Chapter 18

17.9K 607 47
                                    


"B-boss? Anong ginagawa mo rito?" sabi ko habang gulat na gulat.

"Stoff? What are you doing here?" sabi ni boss na mukhang nagulat rin.

Ano ba ginagawa niya rito? Tsaka nakita niya ba yung "beso moment" namin ni sir Marco? Omygoodness.

"Dito po ako nagdodorm. Ikaw po?" sabi ko din sakanya.

"Well, I'm the owner of this dormitory." sabi niya.

Hala? Talaga? Bakit ngayon ko lang siya nakita dito? Siya pala talaga ang nagmamay-ari nito? Oh no!

"Talaga boss?" sabi ko ng di makapaniwala.

"Yeah, and di ko rin napansin na dito ka rin nagdodorm." sabi ni boss.

"Ako nga rin po eh. Hehe." sabi ko. Kinakabahan ako. "Pasok na po ako, boss." agad na sabi ko sabay lakad papalayo sakanya.

"Hey," tawag niya sakin.

Oh no.

"What is Marco doing here? Why is he here?" tanong niya sakin habang nakatingin direkta saking mga mata.

Yan na nga ba sinasabi ko!!!!! Ano bang isasagot ko? My goodness! Nakita niya rin ba yung "beso moment"? Oh no.

"Sabay po kasi kaming umuwi boss, tapos hinatid niya ako rito." sabi ko habang kinakabahan. Nilulukot ko yung panyong hawak ko.

"Ah, I see." sabi niya. "See you tomorrow?" dagdag niya sabay alis.

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang di niya nakita yung ano. Alam niyo na yan, wag na kayong magtanong. Sign of friendship, remember?

Pumasok ako agad sa kwarto ko para magpahinga na. Nagbihis na ako ng pantulog tsaka ako humiga sa kama. Tinawagan ko si sir Marco.

"Pare, napatawag ka?"

"Pare, nadistorbo ba kita?"

"No no. Bakit?"

"Grabe, si boss pala nagmamay-ari ng tinutuluyan kong dorm?"

"Talaga? Paano mo nalaman?"

"Nandito siya."

"What?"

"Oo nga eh. Buti nalang di niya nakita yung ano."

"Yung, what?"

"Sign of friendship natin."

"Natatakot ka?"

"Oo no! Baka mabuking ako, mahirap na."

"Di yan. Pakialam niya?"

"Tse, ewan ko sayo. Oh sige na, goodnight."

"Goodnight, pare."

Binaba ko na yung phone tsaka ko inilapag ito sa table malapit sa kama ko. Humiga na ako para matulog.

"Ang gwapo mo talaga boss." sabi ko sabay ngiti. "Pero no no, bawal." sabi ko sabay bakot ng unan.

*******




"I think, it's all set. Tayo nalang talaga kulang." sabi ni sir Marco habang tinitignan yung iprepresent nila ni boss sa laptop.

"Yeah." sagot ni boss, naka-crossed arms siya.

"So, good luck?" sabi ni sir Marco sabay tayo at inabot ang kanyang kanang kamay.

"Good luck to us." sabi din ni boss at inabot din niya ang kanyang kanang kamay para magkamayan.

My BossNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ