Chapter 26

18.3K 609 58
                                    

"Goodmorning Stoff, magbihis ka na. May lakad tayo." sabi ni boss sakin pagkagising ko.

Aba? Ang aga aga, san ba kami pupunta? Wala akong maalala na may lakad kami and all I know is tapos na yung meeting nila with Mister Novitsky.



"San ba tayo pupunta boss?" tanong ko sakanya.


"Ililibre kita. Diba promise ko sayo yun?" sabi niya sabay ngiti.

Oh my geeeeeeeeeee. Seryoso? Tapos. Tapos, kami lang dalawa? Oh heaven!!!!!!

"Tayo lang dalawa boss?" tanong ko sakanya. Tumayo ako para kunin yung towel ko sa cabinet.

"No. Sasama daw si Danielle." sabi niya.


That girl! Ugh.


"Ah okay." sabi ko sabay pasok sa cr.



"Kala ko kami lang dalawa, shet date na sana yun." sabi ko sa sarili.

****



"Tara na?" sabi ni boss sakin.


"Okay." sabi ko.

Pagkalabas namin nakita ko si sir Marco na pabalik sa room namin.


"Oh, san kayo?" sabi niya samin nung nakita niya kami.



"Ililibre ko siya. As I promised." sabi ni boss.

"Siya lang? Pano ako? Tumulong kaya ako sayo, ako yung-"


"Shut up. Dali na." sabi ni boss.


Agad naman siyang napatalon. Tunawa nalang kami at tumungo na sa baba.





**


"Susunduin ko muna si Danielle." sabi niya sabay baba sa taxi.

Hays. Akala ko moment na namin to. Nakalimutan ko palang nandidito yang babaeng yan, nakakainis!


"You okay?" sabi ni sir Marco.


"Oo naman. Bakit?" sabi ko sakanya.

"Parang hindi eh." sabi niya sakin.


"Bakit mo naman nasabi?" tanong ko sakanya.


"Kitang kita kaya oh?" sabay turo sa mukha ko.


"Eh kasi nandito pala si Danielle, may iba kasi akong nararamdaman sakanya. Parang may tinatago." sabi ko.


"Ang sabihin mo, nagseselos ka." sabi niya sakin sabay ngiti.


"Hindi no?" sabi ko sakanya. Halata nga talaga hahahaha.

"Sus wag ka nang tumanggi. Di bale, nandito naman ako eh. Di ka magiging 3rd wheel." sabi niya sakin.

Di na ako nagsalita dahil pumasok na sa loob ang mga love birds.

"Hi everybody!" sabi ni Danielle pagpasok sa taxi.


Ngumiti lang kami ni sir Marco at agad ng umandar yung taxi na sinasakyan namin.



****

First up, sa restaurant. Kakain daw muna kami. Pumasok na kami sa loob at umupo na sa table. Umorder na kami at nag-usapusap.


"Babe, kamusta ang meeting with Mister Novitsky?" tanong ni Danielle kay boss.

"It's ok. Really ok. Nakuha namin siya." sabi ni boss.


"See? I told you, you can do it." sabi ni Danielle sabay yakap kay boss.


My BossWhere stories live. Discover now