Chapter 48

9.9K 278 5
                                    

"Maiwan ko muna kayo, para makapagusap kayo." sabi Marco sabay sakay ng elevator.

"Ano ba ang dapat nating pagusapan?" sabi ko.

"Stoff, I'm sorry." sabi niya. "Nalaman ko na din ang totoo, na pinagkaisahan ka nila just because Danielle was afraid."

"Ngayon pa Ynigo? Ngayon pa na natapos na ang lahat? Ngayon pa na pinagtulungan niyo ko lahat? Muntikan na akong mamatay dahil sa papa mo, sa papa ko. At ano? Ganyan lang kadali sayo lahat? Ha?!" sigaw ko sakanya.

"I know it's hard for us especially sayo, you've been through a lot. Marami akong kasalan sayo, sobra. Di ko man lang pinakinggan yung panig mo. Swear nadala lang ako sa galit." paliwanag niya sakin.

"At ngayon mo pa narealize? Wow ha?" sabi ko.

"Please, sorry. Patawarin mo ko." sabi niya sakin. "Babawi ako sayo."

"Not now Ynigo, napagod na ako sa lahat ng nangyari sakin. Di ko alam kailan pero wag muna ngayon. Di ko pa nga natanggap na sarili kong ama muntikan akong ipapatay. Sorry Ynigo pero wag muna ngayon." sabi ko sakanya.

"Alam ko. I know that. I can and I will wait for that time. Maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo ko." sabi niya.

Di ko siya pinakinggan at pumasok muli ako sa loob.

Gustong gusto ko na siyang yakapin actually. Pero iniisip ko palang yung sinabi niya sakin, nasasaktan padin ako. Ewan ko pero ang hirap sakin lahat ng nangyari sakin. Sa lahat ba naman ng nangyari sakin? Sobrang hirap.

"Son?"

Lumingon ako at nakita ko si Mister Mordeo. Napaatras ulit ako.

"Sorry. I'm so sorry sa lahat. Sorry sa mga nasabi ko sayong masasakit na salita at sa attempt to kill you. God, what did I do? Pero I can't turn back time, I just want to say sorry." sabi niya.

"Sobrang hirap po sakin lahat ng nangyari. Di ko lubos isipin na muntikan niyo na akong napatay at ang panlalait ninyo saakin. Ang sakit nun knowing na ikaw pala yung tunay kong ama. Siguro po matututunan ko kayong patawarin pero siguro ngayon po, hayaan niyo muna akong magpahinga." sabi ko sakanya.

"I understand. I really do understand you, son. I will wait na matutunan mo kong patawarin. I know mahirap sayo yan and okay lang sakin kahit gaano katagal, hahayaan muna kitang magpahinga at pagisipan ito lahat. Again, sorry anak. Sa lahat ng nagawa ko. Babawi ako sayo, promise." sabi niya sabay tap ng balikat ko.

Lumapit si Miss Martina at niyakap ako ng mahigpit.

"Anak ko. Sobrang namiss kita. Sobrang sobra." sabi niya.

"Ako din po." tipid kong sabi.


"Babawi kami sayo okay? Ang laki ng pasalamat ko sa mama at papa mo because they treat you just like their own child. They are really good parents. They want what's the best for you. Let me and your dad do our roles as your real parents." sabi niya sakin.

"Opo opo. Thankful din ako kasi nakilala ko sina mama at papa dahil minahal talaga nila ako at supportado sila saakin sa lahat lahat. Ibinigay nila ang lahat lahat lalo na ang pagmamahal nila bilang nga magulang." sabi ko.

Napayakap din ako kay Miss Martina. Natoutouch ako sakanya kasi ang willingness niyang bumawi sakin at sa pagmamahal niya sakin. Alam ko mahirap din sakanila ang mawalan ng anak at naiintindihan ko sila.

*

"Ynigo, dito ka parin titira okay? Anak ka parin namin." sabi ni Miss Martina habang nagaayos ng pinggan.

My BossWhere stories live. Discover now