Chapter Fifteen

2K 134 5
                                    

SOBRANG LAKAS ng tili ni Emong na umabot sa loob ng bahay. Tumatakbong lumabas si Aling Rosita at nagtungo sa pool area. Akala yata nito ay kung ano na ang nangyari sa kanyang anak. Nawala lang ang kaba niya nang makitang masayang lumalangoy sa pool si Emong kasama si Altaire. Napailing na lang siya. Ang kanyang anak, mukhang hindi na niya talaga mapipigilan ang kaalembungan nito pagdating kay Altaire.

MALUNGKOT SI Aldrin habang nakaupo sa pasamano ng bintana ng kanilang bahay. Sa ibaba ay tanaw pa niya ang kanyang ina na nagwawalis sa bakuran. Ang kanilang bahay ay tipikal na bahay sa probinsiya na ang bintana ay may malapad na pasamano na ginagawa niyang upuan kapag nag-iisa lang siya at nag-iisip.

"Aldrin!" Narinig niyang sumigaw ang kanyang ina. Tiningnan niya ito.

"Bakit po?"

"Mahulog ka riyan! Ang laki ng kuwarto diyan mo pa naisipang umupo!" sermon sa kanya nito.

"Mas okay dito, 'nay. Presko ang hangin. Nag-iingat naman po ako."

Ipinagpatuloy na ng nanay niya ang pagwawalis. Muli naman ay natuon siya sa pag-iisip. Kumusta na kaya si Emong? Sigurado, masayang-masaya iyon. Makasama ba naman sa bahay ang lalaking crush na crush, eh 'di malamang wala nang inatupag iyon kundi magpapansin at makipagharutan sa Altaire na iyon.

Pinakiramdaman ni Aldrin ang sarili. No, wala naman siyang nararamdamang galit kay Altaire. Wala naman itong kasalanan sa kanya. Hindi nito kasalanan kung magka-crush dito si Emong. At saka seminarista naman ito. Parang napakalayo namang mangyaring papatulan nito si Emong. Kaya kahit harap-harapan siyang pagsungitan ni Emong, hinding-hindi niya pagseselosan si Altaire dahil kumpiyansa siyang walang patutunguhan ang ilusyon nito sa guwapong seminarista. Totoo naman kasing guwapo ito. Mukhang maganda pa ang katawan. At mayaman. Pero kahit na. Guwapo rin naman siya at darating ang panahon na gaganda rin ang katawan niya. Kapag nakatapos siya ng pag-aaral, magtatrabaho siya para yumaman. Para magustuhan din siya ni Emong.

"Aldrin!"

Nagulat pa siya nang makita kung sino ang tumawag sa kanya. "Maya?! Anong ginagawa mo rito?"

"Bakit, masama na bang puntahan kita rito? Bumaba ka nga rito at may sasabihin ako sa'yo."

"Teka lang!" Dali-daling bumaba si Aldrin para puntahan si Maya. Nadaanan pa niya ang nanay niya na nasa kusina at nagluluto na ng pananghalian.

"O, saan ka pupunta?"

"Dito lang po sa labas, 'nay. May sasabihin lang si Maya." Tuluy-tuloy siyang lumabas ng pinto.

Nakangiti si Maya nang sa wakas ay makaharap siya.

"O, anong sasabihin mo?" tanong ni Aldrin.

"Puntahan natin si Emong sa Maynila," diretsahang sabi nito. "Bakasyon naman. Gumala tayong tatlo."

"Ha? Eh, kelan naman?"

"Sa Sabado. Aalis tayo nang madaling araw dito para umagang-umaga eh naroon na tayo sa Maynila." Mukhang pinlano na ni Maya ang lahat bago pa ito pumunta kina Aldrin.

"Parang andami mong pera, ah."

"May naipon naman akong konti. Kakasya na iyon para sa pamasahe at pambili ng makakain habang nandoon tayo."

"Problema, wala naman akong pera. Hindi ko alam kung makakahingi ba ako sa tatay. At hindi rin ako sigurado kung papayagan ako no'n."

"Grabe ka naman. Ako ngang babae, pinayagan. Ikaw pa kaya? Kalalake mong tao."

"Magkaiba naman tayo ng magulang," argumento ni Aldrin. "Hindi pa ako nakakapunta ng Maynila nang hindi kasama ang mga magulang ko, kaya hindi ko masisiguro kung papayag sila."

Emong AlembongWhere stories live. Discover now