Chapter 36

15.9K 473 78
                                    


Kristoff Saavedra's POV

Nag-iisa lang ako ngayon sa office ni boss dahil may pupuntahan siya with Mister Novitsky kasama si sir Marco. May inutos din sakin si boss, mga papeles again hahaha sanay na ako sa mga gawaing ito at pinapautos niya din na magsulat ng "why should I promote you?" essay. Sabi niya kasi gagawa ako ng essay tapos ipapasa ko sakanya. No more explanations siya nung ibinigay niya sakin yan. Kaloka.

Habang nagsusulat ako ng essay, napa-angat naman ang ulo ko dahil may pumasok. Nakita ko si Yohan na nakangiti.

"Magandang umaga sayo." bati nito sakin.

"Magandang umaga din." bati ko rin sakanya.

"Pwede bang pumasok?" sabi niya sabay ngiti. Omg cute.

"Sige pasok ka." sabi ko naman.

Agad naman siyang pumasok at isinara yung pinto. Umupo siya sa sofa at ngumiti sakin. Ngumiti din ako at agad ibinalik ang atensyon sa pagsusulat ng essay.

"Bakit di mo kasama si Mister N?" tanong ko habang nagsusulat.

"Dito nalang daw ako eh. Sila lang daw tatlo ang aalis." sabi niya.

"Ah." tipid na sabi ko.

Habang nagsusulat ako, narinig ko na unti unting lumalapit si Yohan. Di ko yun pinansin dahil nagfofocus ako sa essay ko.

"Ano ba yang ginagawa mo?" sabi niya nung nakalapit na sakin.

Pag-angat ko, nakita ko yung mala-anghel niyang mukha na malapit sa mukha ko. Napaatras ako ng konti.

"Ah, eto ba, may pinapagawa kasi si boss." sabi ko sabay ayos ng upo.

"Ah para san?" sabi niya.

"Ewan ko." sabi ko.

Nakatingin parin sakin si Yohan. Naiilang na ako. Ano bang meron sa mukha ko? May dumi ba? Kulangot? Muta? Ano baaa?

"May dumi ba ako sa mukha?" sabi ko sabay himas sa mukha ko.

"Wala naman." sagot niya.

"Bakit ganyan ka makatingin?" sabi ko ng diretsuhan.

"Coz you're cute." sabi niya sabay kindat.

Nanginit yung mukha ko at napayuko. Lakas mambola nito ah?


"Niloloko mo ba ako?" sabi ko.

"Totoo kaya sinabi ko." sabi niya.

"Char. Umupo kana dun." sabi ko sakanya.

Akala ko babalik na siya sa sofa ngunit kumuha siya ng isang upuan at tumabi siya sakin.

"Oh, bakit ka nandito?" sabi ko.

"Wala lang." sabi niya sabay ngiting pamatay.


GULAAAAAY.


Imbis makapagconcentrate ako, naiilang ako sa kakatitig niya. Grabe siya ah?


"Mag-ccr muna ako." sabi ko sabay tayo at pumunta sa cr.


Pagkapasok ko sa cr ay agad akong tumingin sa salamin.

"Grabe siya ah. Wooh." sabi ko sa sarili at pumasok sa isang cubicle.

Maya maya ay lumabas na ako sa cr at nakita ko siyang nakaupo parin at nakangiti.

Umupo ako balik at sinimulang magconcentrate na sa pagsusulat.


My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon