Chapter 32

18.6K 551 50
                                    

Bumangon na ako ng maaga dahil may duty na ako and ngayon narin yung dating nila mama. Ililipat ko pa ang ibang gamit dahil ngayon din ang lipat ko ng room. Excited na akong makita ko si mama at papa. Can't wait.

Pagkalabas ko ng room ay sakto din ang pagdaan ni boss. Umiinom siya ng kape. Ngumiti siya sakin at ganun din ako.

"Kailangan nga dating ng mama mo?" sabi niya sabay higop ng kape.

"Ngayon, boss." sabi ko sakanya.

"So? Ngayon na din ang lipat mo ng room?" sabi niya ulit.

"Yes boss." sagot ko.

"Okay." sabi niya sakin.

"San po yung susi? Maglalagay na po ako ng gamit dun sa taas." sabi ko sakanya.

"Oh, in my room. Wait lang kukunin ko." sabi niya sabay balik sa taas.

Ang gwapo gwapo gwapo gwapo niya talagaaaaaaa. Kahit bagong gising ay ang gwapo parin.

Maya maya ay bumaba na siya with the key on his hand. Agad niyang inabot sakin yun.

"That's the key to your new room." sabi niya sakin.

"Thank you boss." sagot ko.

Agad na akong bumalik sa loob at nagsimula ng kumuha ng mga kakailanganing gamit dun sa taas. Inuna ko yung electic fan.

"You need help? I can help you." sabi ni boss.

"Hindi na boss. Kaya ko na." sabi ko sakanya habang buhat buhat ko ang electric fan.

"Sige na. Wala naman akong gagawin. San pa ba dito?" sabi niya.

"Yan pong maleta." sabi ko sabay turo gamit ang nguso ko.

Agad niya itong binuhat at sabay kaming pumunta sa taas.

"Wala bang madidistorbo nito boss? Medyo nakakabulabog tong ginagawa ko eh." sabi ko sakanya habang umaakyat ng hagdan.

"No, it's okay. Di naman masyadong maingay ang ginagawa natin." sabi niya.

Medyo may pagkagreen kasi yung utak ko. May ibang kahulugan pa yung "di naman masyadong maingay ang ginagawa natin." shet lumayo ka green!!!!!

"You okay?" sabi niya sakin nang napansin niyang inaalog ko ang ulo ko.

"Wala boss." sagot ko agad.

Binaba ko muna yung buhat kong electric fan at inopen yung door gamit yung susi na bigay ni boss. Pagkatapos kong mabuksan ay in-on ko ang ilaw at inilagay yung electric fan na dala ko.

"Diyan mo nalang ilagay boss." sabi ko sabay turo sa gilid ng higaan.

"There." sabi niya sabay lapag ng maleta. "May kulang pa?" dagdag niya sabay tingin sakin.

OHGHAD. WHY IS YNIGO SO HANDSOME? Titig palang niya, nakakamatay na!!!!!

"Ah, wala na boss. Okay na." sabi ko.

"Okay, sige. Papasok ka ngayon?" sabi ni boss.

"Yes boss. Pero pwede pong maghalfday? Okay lang po sakin na kaltasan niyo yung sweldo ko." sabi ko sakanya.

"No no no. It's okay. What time gusto mo mag-out?" sabi niya.

"Hm, siguro po mga 1pm?" sabi ko sakanya.

"Okay sige. Wala naman masyadong gagawin sa office ngayon." sabi niya.

"Sige boss, mag-aayos muna ako ng gamit. Salamat sa pagtulong." sabi ko.

"Don't mention it." sabi niya sabay labas ng pinto.

Napalingon ako balik dahil inopen niya yung pinto.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon