Chapter 14

19.1K 679 27
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising para naman di na ako malalate sa trabaho at di na ako mapagalitan ni boss. Ayoko ring "ma-fire" dahil ang dami dami ko ng offense. Pero nagtataka lang ako bakit hanggang ngayon ay di parin niya ako pinapaalis eh ang dami dami ko ng offense. Bahala na nga.

Dumiretso na ako sa banyo para makaligo na. Pagkatapos ay agad na akong nagbihis at pumunta sa cabinet ko. Kinuha ko yung salamin doon at nag-ayos ng buhok.

"Bakit ka ba naging bading?" sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ko yung mukha ko sa salamin.

"Sayang naman. Pero, dito ako masaya eh." sabi ko ulit sa sarili at ibinalik na ang salamin sa cabinet.

Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto at bumaba patungo sa exit ng dorm.

"Maaga pa." sabi ko sa sarili pagtingin ko sa relo. It's 5:00am. Mukhang napaaga ata yung gising ko.

Naglakad lakad nalang muna ako sa kalye para naman kahit papaano ay makaehersisyo ako. Di naman siguro ako malalate dahil maaga pa at malapit lang dito yung office.

Pumunta ako sa isang convient store dito para bumili ng kape at makakain. Kumukulo na kasi yung tiyan ko at parang sunod sunod na ang di ko pagkain ng breakfast.

Bumili ako ng isang mainit na burger at isang kape. Dumiretso ako sa isang table dun at umupo.

Habang kumakain ako, someone caught my attention.

May isang lalaking papasok dito sa convinient store at mukhang kagagaling lang sa jogging. Medyo pawis siya at may dala dalang towel at mineral water.

"Si boss? San ba siya nakatira? Bakit siya nakaabot dito?" sabi ko sa sarili habang pinagmamasdan siya.

Bumili din siya ng kape at siopao. Mukhang papalapit siya dito sa kinororoonan ko.

Agad kong sinuot yung hood ng jacket ko para di niya ako makita. Niyuko ko yung ulo ko para mas di halata.

"Huwag ka nang magtago, nakita na kita." sabi niya sabay lapag ng kanyang binili at umupo sa harap ko.

Tinaggal ko naman yung hood ko at napayuko. Shit, nakita niya pa ako.

Dahan dahan akong uminom ng kape at kumain ng burger. Nahihiya akong makipag-usap sakanya baka mapagalitan nanaman ako.

"Kanina ka pa dito?" sabi niya sabay higop ng kanyang kape.

Nagtatagalog nanaman siya.

"Bago lang po." sagot ko.

"Ah." sabi niya.

Tinignan ko siya habang kumakain ng siopao. Nakatingin lang siya sa labas at parang malayo ang tingin. Gwapo talaga si boss. Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad akong umiwas ng tingin at hunawakan yung dibdib ko.

"No, Kristoff, no." sabi ko sa UTAK.

Nakita naman ni boss na nakahawak ako sa dibdib.

"You okay?" sabi niya.

"Opo boss." sabi ko sabay baba ng kamay.

"Oh okay. So, I gotta go." sabi niya sabay tayo.

"Haaay. Ano bang meron sayo boss?" sabi ko sa sarili pagkalabas niya sa store.

Maya maya din ay lumabas na ako at dumiretso sa office.

******

"Tama na siguro to. Ano sa tingin mo?" sabi ni sir Marco sabay abot ng papel kay boss Ynigo.

"Hm, yeah." sabi niya sabay tango. "Edit ko to ng konti."

"Nice. Pwede na ako maglunch?" sabi ni sir Marco sabay tayo.

"Yeah." sagot ni boss.

"Pare, tara. Sabay tayo lunch." sabi ni sir Marco sabay lapit sa table ko.

"Sige, patapos na ako." sabi ko sabay ligpit ng gamit ko tsaka ko kinuha yung bag ko at tumayo.

"Ikaw bro?" sabi ni sir Marco.

"Later." sagot ni boss.

Nabigla ako dahil inakbayan ako ni sir Marco at agad kaming tumungo sa pinto. Nilingon ko si boss at nakita kong nakatingin siya sakin. Agad naman siyang umiwas ng tingin.

Tumungo kami sa 5th floor para doon maglunch. Nag-order kami tsaka kami umupo sa table.

"Wag mo akong akbayan sunod. Nakakahiya kay boss. Baka mahalata ako." sabi ko kay sir Marco.

"Bakit naman? Para naman tayong magkumpare eh." sabi niya.

"Para sayo, oo. Pero para kay boss, baka iba na iniisip niya." sabi ko.

"Bahala siya kung anong gusto niyang isipin. Wala naman tayong ginagawang masama." sabi niya.

"Pero kahit na. Ayoko parin pag-isipan niya tayo, I mean, ako ng masama." sabi ko.

Oo. Madaling sabihin para sakanya na wala lang yung akbay niya. Yeah, maybe that was just a bro thingy. Pero, I don't think that boss Ynigo will think the same way what sir Marco was thinking. Diba?

"Bakit ka naman pag-iisipan ng masama? Di naman kita ipapahamak." sabi ni sir Marco.

"Pero-"

"Basta sumabay ka lang. Di ka mahahalata niyan, swear." sabi niya.

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Tama nga naman, sabayan ko nalang para di ako mahalata. Kapag kasi iiwas ako, baka may something na maiisip si boss.

Nang natapos kaming kumain ay agad na kaming dumiretso sa office ni boss. Pagkapasok namin ay nakita ko si boss na nakasandig sa sofa habang nakikinig ng music.




"Chilling bro?" sabi ni sir Marco sabay upo din sa sofa.



"Yeah." sagot ni boss habang nakapikt.

Pumikit din si sir Marco at sumandig sa sofa. Tinignan ko silang dalawa. Ang gagwapo nila, sobra. Para silang mga anghel na natutulog. To be honest, mas gwapo si boss Ynigo kaysa kay sir Marco. Pero mas malakas ang appeal ni sir Marco. Basta gwapo sila.



Umupo ako habang tinitignan parin sila. Grabe, ang gwapo talaga nila. Kahit na ganito parati ay okay na sakin. Sana nga lang bumait na si boss Ynigo. Mas lalo siguro akong magkakagusto sakanya.



Dumilat si boss Ynigo at tinignan ako. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na nag-aayos ng bag.

Tumayo siya at pinuntahan yung table ko. Habang papalapit siya sakin ay bumibilis ang tibok ng puso ko. Anytime baka sasabog na ako. Bakit ko ba to nararamdaman? Crush pa ba ito? Oh higit pa?



Itinukod niya yung kanyang kamay at lumapit sa mukha ko. Napaatras ako sa inasal niya. Nakatingin siya direkta sa mga mata ko. Napakamisteryoso talaga ng kanyang mga mata, parang may sinasabi siya sakin gamit ang kanyang mga mata.



Nabigla ako sa tanong niya na halos lumabas na yung puso ko sa lakas ng kabog ng aking dibdib.


"Why are you staring at me?" sabi niya.






Another update. Mukhang ganado ako hehehe :) pero sana patuloy niyo pong suportahan. Salamat po. :)




My BossWhere stories live. Discover now