Chapter 37

17.1K 578 139
                                    


Nawala yung mga ngiti ko nung nakita ko kung sino yung pumasok.

"Oh hello everyone!" sabi ni Danielle sabay ngiti.

Ano ba ginagawa niya rito? Bakit parang ang sigla sigla niya ata?

Tumingin siya sakin at ngumiti.

"Oh hello there, Kristoff." sabi niya sakin habang nakangiti... Ng PLASTIK!

Maya maya ay pumasok muli si Yohan.

Tumango nalang ako sa kanya. Kakaiba ata siya ngayon, ano bang nakain niya at bumati siya sakin? Plastik pa talaga yung ngiti niya ah? Kaloka.

"How are you guys?" sabi ni Danielle. Habang kami lahat ay nakatingin lang sakanya.

"Hey. What's wrong?" sabi niya dahil walang niisa ang sumagot.

"Nothing. What brought you here?" sabi ni boss Ynigo sakanya.

"Oh, nothing. Binisita ko lang kayo, namiss ko kaya kayo." sabi niya sabay yakap kay Ynigo.

"May kakaiba yata sayo ngayon Danielle." sabi ni sir Marco na nagtataka rin sa inasal ni Danielle.

"May kakaiba? Ano ba kayo? Wala ah?" sabi niya.

I feel something na iba. Ewan ko kung masama ba ito, pero isa lang ang sigurado ako, hindi ito maganda. Parang may binabalak na ewan ko.

"Oh by the way, who's he?" sabi ni Danielle nung nakita niya si Yohan.

"Ah, ako nga pala si Yohan ma'am." sabi niya na tila kinakabahan.

"Oh okay." sabi niya sabay lambing ulit kay Ynigo.

Kinakabahan ako. Ewan ko ba't anong dahilan kung bakit ako kinakabahan. Parang may iba talaga kay Danielle ngayon. Hayaan ko nalang muna.

Buong araw akong kinakausap ni Danielle about sa buhay ko, sa sarili tsaka sa pamilya ko. Kinakabahan ako sa mga tanong niya about sakin. Nagshashare naman ako pero maliit na details lang, di ko na shinashare lahat baka naman may masabi pa ako.

Si sir Marco naman todo alaga sakin. Kinakamusta ako kada minuto, nagtatanong kung nauuhaw ba ako o nagugutom, yung ganun, kinikilg naman ako ene be? Napakacaring niya sakin nako nako. Parati niya akong tinititigan kapag nag-uusap kami ni Danielle.

Si Yohan naman nakaupo katabi si Marco. Nag-uusap naman sila ni Marco pero di masyado. Mukhang may something eh hahaha hay nako.

Si boss naman walang kibo. Ay ewan ko sakanya. Bahala siya sa buhay niya.

Nakikita ko naman minsan na si boss nakatitig sakin. Kapag naman titingnan ko siya, iniiwas niya agad tingin niya. Bess telege.

"San ba ngayon pamilya mo Kristoff?" sabi ni Danielle.

"Nandito sa Manila. Nasa dorm ko sila ngayon." sabi ko.

"Ganun ba? Dito na ba sila for good?" sabi niya.

"Yep. Dito na kami titira." sagot ko.

"Ah really? Good good." sabi niya sabay ngiti.

"Marco," tawag ni boss kay sir Marco.

"Yow?" sabi ni sir Marco.

"Puntahan mo ngayon si Mister Novitsky dahil may ipabibigay siya sakin, sabay na kayo ni Yohan." sabi ni boss.

"Okay. San ba siya ngayon?" sabi ni sir Marco.

"Nasa office niya. Alam naman siguro ni Yohan kung saan diba?" sabi ni boss.

"Yes sir." sabi ni Yohan.

"Osige na, punta na kayo. Sayang oras eh." sabi ni boss habang nakatingin sa wrist watch niya.

My BossWhere stories live. Discover now