Chapter 6

21K 767 95
                                    

"Bakla, halika!" tawag sakin ni Rica nung bumaba ako galing sa office ni sir.

"Oh, bakit?" sabi ko nung nakalapit na ako sakanya.

"Look at this." she said and lend me a piece of paper.

Kinuha ko ito mula sakanya at tinignan.

"Meeting?" bangit ko at agad tumingin kay Rica.

"Yep. First time in history na magpapatawag si boss ng meeting!" she said while clapping her hands.

"So?" napataas ako ng kilay.

"I think may something na di ko maipaliwanag." sabi niya sabay crossed-arms.

"Eh? Talaga? Kahit nung nagsisimula ka pa dito? As in wala talaga?" sabi ko sakanya.

"Oo nga! Nagpopost lang yan ng reminders dito noon. Walang meeting meeting." sagot niya.

"Talaga? Silent type siya at the same time monster type na boss? How amazing!" sabi ko ng di makapaniwala.

"Exactly! Oo bakla. Kaya kung di ka mapapadaan doon at di binasa yung reminders, then pag di mo sinunod yun, hay nako mag-impake ka na lang kasi you're fired." sabi niya.

"Grabe naman to. Eh ano kayang gagawin niya satin sa meeting? Baka fired tayo lahat." sabi ko.

"Hindi rin no! Ano ka ba! I think maganda." sabi niya.

"Bahala na nga. Sige mauna na ako, may inutos pa sakin si boss." paalam ko sabay wave ng hand.

"Okay ingat ka bakla!" sabi niya sakin.

Inutusan kasi ako ni boss na bumili ng makakain para sa bisita niya mamaya. Nagtataka nga ako bakit di na lang siya tatawag para magpadeliver. Kailangan pa talaga pagurin ako? Naku naman. Naiirita ako sa mga sinabi niya sakin a while ago nung inutusan na niya ako...

"I have given my rules, so stick with it. Kahit na napakadali, just obey it. Understand, asshole?"


Sino ba di maiinis diyan? Langya to!

Sabi ni boss, kahit anong pagkain raw, basta daw masarap, bibilhin ko. Nag-iisip nga ako ano bang bibilhin at ano bang panlasa ng mga bisita niya? Hm, pizza? Doughnut? Cake? Cupcake? Pasta? Burger? Eh ang sasarap niyan lahat eh tsk.

Naglakad lakad lang ako kahit saan. Wala parin akong nakitang store na makakabili ng mga pagkaing masasarap at very worth to eat. Yung tipong, sulit sa bulsa? Ay di pala, mayaman pala to at kayang bilhin lahat, except sa buhay ng tao, charot.

Napagod ako sa paglalakad. Grabe ang layo ko na sa office at hingal na hingal na ako. Hanggang ngayon wala parin akong nakikitang store eh. San ba nagtatago yang mga store na yan at bakit parang di makita? Kapagod.


Agad naglakad ako muli, nagbabakasakaling meron ng store.


At yun nga, I saw a store. Parang eto na nga yung hinahanap ko.

Pumasok ako doon at may nakita akong nakadisplay na mga pagkain. Iniisa isa ko ang pagtingin sa mga ito.

"Hm, ang dami naman neto. Ah alam ko na!" I said. Bibili nalang ako lahat ng ito.

"Ah excuse me Ms." tawag ko sa isang tagabantay dun.

"Yes, sir?" she answered.

"Ah magkano po tong pizza? Yung pinakamasarap po ninyo?" sabi ko. "Tsaka cupcake na best seller niyo?"

"Pizza po ay 1,600 yung pinakamasarap then yung cupcake is 200 yung isa." sabi niya.

Tinignan ko yung pera na binigay sakin ni boss. 6000php.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon