeng ito!

Inis na inis si Emong habang pinanonood ang pagkukulitan ng dalawa. Ewan, pero hindi siya komportable na makita si Aldrin na nakikipagharutan sa mga kaklase nilang babae, lalo na sa Trina na 'yan na ubod ng ganda.

Hanggang sa pag-uusap nila ni Maya sa telepono ay si Aldrin at Trina ang topic nila.

"Hay naku, napakalandi ng babaeng iyon. Feeling yata niya, boyfriend niya si Aldrin," sumbong niya kay Maya.

"Eh, baka nga naman boyfriend na niya'" panunulsol pa ni Maya. "Ikaw na rin ang nagsabi na umiiwas na sa'yo si Aldrin. Baka kaya umiiwas dahil may nililigawan na ngang iba, o baka nga may girlfriend na siya."

"Hindi, ah! Kelan lang naman ako iniwasan ni Aldrin. Ewan ko nga ba do'n sa Aldrin na iyon kung ano ang drama sa buhay. Basta na lang akong iniwasan. Dati naman, kahit dinededma ko siya ay nandiyan pa rin siya lagi."

"Baka nagsawa na, bespren. Ikaw naman kasi, hindi ka marunong mag-appreciate ng effort no'ng tao. Imagine, pinilit pa niya ang nanay niya na diyan na lang sila tumira kasama ng tatay niya para lang makita at makasama ka niya nang madalas. Alam mo bang halos nawawalan na siya ng pag-asa na mapapapayag niya ang nanay niya. Mabuti na lang at sa wakas ay na-convince niya na rin na diyan na nga sila tumira. Tapos, ganyan lang pala ang gagawin mo. Akala ko pa naman, okay na kayo," mahabang pahayag ni Maya. "Alam mo, bespren kaibigan kita at madalas kampi ako sa'yo. Pero pagdating kay Aldrin, naiisip kong nasa 'yo talaga ang problema. Huwag mong mamasamain ang sasabihin ko, ha? Pero sana gumising ka sa katotohanan na baliktarin man ang mundo, bakla ka at napakaswerte mo na may isang guwapong binata na nagkakandarapa sa'yo. Iyong ibang mga bakla, todo effort para magkaroon ng lalaki. Samantalang ikaw, hinahabol na nag-iinarte pa. Eh, kung tinatadyakan kaya kita sa bayag para ma-realize mo na wala kang matres, gaga!" Sinermunan niya si Emong sa tonong nagbibiro. "Hindi ka na basta-basta makakakita ng lalaking katulad ni Aldrin. Huwag ka ring umasang matutupad ang ilusyon mo kay Altaire dahil simula pa lang, alam mo nang hindi iyon magkakatotoo. Sinabihan na kita noon pa, 'di ba? Mangilabot ka dahil Diyos ang karibal mo."

Napaisip si Emong. Si Aldrin pala ang pumilit sa nanay nito para dito na sila tumira. At nag-effort din itong mag-enrol sa eskuwelahang pinapasukan niya kahit may kalayuan ito sa bahay na inuuwian nito sa Camp Crame.

"Hello, bespren nakikinig ka ba sa akin?" tili ni Maya sa kabilang linya.

"N-nandito pa ako," mahina niyang sagot.

"As I was saying..."

"Huwag mo nang ituloy," putol ni Emong sa sinasabi ni Maya. "Maglilitanya ka na naman. Pinagagalitan mo lang naman ako, eh."

"Hindi kita pinagagalitan, bespren. Ang gusto ko lang, sana makita mo naman si Aldrin kahit konti. Matagal na siyang nag-e-exist sa buhay mo. Anong nangyari at bigla siyang naisantabi?"

Hindi siya nakasagot.

"Ano? Napipi ka na ba?"

"Ewan ko sa'yo," paiwas niyang sagot. "Matutulog na ako. Bukas na lang ulit tayo mag-usap."

"Bespren, hindi pa ako tapos. Marami pa akong gustong sabihin sa'yo. Huwag mo akong bababaan ng telepono," protesta pa ni Maya.

"Bukas na nga lang, bespren. Goodnight..."

"Aba, teka sabi... Te---" Naputol na ang linya. "Hello? Bespren... Emong!!!"

HINDI makatulog si Emong nang gabing iyon. Nasa isipan pa rin niya ang mga sinabi ni Maya. Minsan lang kumontra sa kanya ang kaibigan niyang iyon at aaminin niyang nasapol siya talaga. Pero ano ang dapat niyang gawin? Habulin si Aldrin? No, hindi niya kayang gawin iyon. Si Aldrin ang kusang umiwas sa kanya. Ayaw niyang magmukhang tanga na ipipilit ang sarili sa taong ayaw na sa kanya.

Dahil napuyat, pumasok si Emong kinabukasan na inaantok pa. Halata rin ang naglalakihan niyang eyebags. Pero lahat ng antok niya ay nawala nang makita niyang magkasabay na pumasok sa classroom sina Trina at Aldrin. Magkahawak kamay na pumasok sa classrom ang dalawa at naglakad papunta sa kanilang mga upuan. Sa hitsura ng mga ito ay mukhang may mas malalim nang relasyong namamagitan sa kanila.

Umpisa pa lang, sira na agad ang araw niya!

Walang aralin na pumasok sa utak niya buong maghapon. Paano ba naman, wala rin siyang ginawa kundi palihim na obserbahan sina Aldrin at Trina. Hanggang sa uwian ay palihim niyang sinundan ang dalawa. Nakita niya nang magkasabay itong lumabas ng campus at naglakad papunta sa gawi ng eskenita. Naalala niya na malapit nga lang pala roon ang bahay nina Trina. Ihahatid siguro ni Aldrin sa bahay ang malantod na babaeng iyon.

Palihim niyang sinundan sina Aldrin at Trina. Wala siyang kamalay-malay na may dalawang tambay sa lugar na iyon na palihim ding sumusunod sa kanya.

Nagkindatan ang dalawang tambay nang dumaan sa harap nila si Emong.

"Hindi ba iyon 'yong baklang sinusundo ng de kotse?" sabi ng isa na mataba at kulot ang buhok.

"Iyan nga," sagot naman ng isa pa na katamtaman lang ang katawan pero may katangkaran. "Ayos, natiyempuhan din natin. Siya pa ang pumasok sa teritoryo natin. Hindi na tayo mahihirapan." Ngumisi ito sa kasama at pagkatapos ay sabay na nilang binuntutan si Emong.

" Ngumisi ito sa kasama at pagkatapos ay sabay na nilang binuntutan si Emong

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Author's Note:

Dalawang chapters na lang.


Emong AlembongWhere stories live. Discover now