Chapter 5

21.8K 684 39
                                    

"Sir, I have a good news!" sabi nung babae nung pumasok siya sa office ni boss.

"Woah woah wait. Who are you to enter that way? Knock first before you enter, now get out!" sabi niya sabay turo sa door.

Napayuko yung babae at agad lumabas sa office. Pinahiya niya lang naman yung walang kalaban laban na babae. Nakakainis na siya ah? Grabe siya kung makapahiya, kala mo kung sino.

"What are you looking at? Get back to work!" sigaw niya sakin as he noticed that I was staring at him.

"Sorry, boss." I said shyly. Agad narin akong kumilos para ayusin yung pinapagawa sakin. Kainis!

Yun nga ang ginawa ng babae. She knocked three times then enter the office. This time mukhang umiyak na siya. Namumula yung mga mata niya at nakayuko. Kawawa naman siya.

"Sir, I have a good news." tamlay niyang sabi.

"What?!" sabi ni boss.

"Mr. Mendoza wants to meet you this afternoon regarding to your proposal last year." she said while wiping her tears away.

Nawala yung kunot sa mukha ng boss naming halimaw. Mukhang nagandahan nga siya sa balitang yun. Matagal tagal na rin pala yung proposal at ngayon lang napansin ng Mr. Mendoza na yan.

"Okay then, now leave." sabi niya sa babae.

Agad namang lumabas yung babae. This time agad ko siyang sinundan. Gusto ko siyang makausap. Naaawa kasi ako.

"Excuse me boss." sabi ko sabay labas ng office niya.

Hinabol ko yung babae at sakto naman nadatnan ko siya sa stairs while crying. Tinabihan ko agad siya at kinomfort.

"Hayaan mo na yun. Masungit talaga yang boss natin." sabi ko sabay tap sa balikat niya.

She wiped her tears and she looked at me.

"Halos lahat nga kami dito pinapahiya at sinisigawan eh. Araw araw ata niyang ginagawa. Sobra pa sa masungit!" sabi niya.

"Hayaan mo na. Isipin mo nalang yung pamilya mo. Kaya ka nagtatrabaho dito kasi dahil sa kanila. Wag kang susuko. Malay mo, magiging mabait din yan." sabi ko sakanya habang tinatap parin yung balikat.

"Salamat..."

"Kristoff." sabi ko sabay lahad sa kamay ko.

"Salamat Kristoff. Sana magtagal ka diyan sa boss nating demonyo!" sabi niya.

"Di bale, tatagal ako dito. Kakayanin natin. Aja?" sabi ko.

"Ay, bakla ka ba?" sabi niya sakin.

"Ssh wag kang maingay, baka marinig ka ni boss. Oo." sabi ko.

"Ay oo nga pala, ayaw niya sa mga bading." sabi niya sakin. "Sayang ka naman, kala ko lalaki ka."

"Kaya secret lang natin to ah? Tayo tayo lang." sabi ko sakanya.

"Of course. Hehe, Archell pala." she said.

"Hehe nice meeting you. Oh sige papasok na ako ah? Ingat ka nalang." I said and waved at her.

"Oo sige. Ikaw din." she responded.

Agad na akong tumayo at bumalik sa office ni boss. Pagkapasok ko, nakita ko siyang nakatayo. Nakatingin siya sakin habang naka corrs-arm ng walang emosyon.

"Where have you been? Did you already finished that?" sabi niya sabay turo sa mga papel na dapat kong ayusin.

"Sa labas lang po. Almost done na po boss." sabi ko sabay punta agad sa kinaroroonan ng mga papel.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon