Chapter 31

19K 551 48
                                    

Kristoff Saavedra's POV

Kagabi lang kami dumating dito sa Manila. Syempre, naiilang parin ako kay sir Marco dahil sa pagconfess niya sakin nung isang araw at hanggang ngayon di parin ako makapaniwala na nagkagusto pala siya sakin. Imagine, for a short period of time, nagawa kong baliin yung tuwid niyang daan ng di ko man lang namamalayan. Am I really a straight bender? Naaah, di naman siguro.

And yun nga, hinatid ako ni sir Marco sa dorm ko. Si boss naman hinatid niya yung girlfriend niya. Napakacaring ni sir Marco saka napakagentleman niya. Para tuloy akong babae, eh sakatunayan, babae naman yung puso ko pero lalaking lalaki yung physical appearance ko. Hays. Pero okay nato, di ko naman gusto magdamit babae no? Di ako sanay at wala na akong planong baguhin ang sarili ko.

Okay back to hatid hatid, yun nga, hinatid niya ako and he stayed for a while. Di din daw siya makapaniwala na umamin na siya sakin, first time niya kasing umamin sa bading eh. Naks naman! Ako daw ang unang baklang nakakaparamdamam sa kanya ng ganito, aweee.

(TODAY)

Gumising ako ng maaga dahil malalate na ako sa work. Agad na akong dumiretso sa cr tsaka nagbihis. Lalabas na sana ako nang biglang may nagtext. Si boss.

"Goodmorning, Stoff. Wag ka na muna papasok ngayon, I know pagod ka sa biyahe and I want you to give yourself a break. Pahinga ka muna."

Nakangiti lang akong binasa yung text niya sakin. Bakit ba ang lakas ng impact ni boss sakin? Kahit simpleng text niya lang eh kinikilig na ako.

Umupo ako sa kama ko at inilapag ang cellphone sa table.

"Ano kaya magandang gawin ngayon?" sabi ko sa sarili ko habang nag-iisip ng magandang gawin ngayon.

Naisipan ko munang tawagan si mama. Namimiss ko na talaga siya ng sobra.

"Hello mama?"

"Oh, anak, napatawag ka? Kamusta ka na diyan?"

"Okay lang ako mama, namiss kasi kita, kayo ni papa. Kamusta na kayo diyan?"

"Okay lang kami anak, siya nga pala, napagdesisyunan namin ng papa mo na pupunta na kami diyan sa Manila para diyan na manirahan."

"Mabuti po. Talaga po? May extra pa po ako dito, ipapadala ko nalang ngayon."

"Wag na anak, sayo yan, itago mo yan. Nakaipon naman kami dito tsaka binenta na namin yung bangka ng tatay mo."

"Sige mama, dito nalang po muna tayo sa dorm ko magstay. Kakausapin ko lang po yung may-ari dito."

"Osige anak, bale bukas na yung lakad namin. Makikita na rin kita anak ko."

"Opo mama. Miss na miss ko na kayo, mag-iingat kayo sa biyahe ha? I love you mama."

"Ikaw din jan anak, mahal ka din namin ng tatay mo."

Agad ko nang binaba yung cellphone at napangiti. Pupunta na sila mama dito at dito narin sila titira. Aweee, kailangan ko nang mag-ipon ng mas malaking pera para makabili ako kahit papaano ng maliit na bahay na kasya kaming tatlo.

Agad kong tinext si sir about sa extrang room dito.

Pagkatapos kong magtext ay maya maya tumawag siya.

"Hello boss?"

"Stoff, there's a big room sa taas. Doon nalang kayo. Okay naman dun, kasyang kasya kayo dun. I'll tell manang jan na linisan yung room na yun. By the way, malapit yun sa room ko. Basta I'll talk to you later. Bye."

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon