Chapter 11

20.7K 777 61
                                    

"Bakla, gala tayo maya?" sabi ni Rica sakin habang nag-aayos ng gamit.

Nandito kami ngayon sa 5th floor dahil kumakain kami ng lunch. 11am pa lang pero kumain na kami dahil kumukulo na yung sikmura naming dalawa. Wala naman si boss dahil daw may importanteng lakad siya.

"Sige ba, basta libre mo." sabi ko.

"Yan tayo eh!" sabi niya.

"Edi walang gala." sabi ko sabay kuha ng tubig sa pitsel.

"Okay fine. Dun tayo sa Enrico's Kainan ha? Gusto kong makita si Jeff." sabi niya sabay tili. Tinutukoy niya yung tinatrabahuan ko dati.

"Ayan. Landi landi tayo eh?" bulyaw ko sakanya.

"Eto naman, support ka bakla." sabi niya sakin.

"Okay fine, siya nga pala, di ka pa ba tinetext ni Jeff? Humingi siya ng number mo nung isang araw ah?" sabi ko sakanya.

"Whaaat?! Talaga? Humingi siya ng number ko?! Oh my gee!" tili niya sabay palo sa balikat ko.

"Aray ha? Masakit." sabi ko sakanya.

"Sorry. Sorry." umayos siya ng upo at agad humarap sakin. "Talaga? Anong sabi niya?"

"Yun nga, humingi siya ng number mo tsaka ibinigay ko naman, tutal makati ka din eh." sabi ko sabay tawa.

"Hoy bakla! Bastos ka ah? Di naman." sabi niya sakin. "Pero no messages from him, bakit di siya nagtext?"

"Aba ewan ko." sabi ko sakanya.

"Baka mali yung nabigay na number mo?" sabi niya.

"Di ah? Wait." sabi ko sabay kuha ng cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko yung contacts at napadilat ang aking mga mata.

"Oh my gosh!" sabi ko sabay clarify ulit kung tama ba.

"What?!" sabi niya sabay lapit sakin.

"Ito pa ba yung last number mo?" sabi ko sabay pakita sakanya yung phone.

"Bakla naman, that was 3 years ago. Nakakasira ka naman ng relasyon eh!" sabi niya sabay sapak sakin.

"Hoy sorry di ko alam." sabi ko sakanya. "Sige, ganito nalang, doon nalang tayo kakain mamaya para naman makabawi ako sa inyo."

Mukhang masaya naman siya sa kanyang narinig kaya niyakap niya ako from behind.

"Thanks bakla!" sabi niya.

"You're welcome." sabi ko. "Siya nga pala, may sasabihin ako."

Napaupo naman siya agad at humarap sakin.

"Ano?"

"Parang crush ko si boss."

Nanlaki naman yung mga mata niya dahil sa sinabi ko. Totoo naman eh, crush lang naman, wala pa naman to eh.

"Tell me you're joking." sabi niya.

"Hindi po. Seryoso ako." sabi ko.

"Oh my gee, bakla! Homophobic si sir! Alam mo ba yun?" sabi niya sakin na para siyang isang ina na nagdidisiplina sa kanyang CUTE na anak.

"Opo alam ko." sabi ko.

"Kailan pa yan?" sabi niya.

"Nung isang araw lang, ang bait niya kasi sakin nun at nagbibiruan pa kami." sabi ko.

"Yan lang? My goodness bakla, ang babaw." sabi niya sabay kamot sa ulo.

"Ewan ko ba. Pero mawawala din naman to eh." sabi ko.

My BossWhere stories live. Discover now