Chapter Thirteen

2K 124 6
                                    

"TULOY PO kayo," anyaya ni Altaire kina Emong at Aling Rosita. "Maupo po muna kayo. Tatawagin ko lang si mommy." Umakyat siya sa ikalawang palapag ng bahay. Bakas ang karangyaan sa loob ng bahay. Ultimo ang hagdan ay alam mong mamahalin at hindi basta-basta ang ginamit na materyales.

Nanlaki ang mga mata ni Emong sa nakikita ng kanyang mga mata. Ang bahay ng mga Torres sa kanilang probinsiya ay sobrang maganda na. Ngunit ang bahay na ito dito sa Maynila ay tila ba mansyon na. Parang ang sarap-sarap tumira sa bahay na ito. Napakalaki. Napakaganda. Napakarangya. Bagay na bagay sa kanyang kagandahan.

Maya-maya pa ay nakita nilang pababa na ng hagdan si Mrs. Torres. Inaalalayan ito ni Altaire habang isa-isang binabagtas ang baitang ng hagdanan.

Napahanga si Emong sa itsura ng ina ni Altaire. Sa kabila ng edad ay bakas pa rin ang ganda nito. Sopistikada ang pananamit at kilos ng babae, but she is never intimidating as she flashes a ready smile on her face.

"Rosita, maraming salamat at pinagbigyan mo ang pakiusap ko," masayang sabi nito nang makalapit sa mag-ina. Hindi nawawala ang ngiti na mas nagpapanatag sa pakiramdam ng ina ni Emong. Paano ka pang kakabahan kung napakamagiliw ng babaeng magiging amo na niya simula ngayon?

"Walang anuman iyon, Mrs. Torres, ma'am. Ako nga ang dapat magpasalamat sa pagbibigay mo sa akin ng trabaho rito sa bahay n'yo. Magkakaroon ako ng regular na kita. Sigurado nang mapag-aaral ko si Emong."

Saka lang napansin ni Mrs. Torres si Emong. "Ah, siya na ba ang anak mo? Malaki na pala. Tingnan mo nga naman ang bilis ng panahon. Noong umalis kami sa bayan natin, ang liit-liit pa niya. Ngayon, aba'y matangkad pa sa'yo."

Nginitian ni Emong si Mrs. Torres.

"Kumusta ka, iho?"

"Mabuti naman po," magalang niyang sagot sabay sulyap kay Altaire na katabi lang ng ina nito.

"Altaire, ituro mo na muna sa kanila ang magiging kuwarto nila. Magpapahanda lang ako ng makakain."

"Aling Rosita, sumunod po kayo sa akin." Nauna nang lumakad ang binata at sumunod ang mag-ina.

"Ito po ang magiging kuwarto n'yo, Aling Rosita. Sa kabilang silid naman si Emong. May kabinet po rito. Dito n'yo na lang po ilagay ang mga damit ninyo."

"May sarili akong kuwarto?" Hindi makapaniwala si Emong. Akala niya ay sa isang silid lang sila ng nanay niya.

"Oo, Emong. Sa kabila ka. Halika, sasamahan kita." Kinilig si Emong sa sinabi ng binatang seminarista.

"Halika na, Altaire." Hinila na niya ito papunta sa kabilang kuwarto.

Nag-umapaw ang excitement sa mukha ni Emong. Malaki ang kuwarto niya. Mas malaki ng konti sa silid ng nanay niya. Parang hindi sila katulong sa bahay na ito. Parang they are also members of the Torres family.

"Ito na ang magiging kuwarto mo mula ngayon. May study table diyan para makapag-aral ka ng lessons mo. Dito mo naman ilagay ang mga gamit mo." Binuksan ni Altaire ang built-in cabinet at ipinakita kay Emong ang loob nito.

"Ang swerte ko naman. Ang swerte namin ni nanay dahil sa inyo. Maraming salamat, Altaire."

"Basta, mag-aral kang mabuti," nakangiting sabi ng guwapong binata na mas nagpatindi pa sa kilig na nararamdaman ni Emong.

PAGKATAPOS KUMAIN ay bumalik na sa kuwarto si Emong. Si Aling Rosita naman ay kinausap pa ni Mrs. Torres para i-orient ito sa magiging trabaho niya. Bukas ay umpisa na ng trabaho ni Aling Rosita bilang kusinera ng pamilya Torres. Bakasyon pa naman kaya si Emong ay puwedeng-puwedeng tumulong sa ibang gawaing bahay. Iyon ang kabilin-bilinan ni Aling Rosita sa anak. Tumbasan din ni Emong ng paglilingkod sa pamilya Torres ang pagpapaaral ng mga ito sa kanya.

Emong AlembongWhere stories live. Discover now