Chapter 7

20.3K 720 45
                                    

Marco Mendoza's POV

Nandito ako ngayon sa store para makapag-isip isip. Makikipagmeet kasi ako kay Mister Ynigo Santillan about sa proposal niya sakin. It took 1 year para ma-noticed ko yung proposal niya, and I think last week ko lang yun nabasa. Parang may nagtulak sakin na basahin yun, which is first time kong naramdaman yun.

"Miss, 1 chocolate drink." sabi ko sa babaeng nagbabantay.

Ngumiti siya sakin at agad kumuha ng order ko. Inabot ko sakanya yung bayad at ibinigay niya sakin yung chocolate drink.

"Here po." sabi niya sakin tila nangaakit.

Ngumiti nalang ako sakanya at agad naglakad. Uupo muna ako dahil alam kong mamaya pa yung meeting namin.

Habang naglalakad ako, natapilok ako at natapon yung chocolate drink na hawak ko sa isang lalaking nakatalikod.

Agad siyang napatayo at tinignan niya yung natapunan ng chocolate drink at agad tumingin sakin.

"What the hell?!" sigaw niya habang trinatrapuhan yung chocolate drink na natapon sakanya.

"Sorry. Sorry." sabi ko sabay lakad papunta sakanya.

"Ano ba? Magdahandahan ka naman. Nakita mo ba to?" sabi niya sabay turo sa tinapunan ng chocolate drink sa balikat niya. "Mantsa na! Puti pa naman suot ko!" sigaw niya sakin.

"Di ko talaga sinasadya. Sorry." sabi ko sakanya.

"Sa susunod, mag-iingat ka." sabi niya sakin.

"Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?" sabi ko sakanya.

Bakla pala tong mokong nato. Sayang yung kapogian niya. Pero cute naman siya.

"Sa tingin mo, ano?" sabi niya.

"Hm, damit?" sabi ko.

"Yan nga!" sigaw niya sakin.

"Okay sandali." sabi ko sabay alis ng store.

Agad akong pumunta sa sasakyan ko para kunin yung damit. Vneck na white shirt. Agad akong bumalik sa store at inabot sakanya yun.

"Sayo na yan. Buti nalang may dala akong extra. Oh, ano?" sabi ko sabay ngiti.

Tinignan niya ako at napatulala. Siguro napansin na niya yung kapogian ko. Inisaisa niyang tingnan yung mukha ko. Mukhang nagwagwapuhan nga siya. Haha!

Agad niyang shinake yung ulo niya.

"Mabuti naman kung ganon. Dito ka muna at pakibantayan ito, magbibihis lang ako." utos niya sakin.

"Okay." sabi ko sabay upo.

Agad siyang pumunta sa cr.

Nakakatawa naman tong lalaking to, ay mali, baklang to. Imbis magagalit ako sakanya dahil sinisigawan niya ako at inuutusan, napalitan ito ng saya. Ewan ko pero parang interesado ako sakanya, hindi interasado na maging jowa ko ha? Mali kayo. Interesado akong makilala pa siya.

Agad siyang lumabas at pumunta balik sakin.

Tinignan ko siya habang papalapit sakin, cute nga siya. No joke.

"Bagay." sabi ko sakanya.

"Che! Alis na ako." sabi niya sakin.

Kinuha niya yung order niya na frappe at yung ibang gamit niya at agad umalis.

Napatayo narin ako at pumunta sa sasakyan.

"Kung mamakita kita ulit, kakausapin kita at kakaibiganin. I want to know you more." sabi ko sa sarili at agad umalis.

My BossWhere stories live. Discover now