Chapter Eighteen

1.8K 123 7
                                    

MABILIS niyang hinanap ang underwear at isinuot. Pagkatapos ay agad na ginising si Grace.

"Grace! Grace! Gising!"

"Hmm, ano ba? Inaantok pa 'ko." Nanatiling nakapikit ang mga mata ng babae.

"Gumising ka na. Anong nangyari sa atin?" Natatarantang sabi ni Altaire. "Bumangon ka na diyan."

Pupungas-pungas na nagmulat ng mga mata si Grace. "Ano ba? Bakit ka ba parang natataranta diyan?"

"Anong nangyari sa atin?"

Kaswal na sinilip niya ang hubad na katawan sa ilalim ng kumot. "Eh, lasing tayo pareho. Nakalimot... ganun."

"May nangyari sa atin?" Hindi makapaniwala si Altaire.

"Ano ka ba naman, Altaire? Lasing ako pero alam ko ang nangyayari sa paligid. Alam ko kung ano ang ginawa ko, natin, kagabi. Don't tell me hindi mo natatandaan. I won't buy that."

"Imposible! Wala akong maalala." Naguguluhan siya sa takbo ng mga pangyayari.

"You kissed me so passionately, nawala ako sa sarili ko. Pinigilan kita, sinubukan ko. Kasi naalala kong magpapari ka. But you were arresting. You were so hot, hindi ko na napigilan ang sarili ko."

"No! Hindi ito totoo!"

"Maka-no ka naman, parang diring-diring ka na may nangyari sa atin. Eh, ginusto mo rin naman." Ibinalot niya ang kumot sa katawan at tumayo. "Asan na ba ang mga damit mo? Magbihis ka na nga. Baka hinahanap ka na sa inyo," naiiritang sabi niya.

Walang imik na dinampot ni Altaire ang nagkalat niyang mga damit sa sahig at nagbihis. Pagkatapos ay kaagad na nagpaalam kay Grace. "Aalis na ako. Salamat..."

"Nasa parking area 'yung kotse mo," pahabol na sabi ni Grace. Nakaramdam siya ng pagka-irita kay Altaire. Pero sa likod ng pagkainis niya ay sumilay ang isang makahulugang ngiti.

SI EMONG ang nagbukas ng gate ng dumating si Altaire sa bahay.

"Saan ka natulog kagabi," parang asawang nagtatanong si Emong.

Umiling lang si Altaire at dire-diretsong umakyat sa kanyang silid. Sumunod naman si Emong pero hindi na siya tumuloy pa dahil narinig niya ang pagbagsak ni Altaire ng pinto.

Mainit yata ang ulo. Bakit kaya?

"Si Altaire na ba 'yung dumating?" tanong ni Aling Rosita nang lumapit ito sa anak.

"Opo, 'nay."

"Eh, tawagin mo na at nang makakain. Baka gutom na iyon."

Umismid si Emong. "Kayo na lang po ang tumawag, 'nay. May sumpong yata, eh. Tinanong ko kung saan natulog kagabi, dinedma lang ako at nag-lock pa ng pinto."

"Ganoon ba? Baka pagod lang. Sige, mamaya ko na lang siya tatawagin kapag hindi pa siya bumaba."

"Papasok na lang po muna ako sa kuwarto. Tawagin n'yo na lang po ako kung may ipagagawa kayo." Hindi na niya hinintay na sumagot ang kanyang ina. Lumakad na siya patungo sa kanyang silid.

Ano nga kaya ang nangyari sa lalaking iyon at mukhang bad trip? Ngayon lang niya nakitang ganoon ang mood ni Altaire. Madalas ay masaya ang palangiti ang binatang seminarista. Pero kanina, hindi maipinta ang itsura nito. Parang nalugi ng isang kilong galunggong.

Humiga si Emong sa kama at tumingin sa kisame. Naghahanap siya ng butiki na makakausap. Baka sakaling alam ng butiki ang sagot sa mga tanong niya. Kaso wala. Tuwing hapon lang yata lumalabas ang mga butiki. Nakakainip rin pala rito sa Maynila. Mabuti pa sa probinsiya, kapag naiinip siya pupunta lang siya kina Maya o kaya naman ay si Maya ang pupunta sa kanila. Lilipas na ang buong maghapon nang hindi nila namamalayan dahil abala sila sa pagkukuwentuhan. Eh, kung kasama pa si Aldrin, eh 'di mas masaya. Kalog kasi itong si Aldrin at lagi siyang pinatatawa.

Emong AlembongWhere stories live. Discover now